MALAPIT NA BA?

2.9K 75 15
                                    

Napapagod ka na bang maghintay sa Panginoon? Sabi Niya babalik Siya agad..

Nasasawa ka na ba sa lagi mong naririnig na, dadating na ang Panginoong Jesus konting tiyaga na lang..

Naiinis ka na ba sa paulit-ulit mong nababasa na "JESUS IS COMING SOON", at iniisip na "Bakit kaya ang tagal dumating ng Panginoon! Totoo ba ang Kanyang mga salita at pangako?"

Kung iyan ang nararamdaman at iniisip mo. Tigilan mo na iyan!

"But do not forget this one thing, dear friends: With the Lord a day is like a thousand years, and a thousand years are like a day.- 2 Peter 3:8"

Maaaring matagal ang pagdating Niya para sa atin, pero tandaan mo 2015 palang ngayon, nakasulat sa Bible na 1 araw lang sa Kanya ang 1000 years sa atin, ibig sabihin pala ay 2 days pa lang sa Panginoon ang panahon natin ngayon. Aba! Sadyang napakagaling ng ating Diyos dahil bago pa man tayo mainip sa paghihintay sa Kanya, may binigay na Siyang salita sa atin na tumutukoy sa mararamdaman natin o kung nawawalan na tayo ng ganang maghintay.

Kung mahal mo talaga, hihintayin mo. Love is patient. Maghihintay ka kasi may hinihintay kang loyal, faithful, at higit na nagmamahal sayo. Maghihintay ka kasi ang nagsabi nito sayo ay tumutupad sa Kanyang mga pangako. Maghihintay ka hanggang wakas kasi maging Siya ay naghihintay sayo. Diba nga nandito ka sa lupa upang mag prepare kasi ikaw ang bride ng ating Panginoon, inaayos Niya ang buhay mo at hinuhubog ka sa paraang mas maeenjoy mo kapag nagkasama na kayong dalawa. Hindi lahat ay nadadaan sa mabilisan, sabi nga ni Lola Nidora "Sa tamang panahon". Ganoon din ang ating hinihintay, lagi Niyang sinasabi sa atin pag gising palang natin sa umaga, ibinubulong Niya sa atin na "Anak, maghintay ka lang ha? Hinihintay ko pa ang mga kapatid mo na makakilala sa akin eh". Oh! Napakasarap alalahanin kapag ganoon na pati mga mahal mo sa buhay, pamilya, kaibigan ay nais at gustong makasama ng ating Panginoong Jesus sa langit.

Habang naghihintay tayo sa muli Niyang pagdating, nakikita naman natin na pasama na ng pasama ang ating mundo na siyang nagpapahina lalo ng ng pananampalataya ng ibang Kristyano. "Because lawlessness is increased, most people's love will grow cold. But the one who endures to the end, he will be saved. This gospel of the kingdom shall be preached in the whole world as a testimony to all the nations, and then the end will come. -Matthew 24:12-14". Sinabi nga na madami ang manlalamig pero ikaw! OO ikaw na bumabasa nito ay hinding-hindi manghihina o manlalamig sa Panginoon. Kapatid, tayo ay magpatuloy sa Kanya at huwag itapon ang ating nasimulan. Huwag mong kalimutan ang mga ginawa sayo at pinaranas sayo ng Panginoon. Maghintay ka sa Kanya gaya ng paghihintay Niya sayo dati noong makasalanan ka pa.

Gaya ng buhay ng tao at ano mang nilalang, lahat ito ay nabubuhay sa panandaliang panahon lamang at nakikita natin na ang lahat ay may katapusan. Nakikita natin na mawawala ang lahat ng bagay maging ang buhay natin dito sa lupa, pero alam mo at hindi ka matatakot sa paglisan mo dito sa mundo kung alam mo nagtagumpay ka sa paghihintay sa Kanya na gumawa at bumuhay sa iyo.

"Be still before the Lord and wait patiently for him. -Psalm 37:7"

"The Lord is not slow in keeping his promise, as some understand slowness. Instead he is patient with you, not wanting anyone to perish, but everyone to come to repentance. -2 Peter 3:9"

Hindi masasayang ang paghihintay mo dahil alam mo na sobra-sobra pa ang reward ang ibibigay sayo ng Panginoon kapag napagtagumpayan mo ang lahat ng bagay at namuhay ng malugod sa Kanyang harapan. BE PATIENT! Dahil ang Buhay Kristyano ay marunong maghintay at nagtitiwala sa bawat sinabi ng Panginoong Diyos.


Buhay Kristiyano, Buhay natin to!Where stories live. Discover now