CONNECTION

6.4K 153 29
                                    

Connecting with God is very easy. Anong sikreto?

PRAYER/DASAL

Sobrang simpleng salita pero napaka meaningful. Sobrang simple kung pagmamasdan o gagawin pero napakalaki ng magagawa sa buhay mo. 

Madaming Kristyano ngayon ang nanghihina o nagsasawa pagdating sa bagay na ito. Ano nga ba ang nasa isip nila kung bakit sila tumitigil o tinatamad? Madaming dahilan kung bakit nga tinatamad ang isang tao when it comes to praying. Siguro dahil na din sa ilan lang sa mga sumusunod:

1) UNANSWERED PRAYERS

May mga instances sa buhay natin na hindi natutupad o hindi agad binibigay ng Lord ang iyong mga hinihiling, kahit isipin mo na wala namang masama sa dasal ko, maganda naman ang intensyon ko, may faith naman ako o kaya naman naniniwala naman ako, nagsasabi ka pa nga ng "IN JESUS NAME" at "KINE-CLAIM KO NA!" Pero bakit hanggang ngayon wala pa din. Bakit hindi binibigay ni Lord sa akin. Alam mo ba kapatid na pagdating sa paghingi kay Lord nangunguna dapat yung kalooban ba talaga Niya yung hinihiling mo? Kailangan tayong maging sensitive at tuluyang magtiwala sa plano Niya sa buhay natin. Hindi dapat tayo nanghihina kapag hindi Niya ibinigay ang kahilingan natin. Palagi mo ding tandaan lalo na kung ikaw ay isang ganap na tagasunod ni Jesus ay ang maghintay, hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong madaliin ang lahat kailangan din nating maghintay dahil dito nate-test kung talagang may tiwala ka talaga kay God. Huwag kang mag alala tatlo lang ang kasagutan dyan (YES/WAIT, NO, at I HAVE SOMETHING BETTER FOR YOU) Relax ka lang kapatid! CHILL! :)

2) SINS/SHAME

Tama! Kaya din nawawalan ng ganang magdasal dahil sa tingin nila ay hindi naman papakinggan ang mga panalangin nila dahil kaliwa't kanan ang mga kasalanan na nagawa nila. Gaya nga ng nakasulat nga sa 1 John 3:22 And whatever we ask we receive from him, because we keep his commandments and do what pleases him. Ibig sabihin mas gusto pala ng Lord na matuwid tayo sa Kanyang harapan at sinasagawa ang Kanyang mga utos. Kung ikaw ba naman ay isang magulang tapos nagbigay ka ng rules sa mga anak mo, halimbawa huwag mong aawayin ang kapatid mo. Pag sinunod nila iyon matutuwa ka at ibibigay mo ang gusto nila pero pag naman ginawa nila ang ayaw mo ay diba magagalit ka din? Ganoon din ang Panginoon, paano Siya matutuwa kung puro nalang kasalanan ang binibigay mo sa Kanya. Nagdudulot kasi ng hiya sa sarili maging sa harapan ni God pag patuloy ka pa din sa pagkakasala, nahihiya kang lumapit kasi akala mo galit Siya sayo at nakatakip ang tenga sa mga sinasabi mo. Huwag mong hayaan yun, huwag kang mahiya sa Kanya kasi "If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness. -1 John 1:9" . Kaya dapat bago magdasal SEEK HIS HEART, REPENT and BE RIGHTEOUS. Pag alam mong mali, talikuran mo na. Tignan lang natin kung hndi mo pa mapasaya ang ating King of kings and Lord of lords.

3) BUSYNESS

May nabasa ako na "If Satan can't make you bad, he will make you BUSY". Kaya kung nakikita mo ang sarili mo na hindi na makapagdasal dahil sa dami ng iyong inaatupag, under-attack ka na kapatid. Huwag mong hayaan na dayain ka ng kaaway. Dahil ang prayer at ang power ni God sa buhay mo ang magiging panlaban mo sa anumang gagawin ni satanas sayo at sa family mo. Huwag mong hayaan namawala ang sandata mo para sa laban ng buhay. Itabi mo muna ang ka-busyhan at unahin mo ang Panginoon na Siyang laging naghintay sayo. But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well. -Matthew 6:33. Unahin mo Siya sa lahat mong gagawin at gagaan ang buhay mo. Wag mo Siyang gawing 2nd, 3rd, 4th even last priority ng buhay mo, baka gusto mo ding maging last priority Niya. Make Him your First Priority!

Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit nawawalan ka ng ganang magdasal. Tandaan mo kapatid na nasa atin ang problema at wala sa Kanya, kaya't huwag na huwag mo Siyang sisisihin kung magulo man ang buhay mo at hindi ka nakakaramdan ng pag-asa. Baguhin mo muna ang sarili mo at Asahan mong magkakaroon ka ng malalim na connection sa Kanya. Connected ka na, mayroong ka pang tunay na relasyon kay JESUS. Saan ka pa! Mag-Buhay Kristyano ka na!

Magsimula ka na ngayon, lumapit ka na sa Panginoon at hayaan mo na maenjoy mo ang Kanyang kapangyarihan at higit na maenjoy mo ang gagawin Niya sa buhay mo dahil nag desisyon ka na lumapit at manalangin lagi sa Kanya.  "pray continually -1 Thessalonians 5:17". Wag kang tumigil at huwag kang manghina hangga't hindi mo nakikita ang muling pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Walang bibitiw at walang susuko.  Kumapit tayong mabuti. Huwag mong hayaan na ang lahat ng pinaghirapan mo ay mauwi lang sa wala. 

"He will never leave you nor forsake you. -Deuteronomy 31:6"


Buhay Kristiyano, Buhay natin to!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon