CONTENTMENT V.2

2.6K 51 7
                                    

A/N: Bago niyo po basahin ito, nais ko muna po na panuorin niyo muna ang video clip sa chapter na ito. Click niyo lang po sa itaas. God bless readers! Salamat po.

--------------------------------

Be careful what you wish because you just might get it. And when you get it, you'll start regretting it.

Hindi tayo nabuhay para maging isang demanding person. God gave us life, kasi He wanted us to be Thankful and be content of what we have in life.

Bakit kaya sila may iphone 6S ako wala? Bakit kaya ang ganda ng damit niya lagi, tapos ako paulit-ulit lang ang damit ko? Mangyayari tuloy niyan, dahil sa kagustuhan mo sa isang bagay at napaka desperate mong magkaroon din noon ay lahat ng pinagppray mo ay puro hingi nalang. Imbes na PANGINOON, ang sinasabi mo na ay PENGE NOON, ito na ang nagiging bukambibig mo, kasi left and right ang pagiging demanding mo sa harap ni Lord. 

Kulang pa ba ang mga binibigay Niya sayo? Kulang ba lahat ng ginagawa Niya para sayo?

May nabasa akong isang quote, ang sabi doon "You are boastful, if you are not contented". Parang ganyan, di ko na tanda kasi matagal na yun high school pa ako pero hindi ko malimutan yung pinaka main idea ng quote. Tama nga naman! Kung hindi ka marunong makuntento, nagmamalaki ka. Kasi hindi ka mag hahanap ng wala sayo kung marunong kang tumanaw ng utang na loob sa nagbigay niyan sayo which is si God.

"Make sure that your character is free from the love of money, being content with what you have." -Hebrews 13:5a

Tingnan natin sandali. May mga kakilala ka ba na sobrang yaman, nabibili lahat ng gusto, nakakapag travel around the world, pero hindi siya masaya? Alam niyo, kahit yung mga mayayaman, hindi parin sila kuntento kasi gusto pa lalo nilang yumaman. Ang daming ganyan sa panahon natin ngayon. Hindi na nakakasama ang pamilya kasi busy sa pagpapayaman. Ano ka ba! Pag na kay Lord ka at alam mo na kasama mo Siya, ayun ang ibig sabihin ng kayamanan.

Hindi nasusukat sa dami ng pera mo, o sa dami ng gamit mo, o sa ayos ng pinapasukan mong eskwelahan ang pagiging isang mayaman. Kundi ito yung kilala mo si Jesus, at may tunay kang relasyon sa Kanya, na handang tanggapin ang binigay Niyang buhay sayo, marunong makuntento, at spiritually matured.

Dahil ang tunay na kayamanan ay nasa puso mo at nasa langit dahil doon tayo nag iipon ng kayamanan natin. God will provide all your needs!

"For where your treasure is, there your heart will be also." -Matthew 6:21

GOD KNOWS EXACTLY WHAT YOU NEED, WHO YOU NEED, AND WHEN YOU NEED IT.

Di mo kailangan humingi ng humingi, magpasalamat ka nalang sa mga binibigay Niya sayo, sa mga binigay Niya sayo, at sa mga darating palang sa buhay mo. Wait for His perfect timing. Just trust Him!

"The closer you get to God, the more you realize it's not about the money, success, or popularity. It's about finding true satisfaction in the arms of Jesus Christ"


Buhay Kristiyano, Buhay natin to!Where stories live. Discover now