ISANG TULDOK LANG

2.9K 76 7
                                    

Ikaw ba ay may problema na kinakaharap ngayon at sa tingin mo ay napakahirap nitong lampasan? Napakahirap bang takbuhan? O napakahirap takasan? Kung iyan ang hinahanap mong paraan para matapos ang problema mo, hinding hindi na matatapos ang problema mo.

Ang problema ay hinaharap at hindi tinatalikuran. Kaya naghihirap ang Pilipinas eh, dahil ang mga pinoy ay masyadong binabalewala ang mga bagay. Halimbawa, bakita madami ang broken families? Dahil kapag nagbunga na ang ginawa ng magkasintahan, hihiwalayan na ito ng lalaki (hindi lahat), kasi ayaw panagutan o ayaw harapin ang problema, kesyo hindi pa daw handa. KESYO-KESYO pa, dapat KASYANG-KASYA dahil sapat ang pag-ibig ng Panginoon.

"Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon. -1 Corinthians 10:13"

Ayan ang sabi sa Biblia, hindi Niya daw hahayaan na subukin ka na higit sa iyong makakaya. Iisipin mo din yun eh, ang word na sinabi dyan ay "subukin" hindi problemahin, kung sa ingles "temptation" ang binigay sa atin, yan ang term na binigay sa atin at hindi problems, kasi kung problema, problema talaga yan sabi nga ng dictionary "harmful, bother, irritant, worry, nightmare" at kung ano-ano pa, lahat ng definition ng problem ay babagsak lang sa kawalang tiwala mo sa Panginoon. 

Ang temptation naman ay comes from the Latin word "temptare" ibig sabihin "handle, test, try", pagsubok lang talaga na dapat mong i-handle at malagpasan dahil ito ay pagsubok lamang ng Diyos sa buhay mo. Kung nakikita mo ang pagkakaiba, huwag mo na problemahin dahil mag cause lang yan ng bad effect sa iyo spiritually, mentally, physically, emotionally, maging intellectually.

Ang kadiliman ay nagpapakita ng kaliwanagan ng Panginoon sa ating buhay. "Gaano man kalaki ang kinakaharap mo sa buhay, tandaan mo na TULDOK LANG IYAN sa harapan ng Diyos."

Sundan mo ang agos na binigay sayo ng Diyos. May gift of faith ka, gamitin mo ito para sa pagharap sa mga ito. "pagdating ng pagsubok, bibigyan Niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon". Papasok na dito ang verse na alam na alam ng mga Kristiyano "I can do all things through CHRIST who strengthens me. -Philippians 4:13"

Kung kasama mo Siya lagi, hindi ka matatakot na humarap sa pagsubok ng buhay. Ang pagtitiwala sa Diyos ay masusubok kung paano mo hinahawakan at hinaharap ang problema mo, kapag dumating ba ang pagsubok nagbabago ang attitude mo o behavior? Kapag ba dumating ang pagsubok chill ka lang at pinagkakatiwala lahat sa Panginoon? O kapag dumating ang pagsubok dinidibdib mo ba at hindi mo niluluhod?  

Alam mo kapatid, sa buhay natin kailangan din tayong kumilos, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Makipag tag team ka sa Panginoon, hindi yung everytime na may dumating na pagsubok sasabihin mo, (Lord, kayo na po ang bahala ahh) sabay (ba-bye po!). Makipag work ka sa Kanya, I CAN DO ALL THINGS ang sinabi hindi HE CAN DO ALL THINGS para sa akin, hihilata nalang ako at hindi lalabas ng bahay o kwarto dahil HE CAN DO ALL THINGS FOR ME. Huwag ganun, ipinapakita mo lang na hindi sapat ang pagkakakilala mo sa ating Panginoon. Kumilos ka at gawin ang part mo as a Christian.

"Lahat ng problema may solusyon, kung walang solusyon wag mo nang problemahin dahil hindi yan para sa iyo, inaagaw mo lang iyan sa ibang tao (assuming ka, masyado mong inaangkin)" Hehe joke!

"Lahat ng pagsubok ay kaya mong pagtagumpayan, kung hindi mo man mapagtagumpayan, wala sa iyo ang Panginoon, magtiwala ka muna at i-evaluate ang sarili mo kung bakit ba nangyari iyan. Dahil ba pagsubok lang talaga o dahil na din sa maling kagagawan mo?"

"Kung nararamdaman mo na sobrang bigat na at nagawa mo na naman ang best mo pero wala talaga, subukan mong bitawan, baka sakaling gumaan"

"Tingnan mo ang pagsubok sa positive side nito at hindi sa negative, BE OPTIMISTIC!"

At higit sa lahat, "Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga kabalisahan sapagkat siya ang kumukupkop sa inyo. -1 Pedro 5:7"


Buhay Kristiyano, Buhay natin to!Where stories live. Discover now