TREASURE INSIDE

2.3K 47 6
                                    

NOON:

Anak: (Lalapit sa magulang) Ma/Pa, Ano po ang pagkain natin?

NGAYON:

Anak: (Mag-memessage sa cellphone o sa FB) Ma/Pa, Ano po ang pagkain natin?

-----

Bilang mga anak sa ating mga magulang, hindi dapat nawawala ang ating paglapit sa kanila lalo na kung magkakasama lang naman kayo sa isang bahay. Sabi nga diba "sa tahanan nabuo ng magagandang samahan ang pamilya" pero paano kapag na lamon na kayo ng gadgets niyo? ng internet? ng wifi? paano pa kayo makakabuo ng pagsasama at bonding sa isa't-isa kung dinadaan niyo pa kay Mr. MESSAGE ang sasabihin niyo sa nanay at tatay niyo, maging sa mga kapatid niyo o kung sino man ang kasama niyo sa bahay.

Try to get along with them din minsan. Hindi lang nagsasabi o nagsasalita ang inyong pamilya pero gusto nilang iparating sayo na "anak, miss na miss na kita, sana kausapin mo naman kami." Ganyan ang nafi-feel ng pamilya mo kapag puro internet ka nalang at cellphone. Huwag mong hintayin na kung kailan nawala na sila saka mo lang sila maaalala. Kung kailan nasa ataol na sila saka mo lang sila kakausapin at yayakapin. Kung kailan tapos na ang lahat saka mo lang mauunawaan ang halaga nila.

Ang pamilya ay inaalala at inaalagaan, hindi yan isang display lang na kapag may kailangan ka ay saka ka lang lalapit. Try to get connected. Maikli lang ang buhay. TREASURE THEM. Hindi treasure na itatago mo lang sa loob ng box, kundi isang treasure na kaya mong ipagmalaki sa iba at lagi mong biyabit dyan sa puso mo.

"Honor your father and your mother, so that you may live long in the land the LORD your God is giving you. -Exodus 20:12"   


Buhay Kristiyano, Buhay natin to!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon