"Pakawalan mo ako!" Sabi nya.

Now, I know.... What really happened to her...

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. I chant a spell, galing yun sa utak ko. Si Leo ang nagsasalita nun. And then, she was like a possessed woman. Maya-maya pa, may itim na lumabas sa katawan nya.

"Sinabi ko na dati na hindi sya si Azeya." Sabi ni Leo.

"Yeah, right." Walang buhay kong sabi. Nawalan ng malay si Sephiel. Kaya naman tinanggal ko na ang spell at kinarga ko sya. Hindi ako pwedeng bumalik sa mansyon nila. Baka paghinalaan pa ako.

Kaya nag decide ako na iuwi sya.

End

Kaya ayun, nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakatingin lang sa kanya. Na-miss ko talaga sya. Sobra! Mamamatay ako kapag hindi ko sya nakita. Corny, pero totoo.

Half of my life, half of my heart and also my soul... Every part of me was her. She's the only reason why I'm still here. Fighting and loving. No more reasons why. Just her.

"Kuya?" Biglang pumasok si Eisle. "Okay na po ba si ate Sephiel?"

Oo nga pala. Si Sephiel pa rin ang nakikita nya kay Aze---Wait, e si Sephiel naman talaga to e. Nag panggap lang na Azeya.

"Yeah. She's fine." Nginitian ko naman ang kapatid ko. Idol nya kasi si Seph ever since.

"Buti naman po. Akala ko po talaga may nangyaring bad kay ate." Nalungkot naman sya.

"Hwag kang mag alala, 'pag gising nya, tatawagin kita. Oka ba yun?" He just nodded his head then left the room.

A minute later....

"Alam mo po ba ate, ang galing galing po ni kuya sa pagba-basketball. Kaso di sya sumali sa school nila e." Kwento ni Eisle.

Oo, gising na si Sephiel. Kanina pa sya dinadakdakan nitong kapatid ko. Ngumingiti naman sya.

She's back to normal. Pero wala syang maalala sa mga nangyari. Sinabi ko na lang na tapos na ang problema at matatahimik na kami.

"Hindi kasi pang school ang kakayahan ng kuya mo. Pambahay lang talaga sya." Sabi nya. Hindi ko alam kung totoo yun o nang aasar sya?

Ilang minuto pa ang lumipas at nag decide nang umuwi si Sephiel. Tinatawag ko pa rin syang Azeya. Wala nga kasi syang maalala, di ba? Kaya secret muna.

"Sasama ako." Seryoso kong sabi. Baka mamaya may gawin nanaman sila kay Sephiel. 'Di na ko papayag.

"Hwag na nga sabi. Kaya ko na ang sarili ko."

"No. I insist."

"Gusto mo bang mapatay kita ng 'di oras? Mangulit ka pa't papatulan kita."

"Ah, basta. Kahit ipa-salvage mo pa ako, kahit ipakain mo pa ko sa pating, sasama ako."

Napa buntong-hininga sya. Talo sya. Mas malakas ako ngayon e. ^___^

"Fine. Do whatever you want." Naglakad na kami. Oo, lakad mode lang. Wala naman akong kotse e. Sya lang ang mayroon.

"Ano ba talagang nangyari sa akin ha? Bakit wala akong maalala?" Tanong nya habang naglalakad kami.

"Uh... Uhhmm.." Paano ko ba sasagutin to? Baka kasi di sya maniwala e...

"Go straight to the point, Azer." Tinitigan nya ko ng masama. "Hwag mong tatangkaing mag sinungaling."

Okay... Ito na nga po sya. SYA NA TALAGA ITO. Masaya naman ako na naalala na nya ko ^__^ Ang saya...

"AZER ZARFTEN!" Sigaw nya.

"O-okay! Kalma lang!" Huminga ako ng malalim. "Ganito yun..."

At kinuwento ko ang lahat sa kanya.

"So, meaning, kinausap ka ni... Leo?" Medyo hindi sya makapag react.

"Oo. Ang sabi nya kasi, spell lang din ang makakapag panumbalik sayo. Kaya iyon ang ginawa ko."

Natahimik sya. Parang nag isip. Naglalakad pa rin kami nyan ah. Hindi kami tumigil. Hanggang makarating kami sa tapat ng gate ng mga Montelvana.

There's something between Leo and Sephiel...

Gusto ko syang tanungin.. Teka lang---Tatanungin ko ba? As in ngayon na talaga?

Magagalit kaya sya?

Paano ko sisimulan?

"Are you still there, Azer?" Biglang tanong nya. Bumalik naman ako sa scene.

"H-ha?"

Napa-face palm sya. "Azer, magpahinga ka na nga sa inyo. Mukhang lutang ka nanaman e." Tumalikod na sya.

"T-teka! Sorry kung natulala ako!" I grabbed her arm and I face her to me. "I... I'm just wondering kung... Kung anong mayroon sa inyo ni Leo..."

Medyo nagulat pa sya sa sinabi ko. Maya-maya nag iwas sya ng tingin.

"Eh... Pero wala na yun sa akin! Hahaha! Past is past na nga e!" Sinubukan ko pang mag joke.

"May nangyari sa amin..." Bulong nya.

"Ha?" Ano daw? Di ko nadinig.

"May nangyari sa amin ni Leo noon, Azer." Seryoso nya kong tiningnan.

Joke yun di ba? H-hindi ko lang naintindihan? .. Am I deaf? Parang nanikip ang dibdib ko...

Blade X (Completed) 2016 Versionजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें