Hindi maiwasan ni Fretzie na lingunin ang katabing upuan nito kung saan naka upo si James. Aminin niya man sa hindi na miss niya si James kaya lang kailangan niya itong iwasan para din naman sa ikabubuti niya.

Pagkatapos ng klase niya nang araw na iyon ay hindi siya ka agad umuwi ng bahay. Pumunta siya sa park kung saan lagi nilang pinupuntahan ni Rj noong bata pa sila. Doon si Fretzie pumuwesto sa paborito niyang spot sa swing.

Nagulat si Fretzie may biglang tumakip sa mata.

“Ano ba? Pwede bang pakitanggal mo ang kamay?” naiinis na wika ni Fretzie agad naman nitong tinanggal ang kama niya. Nang lingunin ni Fretzie kung sino may gagawan nun ay muntik na siyang malaglag sa upuan ng swing. Buti na lang maagap siya nitong nasalo.

“Fretzie, ano ba kasing nangyayari sayo? May problema ba?” nag-aalalang tanong nito. hindi siya makasagot dito.

Hindi inaasahan ni Fretzie na makikita niya dito si Rj. Anong gagawin niya? hindi niya alam kung anong sasabihin niya dito.

Habang tinititigan niya ay napansin siyang iba kay Rj. Kailan pa nagkanunal si Rj sa leeg? Nakasuot lang kasi si Rj ngayon ng itim na sando at naka shorts.

“Fretzie, may problema ba? Bakit hindi ka makasagot?” usisa niya kay Fretzie. Tinignan lang siya ni Fretzie na parang may gustong sabihin kaya lang parang nag-aalangan ito.

“Rj, ikaw ba talaga iyan? Kailan pa ikaw nag-karoon ng nunal sa leeg?” seryosong wika nito.

Noong oras na iyon dun kinabahan si Rj. Mukhang mabubuking na ang kanyang pagkukunwari.

“Sagutin mo ako. Ikaw, din ba iyong kasama ko sa amusement park noong nakaraang lingo?” pakiusap na sabi nito. Hindi na niya kayang magsinungaling pa dito kaya sinagot niya ito dahil sobra na siyang nakokonsensiya.

“Fretzie, I’m sorry. Hindi ako ang tunay na kababata mo. Sa amusement park si James iyong kasama mo.” hindi alam ni Fretzie kung papaano siya makapag react sa nalaman niya. Bigla na lang tumulo ang kanyang luha.

“Papaano mo akong nagawang lokohin sa mahabang panahon? Pitong taon mong tinago ang katotohanan. Sa tingin mo ba hindi masakit para sa akin malaman ito ngayon?” sumbat sa kanya ni Fretzie.

“Fretzie, pakiusap magpapaliwanag ako.” Sumamong sabi nito ngunit tahimik lang ito.

“Fretzie, kaya ko ginawa yun ay para rin sa pakanan ni James. Pagkatapos ng mangyaring aksidente kay Ate Jackie na trauma si James. Hindi siya naming makausap ng maayos lagi na lang siyang tulala. Sa tingin mo ba, hindi din mahirap sa akin ang gawin to? Sa totoo lang sobrang na nahihirapan na rin ako at nakokonsensiya.”

“Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo? Pitong taon ang nawala sa akin, Rj. Ibig sabihin nun hindi ako sumira sa pangako namin sa isa’t-isa ng kababata ko. Nang dahil sa ginawa mo nawala siya sa akin ng tuluyan. Maiintindihan ko naman kung sinabi mo eh.” Puno ng hinanakit na wika ni Fretzie

“Fretzie, alam kung naguguluhan ka pero sana balang araw maintindihan mo kung bakit ko iyon ginawa. Kailanman hindi siya nawala sayo, Fretzie. Nawala lang ang alaala niya ngunit hindi ibig sabihin nun hindi na siya makakabalik. Babalik din siya sayo sa tamang panahon.” Pampalubag na loob na sabi Rj.

Nang mga sandaling iyon doon napagtanto ni Fretzie ang lahat. Kaya pala iba ang pakiramdam niya pagkasama niya si Rj dahil hindi siya ang tinatangi-tangi ng kanyang puso. Ibang-iba ang pakiramdam niya pag si James ang kasama niya  parang lagi na lang siyang masaya at hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi. Meron din kakaibang koneksyon na nag-uugnay sa kanila.

“Alam kong hindi mo pa ako mapapatawad sa ngayon ngunit sana balang araw merong puwang sa puso mo na mapatawad ako sa ginawa kong kasalanan sayo.”

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon