Chapter 42 [☆] Care

Start from the beginning
                                    

"Sorry sir pero wala po talagang sumasagot" Aniya.

Out of frustration, galit akong napa sabunot sa buhok ko at umalis na doon.

"ARRRRGH! DARN IT!" Galit na asik ko at sinuntok ang manibela ng sasakyan ko.

Galit kong dinampot ang phone ko na nasa upuan at tinawagan ulit ang number ni Sky.

Good thing ay bukas na ito but he's not answering. Hindi ko s'ya tinigilan hanggang sa sagutin niya ang tawag.

"Where is Shana?" Galit na bungad ko nang sagutin niya ang tawag.

[Why would I tell you? Base sa pagkaka tanda ko, hinayaan mong umalis si Shana sa bahay ninyo nang may sprained ankle, dumudugo ang ulo, puro kalmot at namamaga ang pisngi. There's no way in hell I'll tell where Shana is] Maangas at may diin na sagot niya.

Hindi ko napigilan ang sarili na suntukin muli ang manibela ng sasakyan ko.

"QUIT PLAYING GAMES, SKY! FUCK! SABIHIN MO NA!" Frustrated na sigaw ko sa kan'ya.

[Mamatay ka kaka hanap]- Madiin na sagot niya at pinatay na ang tawag.

Fuck! Nakaka frustrate, tang ina! Kampante naman ako dahil si Sky ang naka kita sa kan'ya pero 'yung fact na nakita ko s'yang ganun kanina? And because of what Sky said na inabot ni Shana? Fuck it! Ba't ang gago ko? Ba't ang gago gago ko na hinayaan s'yang ganun? Tang ina, bulag na ba ako?

Napa sabunot ako sa buhok ko at pumikit ng madiin.

Biglang tumunog ang phone ko kaya napa tingin ako dito. Si Aila, tumatawag.

Agad ko itong sinagot. Maybe Aila knows where Shana is.

[PUTANG INA MO!] Sigaw ni Aila saakin nang sagutin ko ang tawag n'ya.

[Paano mo napa bayaan si Shana ng ganito?!]- Dagdag niya.

Napa pikit ako ng madiin at sumandal.

"Nasaan s'ya?" Mahinahon kong tanong.

[Wala talaga akong balak sabihin sa'yo kung nasaan sya. Hindi ka naman kasi mag-aalala at alam ko naman na wala kang pake] Mataray na sagot ni Aila.

Hindi ko naman napigilan ang sarili na mapa hilamos"Fuck, Aila! You have no idea how frustrated I am right now! Para akong tanga dito sa may condo ni Sky na nag babaka sakali na dinala n'ya dito si Shana. Darn it! Quit playing around!" Galit na sabi ko.

Aila puffed a mocking laugh [So now you know how it feels? 'Wag kang tanga, malamang nasa hospital kami. Room 1216]- Mataray na aniya at binaba ang tawag.

Agad kong pinaandar ang sasakyan ko at pina harurot ito papunta sa pinaka malapit na hospital.

Dali dali kong pinarada ang sasakyan ko pag dating ko ng hospital at dumaretso sa room number na sinasabi ni Aila.

Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko si Shana na naka higa at naka cast ang paa at may benda sa ulo. Doon ko lamang din napansin ang mga sugat at gasgas niya sa braso pati na rin ang pamamaga ng pisngi niya. May medyo malaki rin siyang sugat sa bandang labi niya.

Fuck it! Bakit hindi ko 'yan nakita? I was too blinded!

"Fuck you!" Galit na saad ni Sky at sinuntok ako. Hindi ako lumaban o tinignan s'ya ng masama, alam kong deserve ko 'to. Gago ako e.

"Bakit nagka ganyan si Shana ha!?" Sigaw niya at kinwelyohan ako.

"Sky, tama na" Awat ni Aila kay Sky at pilit na nilalayo saakin.

"Alam mo, nangangati talaga 'yung kamao ko na sapakin ka. I wanna punch you so fuckin' hard 'cause you fuckin' deserve it" Sky spat on gritted teeth at lumabas ng kwarto ni Shana.

Napa pikit naman ako at napa tingin kay Shana na naka higa.

"Alam mo ba gusto rin kitang saktan, sampalin at sipain? Gusto kong ibalik sa'yo lahat ng ginawa mo kay Shana. Gusto kong ipa ramdam sa'yo kung gaano ka-sakit ang mga bagay na ginagawa mo sa kaibigan ko" Ani ni Aila at umupo sa tabi ni Shana.

"Ba't ganun, Jungkook? Ba't nagagawa mo sa kan'ya 'to? Wala s'yang ibang ginawa kundi ang mapasaya ka... ang mahalin ka pero bakit ganito?" Nagulat ako nang makitang umiiyak si Aila.

"Wala s'yang ginawa kundi ang mahalin ka pero bakit ganito ang ginaganti mo?" Umiiyak na dagdag ni Aila.

Napa yuko ako as everything Aila said sinked in "Sorry" 'Yan lang ang naiisip kong tamang salita na sabihin sa kan'ya.

"Sorry?" Sarcastic na sabi ni Aila.

"Sorry pagka tapos mo s'yang saktan ng ganito? Sorry!?" Sigaw niya na naging dahilan para mas mapa yuko ako.

"A-aila" Napa lingon kaming pareho nang tawagin ni Shana si Aila.

"O-okay ka lang? May gusto ka bang kainin? May masakit ba sa'yo?" Sunud sunod na tanong ni Aila kay Shana at bahagyang pinahid ang pisngi niyang basa dahil sa mga luha.

"Gusto kong umalis dito. Ayaw ko dito" Sagot ni Shana at inabot ang dextrose na nasa kamay niya at pilit na tinatanggal. Agad naman siyang pinigilan ni Aila.

"Kailangan mong mag pahinga dito" Sabi ni Aila at pilit na pinapakalma si Shana.

"Gusto ko ng umalis dito, ayaw ko dito" Pag pupumilit ni Shana.

"Shana" Tawag ko sa kan'ya. Agad siyang napa hinto at napa lingon saakin.

"B-bakit ka nandito?" Hindi maka paniwalang tanong niya saakin

"Iiwan ko muna kayong dalawa" Paalam ni Aila at lumabas ng kwarto.

Lumapit naman ako kay Shana. Agad niyang iniwas ang tingin saakin.

"O-okay ka na?" Hindi n'ya ako sinagot, imbis ay tumalikod siya saakin.

"Shana" Tawag ko sa kan'ya pero hindi n'ya ako pinansin.

Napa buntong hininga ako "May gusto ka bang kahit ano?"

"Gusto ko ng umalis dito" Sagot niya ng hindi ako nililingon.

"Sige, i-pprocess ko na ang pag labas mo" Ani ko at lumabas ng kwarto niya.

Ayaw sana kaming payagan ng doctor pero dahil nag pupumilit si Shana, wala na s'yang nagawa kundi ang payagan na lang akong i-discharge si Shana. Agad ko namang binayaran ang bill. When they gave the go signal na pwede na kaming umalis, bumalik ako sa kwarto n'ya at nakitang nakapag bihis na s'ya at tinutulungan s'ya nila Sky at Aila gamitin ang saklay niya.

"Tara na Shana, uuwi na tayo" Anunsyo ko.

Sky tsked at me at hinalikan ang noo ni Shana "Ingat" Aniya at lumabas na.

Aila gave Shana a quick hug at sumunod na kay Sky.

I can see Shana's struggle using her crutches kaya agad ko siyang inalalayan hanggang sa maka sakay kami sa sasakyan.

"Dadaan muna tayo sa drug store para bumili ng ilang gamot na nireseta sa'yo" Wala naman akong narinig na sagot ni Shana. Naka tingin lang s'ya sa bintana at ang tahimik n'ya.

"May gusto ka bang kainin?" Tanong ko at bahagya siyang tinignan. Bahagya naman n'ya akong nilingon.

"Gusto ko ng sundae. Caramel sundae" Plain na sagot niya at tumingin na ulit sa bintana.

Agad ko namang iniliko ang sasakyan ko at nag drive-thru.

Binili ko ang gusto niyang sundae at pumunta na sa drug store. Iniwan ko s'ya sa sasakyan at ako na lang ang bibili. Isinuot ko ang face mask ko at bumili na ng mga gamot na kailangan niya.

Nang matapos kong bilhin lahat ng gamot niya ay umuwi na kami sa bahay.

Inalalayan ko s'yang maka pasok sa bahay dahil alam ko na hindi s'ya sanay gumamit ng saklay.

"Dito ka muna, ipag luluto kita" Saad ko nang alalayan siya papunta sa sala.

"Hindi na, pagod na ako. Gusto ko ng mag pahinga" Malamig at walang emosyon na sagot niya at umakyat mag isa.

Napa buntong hininga ako at pinanood siyang umakyat.

Bakit parang iba ang dating saakin ng sinabi n'ya?

[EDITED]

Being Mrs. JeonWhere stories live. Discover now