"A-Ah, oo. Okay lang 'yun. Don't mind my husband. I'll handle him," pagsisigurado nito na palipat-lipat ang titig sa aming dalawa.

Masyado talagang pahalata ang babaeng 'to. Para na tuloy nasilihan ang puwet ko sa pagkakaupo dahil gusto kong tumayo at lumabas. His towering height and presence makes me feel so much smaller lalo pa't nakaupo ako.

"I can use my phone, right?"

"Yes. I'll guess your husband wants to know the gender?" tumango si Pao at ngumiti. Nag-isip saglit si Storm pero agad rin naman siyang pumayag, "But not before it. The sonographer and I will check if everything's good before we reveal. After that, kailangan rin patayin ulit para makapag-focus uli."

Pinakinggan ko lang sila mag-usap. Nakatuon nga lang yung atensyon ko sa magandang boses ni Storm. It oozes masculinity and professionalism na napakasarap pakinggan sa tenga.

Nang matantsa ko nang focused na siya at hindi na niya ako mapapansin, I chance a look at him. For as fast as I can, I tried memorizing the feel of his presence.

His hair is in a neat manbun on his head. It obviously grew longer in the past two weeks.

I've realized then and there how I missed seeing him in action, in his element. This side of him is entrancing and captivating.

Napakalayo ng side niya na ito sa maangas niyang postura at mga braso na ngayo'y parang tadtad na rin ng iba't ibang linya at simbolo. 'Yun marahil ang isang dahilan kung bakit marami-rami rin ang following niya sa social media at nagkakagusto.

I inwardly sighed and tried to focus on the images they are doing. Pero hindi ko magawa dahil sa tuwing mag-re-react ako, mararamdaman kong mapupukol ang atensyon niya sa akin and it lingers.

My body is tight with awareness. Para kaming pisikal na naghahabulan dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako and at the same time excited.

Nakahinga ako nang maluwag nang tapusin na nila ang check up. Dalli jumped to her feet and immediately went to Storm. Hinila niya ang coat nito para tingnan siya. "Hi, doctor. Thank you for letting me see my baby brother."

Ngumiti si Storm. Ibinaba niya ang katawan in a squat para makapantay niya si Dalli. "You're always welcome, kid," malumanay niyang bigkas bago iangat ang kamay for a high five.

Dalli giggled before slamming her little palms with Storm's bigger ones. May mabilis na kinuha si Storm mula sa bulsa niya. Inilahad niya ito sa harap ni Dalli at nakita kong dalawang piraso pala ng potchi.

Parang may kumikiliti sa tiyan ko habang pinapanood ang interaction nila ni Dalli. He's so big and Dalli's just a fracrion of his size pero ang cute nila panoorin.

Nang tumayo si Pao ay sumabay na rin ako para hindi pa maharang.

Pareho kaming napatigil nang tawagin ako ni Storm. "Kiel, can we talk?"

Nagkatinginan kami ni Pao. Sinesenyasan niya akong um-oo. Sinimangutan ko siya at bahagyang umiling.

"Chance mo na 'to Remember what we said," mariin niyas bigkas bago tumingin kay Storm dahil tinawag siya nito para sa iilang huling paalala.

Nanlaki ang mata ko nang ipagpaalam pa niya ako s akaibigan ko na kakausapin ako saglit. Hindi pa nga ako sumasang-ayon! Kala naman niya sasama ako sa kanya.

Sinamaan ko ng tingin ang dalawa bago tuluyang lumabas. Mabuti na lang ay malapit ako, hindi ako mahahablot pabalik.

Pumwesto ako sa pinakamalayong upuan na available at doon naghintay. Makaraan lang ang ilang minuto, narinig ko si Dalli na tuwang-tuwang nagpaalam na naman kay Storm

I've Got You (SPG Girls #5)Where stories live. Discover now