Chapter Eight

Beginne am Anfang
                                    

Hindi ko na pinapasok ang taxi sa loob, agad na rin akong bumaba pagkatapat pa lang sa gate. I watched the totality of the orphanage. I guess all of the donation paid up. The whole house clearly shows the evidence for that. Natuwa naman ako dahil doon.


Pagkapasok ko pa lang ng gate, agad na sumalubong sa akin ang Mother Superior doon. 

"I bet it's Angela, welcome to Saint Agnes Orphanage. I'm Sister Maria Geneva Lucas, but you can call me Sister Eva." She offered me a handshake. Isang napaka-heart warming rin na ngiti ang ibinigay niya sa akin.


Si Sister Eva ay kasing tangkad ko lang. Medyo payat din siya and she's wearing eyeglasses. Palagay ko, makapal din ang lenses ng mga yon. Bakas na rin sa kanya ang katandaan.


Hinayaan ko siyang magkwento ng ilang description about the orphanage, habang naglalakad kami papunta sa bungad ng istruktura. Noong una, pilit niyang iexplain sa akin ang mga iyon sa wikang Ingles. 


"We want the best for the children. Not just like a normal orphanage, we want them to be intact with the word of God. We let the children excel from their service and help them learn more of good traits, para naman hindi magsisisi ang mga magulang na gustong kumupkop sa kanila." she released a short laugh. "We want betterment for the children, so as for the adoptive parents."

"I appreciate the mission of the orphanage Sister Eva. Sa pagpasok ko palang po dito, I already felt the spirit. Welcome na agad ang pakiramdam ko. And thank you,for giving this time on my visit. Pasensya na rin po kung nakakapag-Ingles pa kayo dahil sa akin. Hindi na naman po kailangan, marunong pa rin naman po akong mag-Tagalog."

Mukha namang natuwa siya sa nasabi ko at nakahinga pa ng malalim. 

"Pasensya ka na. Sabi kasi ni Ruth, galing ka pa daw ng Amerika. By the way, Congratulations nga pala sa naging Graduatio mo."

"Salamat po."


Ilang madre pa ang sumalubong sa amin sa may bukana. Isa-isa rin iyon na nagpakilala sa akin. Agad ko namang tinanggap ang mga nilahad nitong kamay sa akin. 

Nag-aya na rin sila sa akin na pumasok na sa loob. Pero bago ko pa man din nagawa ang bagay na iyon, natanaw ko naman ang kotse ni Logan hindi kalayuan. Naka-park yun malapit lang sa bahay mismo. Hindi ko nga lang sigurado kung kotse nga iyon ni luga o kamukha lang.


Iginiya sa akin ni Sister Eva ang daan papunta sa office niya. She wants to discuss more of the things first before ko pa man makasalamuha ang mga bata. I guess, it's exactly what orphanages usually do. Kahit din naman sa U.S. ehh.


Habang naglalakad, hindi ko maiwasan ang pag-iisip sa nakita ko.

Ano namang gagawin niya dito? Hindi naman pupunta si Ate Ruth kapya paniguradong wala rin siya dito. And besides, for sure, busy yung taong yun. I just don't know what job he got, pero siguro naman hindi siya makakapunta ng weekdays dito especially that it's early in the morning. Maybe, weekends sound much better for him. Ito ang pilit kong kinukumbinsi sa sarili ko.


Matapos rin ang maikling usapan na iyon, pinayagan na rin nila akong pumunta sa mga bata. I'm excited but I'm nervous, as well. It's my first time to see the children.I don't know what to expect exactly. I don't know how am I be able to approach them especially that they don't know me then. Maski nga ang mga madre doon, hindi rin ako kilala. Siguro, they know me by name pero ang sabihing personally, I believe they don't.

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt