“Eh Rj, tignan mo iyong tubig mukhang malalim. Alam ko naman hindi ka pa masyadong marunong lumangoy.” Paalala pa ni Zie sa kay Rj. Sa halip na making sa kababata ay bumaba na siya at lumusong sa tubig.

“Zie, ang sarap maligo at ang lamig ng tubig. Samahan mo ako dito.” Sigaw niya kay Zie.

“Rj, bumalik ka na dito. Pakiusap.” Nag-aalalang sagot ni Zie. Ilang ulit na tinawag si Rj ngunit hindi siya nito pinakinggan. Nadagdagan ang takot niya ng hindi na niya makita ng kanyang mga mata si Rj.

“Rj, nasaan ka na? Huwag ka ngang magbiro ng ganyan?” naiiyak na sigaw ni Fretzie. Mas lalo siyang nataranta ng makitang niyang kumakapakapa sa tubig si Rj.

“Zie, tulungan mo ako!” sigaw nito sa kanya. Hindi alam ni Fretzie ang gagawin niya noong mga oras na iyon nanginging ang buong katawan niya sa sobrang takot. Lumingon siya sa kanyang paligid kung may makita siyang bagay na pwedeng gamitin pangligtas kay James. Nakita siyang mahabang kahoy agad niyang iyon at subukan I abot kay Rj.

“Rj, humawak ka dito sa kahoy!” sigaw niya dito at sinusubukangv abutin ni Rj ang kahoy ngunit tinatabog siyang papalayo ng alon.

“Rj!” sigaw ng kanyang kababata. Tumutulo na ang luha sa mga mata ni Fretzie. Hindi na niya alam ang gagawin.

“Rj! Zie! Nasaan na kayo?” sigaw ni Jackie. Nag-aaalala siya ng hindi niya nadatnan ang dalawa sa daan kaya agad niya itong hinanap.

“Zie, anong ginagawa mo diyan? Bakit ka umiiyak?”

“Ate Jackie!” umiiyak lang ito at hindi makapag salita sa sobrang takot.

Kitang-kita ni Jackie kapatid na tinatangay ng alon  agad siyang tumalon sa tubig at lumangoy kung saan ang kapatid niya. Nang malapit sila sa may pantalán ni   Zie inilatag niya ang stick na hinawakan niya kanina kina Ate Jackie at James at hinila ito palapit sa kanya. Hindi inaasahan ni Zie ang nangyari hinampas ng malakas na alon si Ate Jackie at hindi niya na ito matanaw habang si Rj ay nandiyan na sa may hagdan.

“Ate Jackie! ” sigaw ni Zie habang kalongkalong niya si Rj na nawalan ng malay agad na lumukas ang hangin at umulan noong oras na iyon parang nagdadalamhati sa nangyari.

“Ate Jackie! Ate Jackie! Patawarin mo ko.” Sigaw at umiiyak na sambit ni James habang natutulog.

Papunta na si Ivan sa kwarto nila ni James ng marinig niya ang sigaw ni James agad siyang tumungo sa kanilang silid. Binabangungot ang kaibigan niya.

“James, gising! Nanaginip ka” sambit ni Ivan habang niyuyugyog ang kanyang balikat. Nagising si James na tumutulo ang luha niya.

“James, nilalagnat ka. Alam mo bang nagsisigaw ka kanina. Ano ba ang napanaginipan mo?” nag-aalalang tanong ni Ivan.

“Hindi ko masyadong maalala pero napanaginipan ko si Ate Jackie nakangiti siya sa akin habang binigay niya ang bracelet tapos hindi ko maalala ang iba basta ang malakas alon at ulan ang nakikita ko. Nakakatakot.”

“Ibig bang sabihin niyan ay unti-unti mo ng naaalala ang nakaraan mo?”

“Hindi ko alam.” Wala sa sariling sagot nito.

“Ang mabuti pa magpalit ka ng damit basing-basa ka ng pawis. Tapos sasabihin ko Yaya Loring na dalhan ka ng makakain.”

“Salamat.”

Maagang nagising si Fretzie sa resort dahil balak niyang maunang umuwi sa kanila. Dala –dala na niya ang kanyang backpack kasalukuyan pa kasing natutulog sina Ann at Trish sa cottage.

Malapit na siya sa may lobby nang makita siya ni Ivan. Nilapitan siya nito at nakikita niya sa kanyang mata na nagtataka ito siguro kung bakit dala dala na niya ang gamit niya.

“Fretzie, saan ka pupunta? Bakit dala dala mo ang mga iyan?” nagtatakang tanong sa kanya ni Ivan.

“Ivan, kasi..” hindi masabi ni Fretzie ang dahilan kung bakit niya gustong umalis.

“Fretzie, hindi kita papayagang umalis hangga’t hindi mo sinasabi ang dahilan.” Seryosong wika ni Ivan sa kanya.

“Ivan, pakiusap payagan mo na akong umalis.  Pasensiya ka na hindi ko masasabi sayo ang dahilan ko.”

“Sige. Hindi na kita kukulitin. Basta ihahatid kita sa inyo. Ayos ba iyon sayo?” nakangiting wika ni Ivan. Ngumiti lang si Fretzie at tumango.

Sinamahan ni Ivan si Fretzie na umuwi sa kanila dahil ayaw ng Tita niya na siya ang mag drive ng kotse.Inutusan ng Tita niya ang personal driver  niya ang nag drive naipagmaneho sila.

Tahimik lang si Fretzie nakatingin sa bintana ng kotse habang nagbabyahe sila. Hindi niya maiwasan magtaka kung anong nangyari. Hindi kaya may nangyari kagabi ng hindi niya nalalaman?

“Fretzie.” Tawag niya  tumingin ito sa kanya na parang malalim ang iniisip.

“Ayos ka lang?” tanong nito sa kanya. Alanganing ngiti ang binigay nito sa kanya. Nararamdaman niya na may problema ito kaya lang ayaw niyang magsabi kung ano.

Naalala niya na may chocolate bar siya sa kanyang bulsa. Kinuha niya iyon at ibinigay kay Fretzie.

“Fretzie, o kainin mo ito. Para gumaan naman ang pakiramdam mo. alam kong kahit hindi ka  magsalita nakikita ko sa mga mata mo na malungkot ka.” Kinuha ni Fretzie ang chocolate at ngumiti kay Ivan.

“Salamat.” Tipid nitong sagot.

Ilang araw ng nakalipas noong nagpunta sila sa resort ng Tita ni Ivan. Nagtataka siya kung bakit umuwi ng sumunod na araw si Fretzie ng hindi nagpapaalam sa kanila. Tinanong niya si Trish kung may alam siya ngunit walang ideya si Trish. Simula noon napapansin ni James parang iniiwasan siya ni Fretzie. Hindi naman iyong klase ng iwas na hindi na siya kinakausap nito. Kinakausap naman siya nito kaya lang parati na lang nagmamadali o may ginagawa. Gusto niya man itong kausapin kaya lang nag-aalangan siya at hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin niya.

Tamang-tama na papunta na siya sa classroom ng magkasalubong sila ni Fretzie sa daan. Binati niya ito ngunit alanganing ngiti ang binigay nito sa kanya. Nauna itong pumasok sa silid aralan.

Unting-unti na si Fretzie na umiiwas kay James. Simula noong nangyari sa resort ay natauhan na siya. Hindi niya kayang baguhin ang pinipintig ng puso ni James kahit anong gawin niya mababalewala lang lahat iyon dahil si Ann parin kasi ang nagmamy-ari ng puso nito  Kahit papaano ay unting-unti na siyang nasasanay na hindi ito kasama at naging abala sa ibang bagay tulad ng sinalihan niyang club. Kahit sobrang na miss na niya ito pinipigilan niya ang sarili niya na kausapin ito para din naman sa sarili niya.

Invisible (On editing process)Where stories live. Discover now