“Alam mo ang gusto kong malaman, friend. Huwag mo ng ilayo ang usapan, umamin ka nga may gusto ka ba kay James?” diretsahang tanong ni Trish.

“Wala. Si James ay kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Bakit mo kasi natanong ang bagay na yan?” paliwanag niya kay Trish. Ang totoo nahihiya siyang magsabi ng totoo sa kaibigan ng tunay niyang nararamdaman kay James. Hindi sa wala siyang tiwala dito kaya lang mas mabuti na lang itago niya na lang.

“Sige paniniwalaan ko ang sinabi mo pero iba talaga ang pakiramdam ko eh.”

“Hay naku Trish, gutom lang iyan.”

Sa kabilang daku naman ay nagmamasid lang si Rj sa bintana ng kanyang silid. Kung gaano siya katagal sa ganong posisyon ay hindi niya alam. Hindi mawala sa kanyang isipan ang nangyari noong nakaraang araw. Gusto niyang kausapin si Ann pagkatapos noong nangyari ngunit hindi ni Ann sinasagot ang tawag niya. Hindi siya makapaniwala may tinatago pa lang pagtingin si Ann sa kanya. Masyado na ba siyang manhid para hindi niya mapansin si Ann? Obvious naman ang sagot sa tanong niya. Naantala ang kanyang malalim na pag-iisip ng bumukas ang kanyang pinto sa silid.

“Rj, anong ginagawa mo dito? Akala ko sumama ka kay James sa outing.” nagtatakang tanong ng kanyang Mama. Nilapitan siya nito at umupo sa tabi niya.

“Mama, tinatamad kasi akong sumama.” Dahilan ni Rj sa kanyang ina.

“Bakit may dinadamdam ka ba?” Nag-aalalang tanong ng kanyang ina.

“Wala po. Ma, may sasabihin sana ako sayo. Huwag ka sanang mabibigla.” Pagtatapat nito sa kanyang ina.

“Ano ba yun, anak?”

“Ma, wala po akong malubhang sakit. Hindi po ako mamatay.” Imbes na sumbatan siya ng kanyang ina sa hindi pagsabi ng totoo ay niyakap siya nito ng mahigpit at ngumiti.

“Anak, masaya ako dahil hindi mawawala sa akin ang anak ko. Bakit parang hindi ka masaya? May problema ba?” kumalas ang kanyang ina sa pagyakap dito.

“Ma, si Ann kasi masama ang loob niya sa akin.”

“Ano ba kasi ginawa mo para sumama ang loob niya sayo?”

“Kasalanan ko na po eh. Kaya masama an loob niya sa akin. Sinubukan ko siyang kausapin sa pone hindi naman niya sinasagot.” Paliwanag ni Rj sa kanyang ina.

“Hay ang anak ko. Binata na talaga.”

“Ma, naman eh.” Untag ni Rj.

“Bakit hindi ba totoo? Huwag kang mag-aalala kung ano man ang naging problema niyo ni Ann. Maayos din yan at isa pa botong-boto ako kay Ann para sayo.”

“Si Mama talaga. Kaibigan ko lang po si Ann at impossible na maging kami.”

“Kaibigan lang ba talaga?” nandududang tanong ng kanyang ina sa kanya.

“Kaibigan lang ba talaga?” ulit na tanong ng kanyang isip. Aba nakisabay din ang isip niya sa hirit ng kanyang ina.

“Oh siya. Kaibigan na kung kaibigan. Alis muna ako. Ayos ka lang ba dito?” tanong ng kanyang ina. Tumango lang siya at umalis na sa silid.

Tahimik lang si James nakaupo sa papag habang iba niyang kasama ay  masayang naliligo sa may talon. Si Ivan naman ay naghanda ng kanilang kakainin sa meryenda. Sina Tricia, Ann at Fretzie ang masayang naliligo. Umahon na sina Ann at Tricia at umupo sa papag kasama niya.

“Trish, saan si Fretzie? Di ba kasama niyo siya?” tanong nito kay Trish.

“Nagpaiwan sa talon. Gusto pa niya kasing maligo.” Paliwanag ni Trish.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon