“James, pasok ka muna sa bahay. Ipaghahanda kita ng dessert.” Alok sa kanya ni Fretzie.

“Sige. Hindi talaga ako tatanggi kapag gawa mong dessert ang pag-uusapan. Masarap ka kasing mag-bake.”

“Hmfp! Puro ka talaga bola, James Reid.” Nakangising wika ni Fretzie.

“Totoo naman ang sinasabi ko eh..” sagot ni James habang nagpapa cute kay Fretzie.

“Oh siya. Pasok na tayo sa loob.”

Nasa isang Italian restaurant sina Rj at Ann pumunta pagkatapos ng photoshoot nito. Ang saya-saya ni Ann ngayong gabi dahil kasama niya ang nag-iisang taong minahal niya at yun ay si Rj. Matagal na siyang may lihim na pagtingin dito simula pagkabata ay lagi lang na siyang nakabuntot sa kay Rj ngunit hindi alam yun ni Rj. Hindi rin niya alam na lihim din niya itong pinagmamasdan sa malayo sa tuwing kasama niya si Fretzie. Minsan nga hiniling niya na sana siya na lang ang mahal ni Rj at hindi si Fretzie na kahit minsan ay maisip din ni Rj na nariyan siya lagi para sa kanya at hinding hindi siya iiwan nito.

“Ann, ayos ka lang ba?”

“Ok lang ako, Rj. Bakit?”

“Kasi ang ganda ng ngiti mo eh. Parang aabot na sa noo.” Tuksong wika ni Rj kay Ann.

“Hindi no. Masaya lang ako dahil nilibre mo ako ng dinner.haha” depensa ni Ann sa sarili habang sinusubo niya ang spaghetti na kinakain niya.

“Saan pala ang kapatid mo?” tanong ni Ann sa kay Rj.

“Hindi ko sigurado baka nandoon na yun siguro sa bahay o sa condo niya. Alam mo naman yun hindi pumipirmi sa isang lugar.”

“May punto ka nga. Siya nga pala, Rj. Saan pala sina tito at tita ngayon?”

“Nasa business trip sila ngayon.”

“Ganon ba. Siya nga pala, Rj. Bakit hindi tayo mamasyal pa minsan minsan? Matagal nating hindi nagagawa iyon.” Yaya nito kay Rj. Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan niya ito.

“Sige ba. Kailan mo ba gusto?” masayang pahayag nito.

“Okay lang ba sayo? Hindi makakasama sa kalusugan mo. Alam ko namang may sakit ka.” Nag-aalalang wika ni Ann sa kanya. Ngumiti siya sa kay Ann at hinawakan nito ang kamay nito.

“Ann, may sasabihin sana ako sayo pero huwag kang mabibigla.”

“Bakit ano ba yun, Rj?” interesadong tanong nito.

“Sana magtapat na si Rj sa akin. Kung iyon ang mangayayari hindi ko alam kung ano ang gagawin.” Kinilig si Ann kapag iniisip niya na magtatapat ito. Matagal niya na itong hinihintay na mangyari.

“Ann, ang totoo niyan. Wala akong malubhang sakit. Nagkamali ang doktor sa pagbigay sa akin ng results. Kaya ako nagkakasakit noong mga nakaraang araw dahil sa pagod at stress.” Pag-amin ni Rj sa kanya.

Hindi alam ni Ann kung matutuwa siya sa nalaman niya o maiinis kay Rj. Hindi niya alam kasi kung gaano siya nag-aalala sa kanya dahil sa kalagayan nito. Pagkatapos malalaman niyang inilihim nito sa kanya ang tungkol dito. Hindi niya namamalayan na lumuha na siya.

“Ann, bakit ka umiiyak?” sambit ni Rj habang pinahiran nito ang luha ni Ann.

“Alam mo nakakainis ka talaga, Rj.  Papaano mong nagawang ilihim to?” sumbat nito sa kanya.

“Ann, pasensiya ka na oh. Sasabihin ko naman talaga eh. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon.” Paliwanag nito kay Ann.

“Lagi ka namang ganyan eh. Unang-una tungkol sa pagpapalit niyo ni James, tapos ang pag-alis mo patungong Australia ng hindi nagsasabi sa akin. Hindi mo alam kung gaano akong nasasaktan sa ginagawa mo. Pilit ko mang magtanim sa iyo ng sama ng loob sayo hindi ko magagawa dahil mahal na kita,Rj.” Sa sobrang sama ng loob niya ay nasabi niya ng wala sa oras lihim niyang nadarama kay Rj.

Nagulat si Rj sa kanyang narinig mula kay Ann. Mahal na mahal siya ng kanyang kababata na si Ann. Hindi niya inaasahan na may lihim itong pagtingin sa kanya.

“Alis na ako.” Paalam nito kay Rj. Nahihiya siya sa kanyang sarili. Bakit ba niya sinabi yun kay Rj? Nagmukha na naman siyang tanga sa harapan nito.

“Ann, sandal!” sigaw ni Rj. Habang patuloy pa rin siya sa paglakad palabas ng restaurant. Gusto mang habulin ni Rj si Ann ngunit hindi na niya ito ginawa. Napabuntong hininga na lang siya habang tinatanaw niya si Ann sa labas.

“James, Bakit hindi tayo mag-bakasyon na magkakaibigan? Sina Tricia, Ivan at Ann. Ano sa tingin mo?” magiliw na sabi ni Fretzie. Habang hinihiwa niya ang mocha cake na ginawa niya at ibinigay kay James.

“Maganda iyang naisip mo. Matagal na rin kasi ako hindi nag-oouting nakasama mga kaibigan ko. Tamang-tama walang tayong klase sa biyernes, hindi ba?”

“Oo. Di bale tuloy na tuloy na ang outing natin?” pagkumpirma nito. ngumiti lang ito sa kanya at tumango.

“Tatawagan ko nalang mamaya si Tricia. Sigurado akong sasama iyon sa outing.”

“Ako nang bahala kay Ivan at Ann.”

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon