Chapter 30

106K 3.2K 224
                                    

Last Chapter! Thank you!

----------------------------------

Chapter 30
Beautiful Dance

Nagtipon-tipon kami ng El Dorado sa may sofa nila upang panoorin ang video ng practice namin kanina dahil hindi kami kunteto na nakatingin lang sa salamin at pinapanood ang sarili namin.

Kailangan naming makita ang kabuuan. Bawat pagkakamali kahit gaano kaliit ay dapat itama. Hindi dapat pumalya kung gusto naming manalo.

"Well, I must say that I'm impressed with our dance practice." ani Enzo.

I'm satisfied. But it's not perfect.

"It's not perfectly polished." problemadong pagpuna ko.

"We just finished the whole routine today. Of course, it's not that good." sabi ni Kai. "But at least we're synchronized. Hindi nga lumagpas sa mga daliri ng isang kamay ko ang bilang ng mga mali eh."

"But it has to be perfect. There shouldn't be any flaws kung gusto nating manalo." sabi ko't tumayo at pinatugtog ang music namin ng mahina upang mapakinggan ko.

"There will always be flaws, Bella." sabi ni Cliff. "We're not perfect. Let's just be glad na natapos natin 'to in a limited time."

Huminga naman ako ng malalim. "We dont have much time left to practice. Ngayong gabi nalang at lilipad na tayo bukas papuntang Los Angeles. Tapos nun isang araw lang ang free day natin before the competition.. Hindi sapat 'yon." pagpapaliwanag ko sa kanila.

Gusto kong malaman nila na dapat na naming maalis ang mga mali ngayon at nang sa ganon ay wala na kaming aalalahanin at po-problemahin tungkol sa sayaw pagdating namin sa Los Angeles.

"Bella, you're already tired.." biglang sabi ni L at rinig na rinig ko ang pag-aalala sa kanyang boses. "It's okay kung kami ang mapagod dahil sanay na kami but you.. you look like you're already going to faint. We practiced almost 24 hours everyday for the whole week. You should rest."

"That's right, Bella!" pagsang-ayon ni Peter. "Let's just use that one free day para makapag-practice if you want to correct all the slight mistakes basta makapagpahinga ka lang ng maayos ngayon."

Napabuntong hininga naman ako't tinignan ko ang ibang members ng El Dorado na sumasang-ayon sa sinabi nila Kai, L, Enzo, Cliff at Peter.

"Okay.." sabi ko nalang dahil hindi ko na rin maitatago pa ang sobrang pagod na nararamdaman ko.

Pagkauwi ko sa bahay ay hindi ko na nakuha pang magpalit ng pantulog o maligo man lang dahil sa pagod.

Kinabukasan ay maaga naman akong nagising upang ayusin na ang mga gamit na dadalin ko para sa alis patungong Los Angeles mamayang gabi.

"Bella, black or white?" tanong sa akin ni Penny't itinaas nya ang kanyang fur boots na magkaiba ang kulay.

"Black." sagot ko saka nagpatuloy sa pag-aayos ng aking damit.

"Okay then!" masaya nyang sabi't nagulat ako ng ilagay nya sa loob ng bagahe ko ang black fur boots na pinili 'to.

Nilingon sya't nilagay nya naman sa kanyang luggage ang color white.

"Para san 'to?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"It's LA, Bella and believe me.. it's freezing out there at this season." sabi nya sa akin.

"Hindi naman ako lalabas ng hotel. Doon lang kami ng El Dorado't magp-practice one last day." sabi ko sa kanya.

"Kahit na. Dalin mo pa rin in case na mapilit kitang sumama diba for a one day trip okay?" kinindatan nya ako saka nagpatuloy sa pag-aayos ng kanyang gamit.

Beautiful DanceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang