Chapter 26

106K 3K 287
                                    


Chapter 26
Right Time

"Excited na ako debut mo, Bella." na-eexcite na sabi ng aking pinsan.

Nandito ako ngayon sa bahay nila. Three times in a week ata akong bumibisita dito magmula ng magsimula ang pasukan dahil minsa'y sinasabay ako ni Penny sa pag-uwi't para hindi na rin maabala si Vini dahil may practice pa sya.

Ang alam ko'y nakapasa sila sa auditions at next, next week na ang eliminations ng sampung nakapasa sa auditions. Sa sampung 'yon ay isa lang ang matitira na magiging pambato ng Pilipinas kaya matindi ang practice nila't matindi din ang pagrereklamo ni Tito Sean sa bahay na hindi na daw nakakapagfocus sa pag-aaral si Vini dahil lagi itong late na umaalis.

Twing pinagsasabihan nga si Vini'y hindi nalang sya nagsasalita't nakayuko lang habang paulit-ulit syang pinagsasabihan ng daddy nya na para bang kahit anong mangyari'y ipagpapatuloy nya pa rin ang pagsasayaw nya.

Para syang pabebe girls, walang makakapigil sa kanya.

"I already bought a dress to wear at partner pa kami ni Ian para sweet." kinikilig na sabi nya't ipinakita sa akin ang dress na kanyang susuotin.

Kulay gold ang kanyang dress na tantsa ko'y hanggang itaas ng tuhod na ito't may makinang na telang halos mapuno na ng sequence at glitters.

"Bagay ba sakin?" tanong nya sa akin habang tinatapat sa kanya ang dress na kanyang binili't nagpose-pose pa.

Natawa ako sa kanyang pinag-gagawa't tumango nalang saka nagthumbs-up.

"Bagay sayo." komento ko.

Bagay naman talaga sa kanya ang kulay ng kanyang dress nang dahil sa meztisa nyang balat at ang style ay bagay sa hugis ng kanyang katawan.

"Ang galing ko talagang pumili." pagpuri nya sa kanyang sarili't pumalakpak pa saka maingat na binalik sa kanyang walk-in closet ang dress.

Dahil puno na ang 18 candles ko na maagang inasikaso ni Tita Sandra ay nilagyan nya nalang ng ibang segment kung saan pwedeng magtake part si Penny't si Tita Edna sa debut ko.

"Bella.." seryoso akong tinawag ni Penny kaya naman agad akong lumingon sa kanya.

"Hmm?" ngiti ko.

"Okay lang ba sayong.. wala si Tito Edwin sa birthday mo?" tanong nya sa akin.

Agad namang nawala ang aking ngiti nang dahil sa kanyang tanong.

"I mean, hindi ba mas-special kung nandon ang daddy mo?" aniya.  "Nung eighteenth birthday ko nga, kahit hindi magkasundo si mommy't daddy, gumawa pa rin sila ng paraan para makumpleto kami para sa debut ko. At dahil wala na si Tita Cecil.. hindi ba magandang nandyan kahit si Tito?"

Gustong-gusto ko ang ideyang nandito si tatay sa araw ng birthday ko pero alam kong hindi pa ito ang tamang panahon kaya hindi ko nalang iniisip na mangyayari 'yon.

"May tamang oras para magkita kami, Penny.." sabi ko nalang. "At alam kong hindi 'yon sa araw ng birthday ko."

Huminga naman sya ng malalim at umupo sa kanyang kama sa tabi ko.

"Alam mo bang laging ni-cecelebrate ni Tito Edwin ang birthday mo kahit na wala ka sa tabi nya?" kwento nya sa akin. "Twing birthday mo, lagi syang nagpapakain sa mga charity or foundation tapos ay lagi syang may dalang cake para kantahan ka ng mga tinutulungan nya ng happy birthday. Baka nga ngayon ay isang engrandeng feeding program ang gawin nya dahil mag-eeighteen ka na."

Napangiti naman ako nang dahil sa kwento nya't nagpapasalamat ako na naaalala pa ni tatay ang kaarawan ko't sine-celebrate nya pa ito kahit na wala naman na ako sa tabi nya o kahit hindi nya alam na buhay pa ako.

Beautiful DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon