Chapter 17

94.4K 2.8K 459
                                    

Chapter 17
House

"Is that Rachel?" tanong sa akin ni Rachel ng matanaw na ang labas ng bahay nila Aling Felisa.

Naningkit ang aking mga mata't nakita kong si Rachel nga 'yon at sa tikas palang ng kanyang sarili'y alam kong hindi magandang dahilan ang ipinunta nya dito.

"Ihinto mo, Vini." mabilis kong sabi kay Vini bago pa nya mailapit ng tuluyan ang sasakyan at makita kami ni Rachel paparating.

"Why?" tanong nya sa akin ngunit inihinto nya rin ng dahan-dahan ang kanyang sasakyan.

"Sandali lang. Huwag kang lalabas." sabi ko't sinukbit na ang aking bag at tahimik na lumabas ng kanyang kotse bago pa nya ako mapigilan sa paglabas.

Taas-noo akong naglakad papunta kay Rachel at ng makita ko ang kanyang matatalim na tingin ay napahigpit ang kapit ko sa strap ng aking shoulder bag.

"Rachel--"

Hindi pa ako nakakapagsalita nang makalapit ako sa kanya ay agad nya akong sinalubong ng isang napakatunog na sampal.

Napabaling ang aking mukha sa kaliwa't ininda ko ang sakit ng kanyang sampal sa akin.

"Pano mo nagawa 'yon, Bella?" mariin nyang tanong sa akin na halos ipagsigawan na nya.

"H-Hindi ko alam--"

"Hindi mo alam? Hindi mo alam?" paulit-ulit nyang sabi't hinawakan nya ng mahigpit ang aking braso. "Sinaktan mo si Ralph! Pinaasa mo sya tapos sasabihin mong hindi mo alam?!"

Alam kong malaki ang tiyansang magalit sya sa akin ng dahil sa ginawa kong pambabasted kay Ralph. Sinakripisyo nya ang nararamdaman nya kay Ralph para sa akin na wala namang pinatunguan. Pero hindi ko naman iniwasang umasa na baka sakaling maintindihan nya ang desisyon ko dahil kilala nya ako na parang kapatid na.

"Ginawa ko 'yon dahil 'yon ang tama." sagot ko sa kanya't nasurpresa ako dahil buong-buo pa ang aking boses.

"Tama? Tama ba ang manakit ng taong walang ginawa kundi ang mahalin ka?" frustrated nyang tanong.

"Alam kong nakasakit ako pero sa tingin mo ba'y tama kung sagutin ko sya kahit hindi ko naman sya mahal? Kahit wala na akong nararamdaman para sa kanya?" pagbabalik ko ng mga tanong at hindi sya agad nakapagsalita kaya nagpatuloy na ako. "Rachel, hindi ako humindi sa kanya dahil trip ko lang. Humindi ako dahil hindi ko kayang lokohin ang sarili ko o magpanggap na mahal ko sya kahit hindi naman. Humindi ako dahil alam kong 'yon ang tama." paliwanag ko.

Napapikit ng mariin si Rachel at bahagya nyang sinabunutan ang kanyang sarili.

"Ahh!" sigaw nya't tinignan ako ng mariin. "Nagparaya ako, Bella! Nagparaya ako dahil alam kong ikaw ang magpapasaya sa kanya." tinuro-turo nya ang kanyang sarili. "Nagparaya ako kasi alam kong hindi mo sya sasaktan. Nagparaya ako kasi mahal ko sya at mahal din kita dahil parang kapatid na kita."

Nakayuko lang ako't pinapakinggan ang kanyang mga sinasabi sa akin. Ayokong sumabat dahil ayokong mas lumala. Papakinggan ko sya. Iintindihin bago ako tumaliwas sa kanyang mga pahayag.

"Alam mo ba ang pakiramdam ng mabaliwala ang mga sakripisyo't effort?" tanong nya sa akin. "Yun ang nararamdaman ko. Kasi nung mga oras na magkasama kayo't masaya sa harapan ko, tinitiis ko 'yon kahit na nasasaktan na ako. Tiniis ko 'yon dahil alam kong sasaya kayo. Kahit ako na ang masaktan basta masaya kayong dalawa."

Kinagat ko ang aking labi't hindi ko na napigilan ang pagtutubig ng aking luha dahil sa pagtama sa akin ng bawat salita't paghikbi ni Rachel.

"Bella.. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil hindi kayo nagkatuluyan ni Ralph.." pag-amin nya. "I should be happy pero nasasaktan ako para sa kanya."

Beautiful DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon