Chapter 24

92.2K 2.4K 69
                                    


Chapter 24
Headlights

Pinagbreak muna ako ni Sir James sa kanyang office upang mas maging komportable't magkasama kami ng... pamilya ko...

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ni Phenelope't hindi ako makapaniwalang kamag-anak ko sila.

Ang ayos nila'y ibang-iba sa akin na simple't kapag nakita mo sila'y sumisigaw ng kayaman ang kanilang buong pagkatao. Hindi ko tuloy alam kung nananaginip lang ako o totoong kapamilya ko sila.

"So, are we just going to stare at each other?" sarkastikong sabi ni Phenelope na nagpabali ng pagtitig ko sa kanilang dalawa.

Narinig ko naman ang paghinga ng malalim ng mommy ni Phenelope't lumapit ito sa akin na may inabot na picture.

"Tatay.." mahinang pagsambit ko.

Picture ito ng tatay ko't sa mga mata nya palang ay alam kong sya na ito dahil madalas sinasabi sa akin ni nanay na namana ko daw ang hugis ng mata ko kay tatay.

Mayroon din kaming family dati nung baby pa ako't halos walang nagbago sa itsura ni tatay kundi ang balbas na tumubo na nagpamukhang matanda sa kanya. But my tatay's still handsome kagaya ng nakita kong picture naming tatlo nila nanay dati.

"Alam mo bang mahal na mahal kayo ng tatay mo?" biglang tanong sa akin ni... Tita Edna..

"K-Kung mahal nya po kami.. bakit nya po kami iniwan ni nanay? Bakit hindi nya po kami binalikan?" naiiyak kong tanong.

Ito ang ilan lang sa mga katanungan na bumabagabag sa akin simula palang ng bata ako't hindi ko nakagisnan ang tatay ko.

Bata palang ako'y ulila na ako sa pagmamahal ng isang ama pero hindi ko 'yon ininda dahil mahal na mahal ako ni nanay at 'yon lang ang bumubuo sa akin. Pero ngayong wala na si nanay, muling bumabalik sa akin ang mga katanungang 'yon. Nahihirapan akong mag-isa.

"I-It's all my fault, Bella.." nauutal na sabi ni Tita Edna.

Napatingin naman ako sa kanya't hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi. "Kayo po ang dahilan?" tanong ko.

Kinagat nya ang kanyang ibabang labi't huminga ng malalim bago nagsimula sa kanyang pagk-kwento.

"Our father.. ang lolo mo.. ayaw nya sa nanay mo." panimula ni Tita. "He thinks that your mother is a gold digger kaya sya nakipagrelasyon sa tatay mo. But papa didn't know na alam ng nanay mo'y mahirap lang si Kuya Ed. Your nanay thinks that Kuya's only a construction worker pero minahal nya pa rin si Kuya ng buong-buo kaya ka nabuo sa mundong 'to, Bella."

Hindi ko alam kung bakit may mga tao sa mundong magaling sa pagtitingin ng mababa sa mga taong katulad ko. Napakadali sa kanila ang manghusga't hindi ko matanggap na ang lolo ko'y isang ganong tao na hinusgahan ang nanay ko.

"But Kuya fought for you at sa nanay mo. Pinaglaban nya kayo kahit na sinabihan na sya ni papa'ng hindi nya makukuha ang kanyang mana ay okay lang. Mas lumala ang away ng mag-ama ng sabihin ni Kuya'ng nabuntis ang nanay mo. Wala ng nagawa si Kuya kundi ang lumayas sa bahay upang masamahan ang nanay mo dahil nga pinagbubuntis ka nya ng mga oras na 'yon." pagpapatuloy nya sa kanyang kwento. "Wala ng pera si Kuya't pina-cut ni papa lahat ng credit cards nya simula ng umalis sya sa bahay. Ang dala nya lang na pera ay sakto sa pagbabalik-balik ng nanay mo sa ob dahil maselan ang pagbubuntis nya sayo that's why I helped Kuya. I'm giving him money para masuportahan kayo ng nanay mo. lalo na nung pinanganak ka. Alam mo bang nauna lang ng tatlong linggo na ipinanganak si Penny bago ka pinanganak?"

Napatingin ako sa pinsan kong naiiyak na rin at umiwas ng tingin nang makitang nakatingin ako sa kanya.

"Minsan dinadala-dala ko pa si Penny sa inyo at magkatabi kayong naglalaro sa crib." nakangiting sabi ni Tita Edna. "But the next events happened so unexpectedly. Nalaman ni papa na nakikipagkita ako kay Kuya to support him that's why he threatened me na ibibigay nya si Penny sa daddy nya na ayokong mangyari. Hiwalay kami ng daddy ni Penny dahil habang pinagbubuntis ko pa lamang sya'y nambababae na sya... Ayokong mawala sa akin ang anak ko dahil sya nalang ang meron ako, Bella.. Kaya sinabi ko kay papa kung nasaan si Kuya."

Beautiful DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon