Chapter 25

90K 2.8K 113
                                    


Chapter 25
Little Pieces

"Ralph.."

Halos hindi ako makahinga ng maayos habang sinasambit ang kanyang pangalan nang dahil sa kabang nararamdaman ko.

Lumapit sya sa akin and I again, take a step back.

Mas lalo syang lumapit at balak ko ng tumakbo sa guard nang nagsimula syang magsalita bago ko pa sya matalikuran na nagpahinto sa akin.

"Where's Rachel?"

Bahagyang napaawang ang aking bibig sa kanyang tanong.

"Bella.. Please tell me na alam mo kung nasaan si Rachel.." halos nagmamakaawa nyang sabi.

"Bakit mo sya hinahanap?"

Alam na ba nyang buntis si Rachel? Sinong nagsabi? Paano nya nalaman?

"M-May nangyari sa amin ni Rachel... the night of Ate's birthday." paninimula nya like he was confessing.

"Alam ko." matapang kong sabi na nagpagulat sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata na parang hindi nya inaasahan na alam ko ang nangyari sa kanila ni Rachel.

"I... I'm sorry..."

"Hindi na importante 'yon ngayon, Ralph. Ang gusto kong malaman ay kung bakit mo hinahanap si Rachel." pag-iiba ko ng topic dahil gusto ko na makuha ang punto nya kung bakit nya hinahanap ang kaibigan ko.

Huminga sya ng malalim at nagpatuloy sa kanyang pinamulang kwento kanina.

"The night after that happened.. bumalik ka. I felt so guilty dahil feeling ko'y pinagtaksilan kita. I asked her kung meron ba talagang nangyari sa amin dahil hindi ko sigurado. I'm so drunk that I didn't remember a thing except for being with her the whole night. At isa pa'y pagkagising ko'y I'm fully clothed kaya hindi ko akam kung may nangyari ba talaga. She told me na walang nangyari samin. I'm glad because I dont to screw a girl before marriage. Nagpatulong ako sa kanyang ligawan ka and..." napahinto sya na para bang ayaw na nyang ipagpatuloy pa o matandaan ang mga nangyari noon. "She comforted me nung binasted mo ako. We we're still okay but all of a sudden... she became so distant. Hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari. Hindi sya nagrereply sa text ko. She's ignoring my calls."

Kinagat nya ang kanyang ibabang labi.

"And then naisip ko.. why am I missing her?" tanong nya sa kanyang sarili. "Bakit ako hindi mapakaling hindi nya ako kinakausap? Naisip kong baka kapag nakita ko sya, mawala na 'yong katanungang 'yon sa isip ko that's why I went to there house to found out that she's not there. Umiiyak si Tita sakin dahil pinalayas nya ang sarili nyang anak because she's... pregnant."

Nag-angat sya ng tingin sa akin. Isang tinging mapagsumamo.

"Bella, I believe that I'm the father of Rachel's baby..." paniniwala nya. "So please.. Kung alam mo kung nasaan sya... Tell me. I want to see and talk to her so much. I want to know kung ako ang ama ng dinadala nya cause I'd be glad kung ako 'yon. Bella, please.."

Alam kong nangako ako kay Rachel na hindi ako makekealam sa kanila ni Ralph at hindi ko sasabihin sa kanya ngunit sa mga nakikita ko ngayon ay wala naman syang dapat katakutan dahil handa naman ni Ralph na mahalin ang magiging anak nilang dalawa.

I'm doing this para hindi sya masyadong mahirapan. Alam kong matutulungan sya ni Ralph. Ayoko ring lumaking walang ama ang magiging inaanak ko. Their baby deserves a complete family. Ayokong maranasan nya ang naranasan ko.

Lumunok ako't unti-unting tumango. "I know where she is." sabi ko't agad kong nakitang nabuhayan sya ng loob. "Dadalin kita sa kanya."

Napangiti naman sya't akmang lalapit sa akin ng marinig ko ang isang busina't napalingon ako sa pamilyar na kotse't nakitang bumaba doon si Vini.

Beautiful DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon