Chapter 10

116K 3.2K 1K
                                    


Chapter 10
El Dorado

"Vini!"

Pagkalabas namin ng room ni Vini'y nagulat ako ng biglang may tumawag sa kanya kaya sabay napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon.

Nakita kong palapit sa amin ang dalawang kaibigan nyang madalas kong makitang kasama nya.

"Tinatawag ka na siguro ng mga kaibigan mo." sabi ko kay Vini at nakatingin pa rin sya sa mga kaibigan nyang palapit. "Una na ako ah?" paalam ko.

Bago pa ako makapihit paalis ay mabilis na akong hinigit ni Vini pabalik sa tabi nya.

"Just stay here, please." mahinahon ngunit mariin nyang sabi.

Hindi ko alam kung bakit ako hindi nanlaban at sinunod ko lang ang kanyang sinabing huwag umalis sa tabi nya.

"Didn't see you during break time." ani ng isa nyang kaibigan.

"I'm with Bella." simpleng sabi ni Vini.

Sabay namang napatingin sa akin ang dalawa nyang kaibigan kaya naman agad akong napayuko nang dahil sa hiyang nararamdaman.

Paniguradong nagtataka sila kung bakit sumasama si Vini sa isang katulad ko gayong hindi ko naman sila ka-level.

"Oh. So she's Bella." sabi ng isa gamit ang isang mapang-inis na tono.

"Ka-org natin sya diba?" tanong nito. "Si miss love me like you do." dagdag pa nito't nagtawanan silang dalawa.

Pakiramdam ko'y lahat na ng dugo ko'y pumunta sa aking pisngi ng dahil sa tawag nila sa akin. Bakit ba 'yon pa ang pinili kong kantang sayawin?

"Shut up, Kai." seryosong sabi ni Vini't agad namang tumahimik ang dalawa at nakita kong nagsikuhan ang dalawa. "Ano bang kailangan nyong dalawa?" tanong ni Vini.

"Papunta na rin kayo sa org diba?" tanong nito pabalik. "Kaya sama na kami ni L."

So ang medyo moreno ay si Kai samantalang 'yong L naman ay mas maputi at nakaka-agaw pansin ang kanyang light brown na mga matang parang may halong banyaga.

Pero L lang ba talaga ang pangalan nya? As in, letter 'L'?

"Hindi nyo ba kayang pumunta doon na kayong dalawa lang?" tamad na sabi ni Vini sa kanyang mga kaibigan saka diretsong tumingin sa mga mata nito.

"Actually, kaya namin eh. Diba, L?" ani Kai na pabalik-balik ang tingin kay Vini at kay L.

"A-Ah.. Oo. Tara na, Kai." at naghilahan pa ang dalawa kung sino ang mauuna sa kanilang maglakad.

Kumunot naman ang noo ko't hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang mauna kung pare-parehas lang naman kami ng patutunguhan.

"Uhm, Kai, L." tawag ko sa kanila ng di pa sila masyadong nakakalayo.

Sabay naman silang napahinto sa paglalakad at unti-unting tumingin sa akin.

"Sabay-sabay na tayo." aya ko sa kanila. "Isa lang naman pupuntahan natin eh."

"Talaga--wag nalang." sabi ni Kai saka awkward syang tumawa at tinitignan si Vini na nasa aking tabi saka binabalik ang tingin sa akin.

"Sige na. Sabay-sabay na tayo." pilit ko sa kanila. "Diba, Vini?" sabay lingon ko kay Vini na nahuli kong nakatingin kila Kai ng isang matalim na titig.

Gulat naman syang lumingon sa akin saka unti-unting tumango. "Ah.. Yeah." sabi nalang saka tumingin kila Kai. "Sabay-sabay na tayong pumunta don." dagdag pa nya.

"Yehey!" masayang sabi ng dalawa at patakbong lumapit sa amin ni Vini upang sabayan kami sa paglalakad.

Pagkarating namin sa dance studio ay halos nandoon na ang lahat at dahil maingay sila Kai at L ay agaw na agaw namin ang atensyon nila habang papasok kami sa loob.

Beautiful DanceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang