Chapter 27

101K 2.7K 180
                                    


Chapter 27
Lego

"El Dorado!"

Nanlaki ang aking mga mata't pumalakpak ako ng todo't pati ata ang tenga ko'y pumapalakpak na nang dahil sa aking narinig.

Ang El Dorado ang napili para i-represent ang Pilipinas sa Global Dance Competition.

Nakita kong lumingon sa akin si Vini habang inaabot sa kanila ang tsekeng may halagang one million pesos upang matulungan sila sa mga kinakailangan nilang paghahanda sa nalalapit na championship na gaganapin sa Los Angeles.

Ngumiti sya sa akin and I saw him mouthed those three words at sinuklian ko naman sya ng isang flying kiss na nagpatawa't nagpailing sa kanya.

Nang matapos ang live broadcast ay nagpicture na ang El Dorado para i-celebrate nila ang tagumpay. Para sa kanila'y double win na ito dahil ang nakatalo sa kanila dati sa Pop Dance Competition ay natalo nila dito ngayon at sila ang hinirang na representative ng Pilipinas.

"Congrats!" masaya kong bati sa kanya ng papalapitin nya ako sa kanila't hinalikan ko ang kanyang pisngi.

Mas lumawak ang kanyang ngiti't pinatalikod ako saka pinulupot ang kanyang braso ng mahigpit sa aking bewang.

"Smile.." bulong nya sa akin.

Ngumiti naman ako sa may photographer na kumukuha sa amin ngayon at matapos ng shot na 'yon ay ginulo kaming dalawa ng El Dorado't nakisama sa picture.

"Nandyan kasi si dancing princess kaya nanalo tayo. Good mood na good mood si Vini eh." mapang-inis na sabi ni Cliff.

"Shut up, Cliff." mariing sabi ni Vini ngunit ngising-ngisi sya.

Narinig naman naming tumikhim si Tito Sean at bahagyang umubo pa ng pakunwari.

"Baka naman pwede mo munang bitawan si Bella't magpicture tayong pamilya with your group?" ma-sarkastikong sabi ni Tito Sean.

"Uhmm.. how 'bout no, 'Ddy?" sagot ni Vini na para bang pinag-isipan nya pa ng isang segundo. "Just go behind or beside us to take our picture." suwestiyon nya.

Naramdaman kong mas humigpit pa ang yakap nya sa akin at sinandal ang kanyang baba sa aking ulo.

"But Kuya, I want to hug Ate Bella too!" pagmamaktol na pagsabat ni Lauren saka humalukipkip.

Napahinga naman ng malalim si Vini't niluwagan ang pagkakayakap sa akin kaya naman agad ko na syang siniko upang makawala't lumapit kaagad kay Lauren.

"Wow! Thanks, Lauren." sarkastikong sabi ni Vini.

Lauren stuck her tongue out on Vini at saka ako niyakap.

"Picture tayo, Ate Bella." masayang aya nya sa akin.

Naka-ilang selfie kami ni Lauren at nang lahat na kami'y pinagitnaan kami ni Vini ni Lauren na dahilan kung bakit hindi makatabi-tabi sa akin si Vini.

Natatawa nalang nila Tita Sandra't Tito Sean pati na rin sila Ate Lyrae dahil pinipigilan nalang ni Vini ang mainis sa kapatid dahil pilit kami nitong pinaglalayo sa isa't-isa.

"Alone time with you, at last!" ani Vini't muli akong niyakap ng makauwi na kami sa bahay at tumambay sya dito sa loob ng kwarto ko.

Nilingon ko naman sya't hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinapanood syang nakapikit habang nakasandal ang kanyang ulo sa aking balikat.

Alam ko namang pagod na sya dahil hindi biro ang ginawa nilang dance routine kanina. Hindi biro ang mga stunts na ginawa nila para lang manalo kaya alam kong kunting paghele lang ay tulog na kaagad sya.

Beautiful DanceWhere stories live. Discover now