Chapter 2

141K 3.9K 912
                                    


Chapter 2
Special Girl

"Hmm. Tita, ang sarap-sarap po talaga ng mami nyo." nakangiti at masayang-masayang sabi ni Ralph saka sinimot hanggang sa kahuli-hulihang sabaw ang specialty'ng mami ni nanay.

Natawa naman si nanay at pinagsalin ng softdrinks si Ralph. "Nang bola ka pa, hijo." ani nanay.

"Totoo po." at tinaas pa ni Ralph ang kanyang kanang kanay. "Dadayuhin at babalik-balikan ba po ba ang mami nyo kung hindi masarap?"

"Oo na. Naniniwala na ako sayo." sabi nalang ni nanay at kinuha na ang mangkok na pinagkainan ni Ralph.

Agad naman akong tumayo at kukunin sana kay nanay ang mangkok upang ako na ang maghugas ngunit agad nya sakin 'tong binawi upang hindi ko makuha.

"Ako na po ang maghuhugas, Nay." nakangiting sabi ko kay nanay.

Umiling naman ito saka ngumiti sa akin. "Ako na ang bahala dito't mag-usap lang kayo ni Ralph." aniya't mabilis na pumunta sa may kusina.

Wala na akong nagawa at bumalik nalang ako nang makita ko si Ralph na nakangiting nakatingin lang sa akin.

"Ano nanaman 'yang ngiting 'yan?" sabi ko habang papaupo ako sa tabi nya.

"Naisip ko lang na sobrang bait at sipag pala ng magiging future girlfriend ko." aniya. "At sobrang ganda pa." dagdag nya saka ako inakap.

Napangiti nalang ako't hinayaan syang gawin 'yon.

Pinayagan ko na syang manligaw sa akin dahil hindi ko rin namang maipagkakailang may nararamdaman rin ako para sa kanya. Ang sana lang ay maintindihan ni Rachel 'to kapag nalaman nya dahil hindi ko pa nasasabi sa kanya dahil hindi rin kami madalas magkita. Meron kasi syang klase sa gabi at kailangan kong matulog ng maaga para sa klase ko kinabukasan kaya hindi kami nag-aabot.

"Sobrang confident mo naman ata, Mr. Vicencio." nakangising sabi ko sa kanya.

"Syempre naman." agad nyang sabi. "Dapat buo ang loob ko para hindi kaagad susuko't mawawalan ng pag-asa."

"Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang mga linyang 'yan pero masasabi kong nakukuha mo ako nang dahil dyan." natatawang pag-amin ko sa kanya at narinig ko ang napapaos na paghalakhak nya sa aking tenga.

"I think I should learn more lines." aniya at natawa nalang ako saka sya mas sumiksik sa akin.

Hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya ngayon lalo na't parang wala na kaming problema ni Ralph pero twing naiisip ko si Rachel ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Sana'y maintindihan nya. Sana talaga.

"Bella--"

Agad kong itinulak papalayo si Ralph sa akin nang biglang pumasok sa bahay namin si Rachel na ngayo'y gulat na gulat nang dahil sa kanyang nakita.

Kumunot ang kanyang noo at tumayo ako upang lumapit sa kanya.

"A-Ano 'to, Bella?" nauutal na tanong nya sa akin habang nakalingon pa rin kay Ralph.

"Rachel, kasi ano eh..."

Hindi ko mahanap ang mga tamang salita kung paano ko sasabihin na pinayagan ko na si Ralph at official na syang nanliligaw sa akin.

"I'm officially courting, Bella."

Napatingin ako kay Ralph at nakita kong papalapit na sya sa akin saka nya hinawakan ang aking kamay ng nakangiti.

"Pinayagan na nya akong mangligaw and I hope you can understand." ani Ralph.

Napaawang ang labi ni Rachel at unti-unti itong lumingon sa akin saka umiling.

Beautiful DanceWhere stories live. Discover now