Chapter 22

104K 3.1K 345
                                    


Chapter 22
Worth It

"Sayang at mas ahead ako sayo ng isang sem." nanghihinayang na sabi ni Vini nang mai-enroll nya ako kasabay rin ng pag-enroll.

"Okay lang 'yon at least parehas pa rin tayo ng schedule diba?" pampalubag loob kong sabi sa kanya.

Ngumiti naman sya't tumango. "Sasali ka ba ulit sa dance org natin?" tanong nya sa akin.

Ngumuso ako at nag-isip bago umiling. "Hindi na siguro." sagot ko. "Magfo-focus na muna ako sa pag-aaral para ma-scholar ako ulit. Para hindi na problema nila Tito't Tita ang tuition."

"Money is never a problem, Bella." ani Vini. "Lalo na kung para sa pag-aaral." he added.

"Alam ko pero nahihiya ako kung hindi ko sila masusuklian ng magandang grades." sabi ko.

Ngumiti naman si Vini sa akin at inakbayan ako. "That's why my parents like you so much." aniya. "You're very kind and understanding and--"

"Ops!" pagpigil ko sa kanya't tinakpan ko ang kanyang bibig bago pa tuluyan ng pumula ang pisngi ko dahil sa pagpapaulan nya ng mga papuri sa akin.

Ngunit mas namula ako dahil bigla nyang hinalikan ang palad kong nakatakip sa kanya na agad kong tinanggal.

"Hanggang diyan palang ako ngayon eh." halakhak nya.

Napailing nalang ako't muli nya akong inakbayan patungo sa kanyang sasakyan upang pumunta sa Eastwoods kung saan ime-meet namin ang organizer ng debut ko kasama si Tita Sandra.

"Hindi ba natin dadaanan si Tita?" tanong ko kay Vini ng makita kong hindi daan patungo sa kanila ang tinatahak namin.

Umiling si Vini't sumulyap sakin bahagya ng nakangiti.

"Nope." sagot nya. "Mom's already there with your organizer. Sinisimulan na nila para kunti nalang ang kailangan mong ayusin. You just need to approve everything at kung may ayaw ka, papaibahin natin." he explained.

Ngumuso naman ako't sigurado akong aprobado ko ang lahat sa debut ko dahil ayokong mag-inarte pa't ma-swerte nalang ako dahil mararanasan ko pa ang ganitong klase ng selebrasyon.

"Oh! Nandito na pala ang debutant at ang escort." masayang sabi ni Tita nang makita kaming pumasok sa isang cafe dito sa Eastwoods.

Dumiretso si Vini sa kanyang mommy't hinalikan ito sa pisngi na ganon din ang ginawa ko dahil nakasanayan ko na't ganon ang klaseng pagbati na gusto ni Tita na gawin namin sa kanya.

"Katrina, this is Arabella Francisco, the debutant and my son, Vini Sarmiento, her escort." pakilala ni Tita sa amin sa medyo bata pang organizer.

Ngumiti sya sa amin ni Vini at nakipagkamay na hindi ko maiwasang punahin ang pagtitig nya kay Vini.

Hindi nya ba naiisip na pedophile ang ginagawa nyang tingin ng pagnanasa kay Vini dahil paniguradong mas matanda sya sa amin ng ilang taon.

"Is this gonna take long, mom?" tanong naman ni Vini kay Tita Sandra.

"Hmm.. Yes? But it depends rin kay Bella." hindi siguradong sagot ni Tita. "Why? May lakad ba kayong dalawa?" tanong ni Tita habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Vini.

Agad naman akong umiling sa tanong ni Tita dahil alam kong wala kaming lakad ni Vini ngayon saka ako napatingin kay Vini dahil hindi ko rin sigurado ang mga plano nya ngayong araw na 'to.

"I have dance practice with El Dorado." sagot nya. "We're gonna join a global dance contest."

"Kailan ang contest?" tanong ko sa kanya.

Beautiful DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon