Chapter 29

95.9K 2.9K 282
                                    


Chapter 29
Flyer

"Bella!"

Napatigil ako sa pagtakbo't hinabol ko ang aking hininga habang pinupunasan ang aking luhang wala ng tigil sa pagtulo.

Nakita ko ang El Dorado't agad akong tinuro ni Kai ng makita nya ako't mabilis silang nagtakbuhan papalapit sa akin.

"Bella, what happened?" pambungad na tanong nila sa akin.

Hinarangan naman sila ni Ate Lyrae na nakasunod pala sa akin.

"Leave Bella first please. I need to talk to her." pakiusap ni Ate Lyrae sa kanilang lahat.

Tinignan naman ako ni Kai na mukhang alam na nya kung ano ang nangyari't tumango-tango.

"Can we visit Vini, Ate Rae?" tanong naman ni L.

Tumango naman si Ate Lyrae. "Be quiet at kung pwede huwag kayong magsabay-sabay. Ang dami nyo. Okay?" bilin nya sa kanila.

"Okay po." magalang na pagsagot ni L at agad ng nagtipon-tipon ang El Dorado kung sino ang mauunang grupo na papasok sa loob upang kamustahin si Vini.

Huminga naman ng malalim si Ate Lyrae at nilingon ako ng may mapagsumamong ekspresyon.

"Follow me, Bella." mahinahong sabi nito't nagsimula na syang maglakad palayo.

Dahan-dahan naman akong sumunod kay Ate Lyrae at nakita kong patungo kami sa kanyang kotse na agad nyang pinatunog ng makalapit na kami doon.

"Get in." utos nya sa akin at pumasok na sa loob ng kotse.

Sumunod naman ako papasok sa passenger seat at kinagat ang aking ibabang labi habang pinapaandar ito ni Ate Lyrae upang magkaroon ng lamig sa loob ng sasakyan.

"Bella.." tawag sa akin ni Ate Lyrae.

Lumingon naman ako sa kanya't nakita kong nakatingin na sya sa akin.

"You dont really mean it right?" paninigurado nya. "Hindi mo naman iiwan ang kapatid ko diba? You promised that." paalala nya sa akin.

"Hindi ko rin po alam..." naguguluhan kong sabi.

"Bella.." hinawakan ako ni Ate Lyrae sa aking braso't bahagya nyang niyugyog. "You love my brother. My brother loves you. He's just blinded nang dahil sa nangyari sa kanya. You know it's his dream. Make him believe again that he can dance in no time. Huwag mo naman syang sukuan."

"Pero sya na po ang mismong sumuko sa aming dalawa.." sabi ko.

"Kaya susukuan mo rin sya?"

Muli akong nag-angat ng tingin kay Ate Lyrae nang dahil sa tanong nya sa akin.

Porkit ba sinukuan ako ni Vini, dapat ko rin syang sukuan? Porkit nasaktan nya ako, dapat rin bang bumitaw na ako agad. Porkit sinabi nyang lumayo ako, dapat bang lumayo ako agad sa kanya.

Dapat bang yun ang gawin ko? Hindi ba dapat ay susubukan ko ulit kung mahal ko talaga sya?

Alam kong masyado pa kaming bata ngayon. Magse-second year college palang sya't papasok palang ako sa kinakalagyan nya ngayon. Pero wala naman sa edad ang pagmamahal diba? Kung alam mong sya na, sya na talaga.

Sinabi ko dati na kung magkahiwalay kami'y siguro'y pinaranasan lang sa amin ng nasa itaas kung pano ang magkaroon ng relasyon. Pero ang alam ko lang ngayon, kaya kami pinaghiwalay ay para malaman ko kung gaano sya ka-importante sa akin. Kung gaano ko sya kamahal na hindi ko na sya kaya pang bitawan.

"Bella, please.. let him cool down. Hindi mo nakita ang itsura nya ng umalis ka kanina. He's hurt too. Nadala lang sya ng galit at inis nya." pagpipilit sa akin ni Ate Lyrae. "Give him some time, Bella. Give him one more chance."

Beautiful DanceWhere stories live. Discover now