Chapter 3

135K 3.2K 349
                                    


Chapter 3
Pasmado

"Hey, Bella!"

Tawag ni Ralph sa atensyon ko at winagayway pa ang kanyang kamay sa aking harapan.

"A-Ah, bakit?" walang kaalam-alam na tanong ko ng malingon na ako sa kanya.

"You seemed to pre-occupied." puna nya. "Kanina ka pa nakatulala. Is there any problem?" nag-aalalang tanong nya sa akin.

Agad naman akong ngumiti saka umiling. "Wala uhm, iniisip ko lang yung magiging curriculum this year. Medyo mahihirap pala yung mga subjects ngayong college. Hindi katulad nung high school." pagdadahilan ko nalang.

Tumango-tango naman sya. "Oo nga eh. Pero alam ko namang kaya mo yun." paglulubag loob nya sa akin.

Ngumiti naman ako. "At kailangan ko rin dahil hindi pwedeng mawala ang scholarship ko." pagsang-ayon ko sa kanya.

"Kaya kailangan, kumain ka ng kumain para hindi mawala ang energy mo sa pag-aaral." bigla nyang sabi. "So, anong gusto mong kainin?" tanong nya sa akin.

"Hmm, ikaw na ang bahala. Ikaw naman ang nakakaalam ng mga pagkain dito eh." sabi ko nalang sa kanya.

Hindi ko naman kasi talaga ang mga pagkain dito sa kakain namin ngayon. Basta'y alam ko lang na may pizza dito pero iba-iba pa rin pala ang mga tawag.

Nagring ang bell ng pinto sa entrance at halos itago ko na ang sarili ko nang makita kong pumasok dito si Vini kasama ang kanyang tatlo pang kaibigan na lalaki.

Lumingon sya sa gawi ko at itinaas ko ng mabilis ang menu para lang matakpan ang mukha ko upang hindi nya ako makita.

"Namimili ka na rin ba?" biglang tanong sa akin ni Ralph.

Ibinaba ko naman ang menu at umiling sa kanya saka ngumisi. "Tinitignan ko lang." pagdadahilan.

Marahan naman syang natawa sa akin. "I'll just order four seasons pizza and then drinks. Okay na ba sayo yun?" tanong nya sa akin.

"Oo naman. Kahit ano naman, kakainin ko eh." masaya kong pagsang-ayon sa kanya kahit na hindi ko naman alam ang i-oorder nya.

"Okay. Then I'll order that." nakangiti nyang sabi.

Ngumiti nalang ako at dahan-dahang tumingin sa paligid upang hanapin kung saan naka-upo sila Vini nang manlaki ang aking mga mata dahil malapit lang sila sa table namin ni Ralph at nakatingin lang sya sa akin habang nakahalukipkip.

Kung pwede lang syang ipahuli ng dahil sa mga titig nya ay sa tingin ko'y matagal na sya dapat nakakulong.

Buti na nga lang kanina't hindi dumating ang professor namin kaya agad akong nakalayo sa kanya kung hindi ay baka masuffocate na ako dahil hindi ako makahinga ng maayos kapag katabi ko sya.

"This is our first lunch date." biglang excited na sabi ni Ralph nang maka-order na sya ng aming kakainin.

"Ah. Lagi ka naman kumakain sa bahay namin ng lunch ah? Sabay rin tayong kumakain non." nakangiting sabi ko sa kanya.

"I know pero I mean, yung sa labas tayo kumakain na dalawa." aniya. "Parang feeling ko, first time palang nating kakain ng sabay." at nahihiyang ngumiti ito sa akin.

Bahagya naman akong natawa sa kanyang ekspresyon. "Ralph Vicencio, kinikilig ka ba?" natatawa kong tanong sa kanya.

Bahagya namang nanlaki ang kanyang mata sa aking sinabi at saka umiling-iling.

"H-Hindi ah." aniya't umiiwas ng tingin sa akin na mas lalong nagpatawa sa akin.

Iinisin ko pa sana sya ng biglang dumating na ang pagkain naming dalawa at agad na pumasok sa akin ang amoy ng pizza'ng nasa harapan ko.

Beautiful DanceWhere stories live. Discover now