Chapter 12

98.7K 2.7K 163
                                    


Chapter 12
Drop

"Salamat sa paghatid, Ralph." nakangiti kong pagpapasalamat kay Ralph at akmang bababa na ako ng kanyang sasakyan ay pinatigil nya ako.

"Here." aniya't inabot sa akin ang isang invitation.

Tinignan ko naman ang magandang pagkakadisenyo ng green at yellow na invitation saka nag-angat ng tingin kay Ralph.

"Ano 'to?" tanong ko sa kanya.

"It's an invitation for Ate's birthday tomorrow." nakangiti nyang sabi't mabilis kong binuksan ang invitation upang makasigurado sa araw kung kailan ang birthday ni Ate Raquel.

Agad naman akong nakaramdam ng panlulumo ng makita kong bukas nga ang kanyang kaarawan at 6PM din ang simula nito.

Kinagat ko ang aking ibabang labi't hindi ko alam kung paano ko hahatiin ang sarili ko sa dalawang event na magaganap kinabukasan.

"Is there something wrong, Bella?" nag-aalalang tanong sa akin ni Ralph nang mapansin ang aking ekspresyon.

"Hindi ba ko pwedeng pumunta nalang ng mga umaga para mabati si Ate Raquel?" tanong ko kay Ralph.

"It will be a surprise birthday party for her at nasa plano ang wala munang babati sa kanya habang hindi pa nagsisimula. And she will be with her fiance from morning 'til it's time for her surprise party." pag-eexplain nya sa akin.

Napahinga naman ako ng malalim at muling tinitigan ang invitation na ibinigay nya sa akin.

"Hanggang anong oras ba 'to?" tanong ko. "Pwede bang sumunod nalang ako?"

Kumunot naman ang noo ni Ralph sa aking mga tanong. "What's up, Bella?" aniya. "You dont have a class tomorrow. Ate's birthday's only happens once a year. Bakit parang hindi ka pa makakapunta?"

Kinagat ko naman ang aking ibabang labi't hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang tungkol sa competition ni Vini.

Bukas rin kasi ang Pop Dance Competition. Nangako ako sa kanyang pupunta ako doon upang panoorin at suportahan sya. Kapag nangako ako'y lagi ko 'yong tinutupad. Kaso'y dumating itong birthday ni Ate Raquel. Nakakahiya namang hindi pumunta dahil sa mga naitulong nya sa akin. Isang araw lang na para sa kanya ay hindi ko maibigay.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya kung kaya kong gawan ng paraan ay gagawan ko. Kahit na tapusin ko lang ang sayaw nila Vini't masigurado kong makita nya ako'y okay na't pupunta na ako sa party ni Ate Raquel.

"Bella.." tawag sa akin ni Ralph dahil hindi ko pa sinasagot ang kanyang tanong.

"B-Bukas kasi ang championship ng Pop Dance Competition.." nauutal na paninimula ko.

Nanlaki naman ang mga mata ni Ralph sa sinabi ko. "Dont tell me that you're one of the finalist?" hindi makapaniwala nyang tanong.

Agad naman akong umiling. "H-Hindi.."

"Then what?"

Rinig na rinig ko ang pag-usbong ng kuryosidad sa tono ng kanyang boses.

"Yung El Dorado, isa sa finalist ay grupo ni Vini." sabi ko't agad nawala ang ngiti sa mga mata ni Ralph. "Inimbitahan nya ako't nakapangako na ako sa kanyang manonood ako upang suportahan ko sya. Hindi ko naman alam na bukas rin ang birthday ni Ate Raquel." problemado kong sabi.

Sandaling nanaig ang katahimikan sa aming dalawa't ilang segundo rin ang lumipas bago nagsalita si Ralph.

"It's your choice, Bella." simpleng sabi nya. "I have to go now."

Napabuntong hininga naman ako't lumabas na ako ng kotse't agad itong pinaharurot ni Ralph paalis sa harap ng aming compound.

Pagkapasok ko naman ng gate ay nakita kong naglalaba si nanay sa ganitong oras ng gabi.

Beautiful DanceWhere stories live. Discover now