Chapter 28 (Re-Upload)

77.7K 1.1K 16
                                    

Re-uploaded chapter 28 for those who can't read.

------------------

Chapter 28
The Reason

"Happy anniversary!" masayang pagsigaw naming lahat.

Kitang-kita ang pagkagulat ni Kuya Josh sa kanyang inabutan pagkauwi nya't nilingon nya si Ate Lyrae na nakangisi lang at nakatingin sa kanya.

Mabilis na nilapitan ito ni Kuya Josh at walang hinagkan si Ate Lyrae saka ito hinalikan.

Bigla namang tinakpan ni Vini ang mga mata ko't saka ako itinalikod at naramdaman ko ang paghinga nya sa aking leeg.

"Wag nating panoorin. Naiinggit ako." mahinang paghalakhak nya.

Bahagya ko naman syang siniko't marahan syang dumaing saka ako binitawan.

Nilingon ko ulit sila Ate Lyrae at Kuya Josh na ngayon ay masayang nakikipagkulitan na sa kanilang kambal na naghahabulan ng may icing na cake.

Gumapang naman ang braso ni Vini mula sa aking likod at niyakap ako nang muli syang magsalita.

"Someday we will be like them.." bulong nya sa akin. "We will also have two kids or more. We can also be happier than them." tawa nya.

Hindi ko alam pero masaya ako dahil naiisip na ni Vini ang mga bagay na yan na akala ko'y ako lang ang nag-iimagine.

"Can't wait to graduate and ask your hand for marriage."

Gumapang ang kanyang kamay mula sa aking bewang papunta sa kamay kong mahigpit nyang hinawakan.

"Araw naman 'to. Saka na kayong dalawa."

Napabitaw naman ako kay Vini't natawa lang syang nakatingin kay Ate Lyrae na nakasimangot sa aming dalawa at si Kuya Josh na nakangisi sa amin.

Sayang at bukas pa ng gabi ang uwi nila Lauren at Tita't Tito. Hindi tuloy namin sila kasama ngayon magcelebrate ng anniversary nila Ate Lyrae at Kuya Josh.

"Vini, take Jace and Liana home." biglang mahinang sabi ni Kuya Josh kay Vini nang inaya ni Ate Lyrae ang kambal na kumuha ng ice cream sa may kusina. "I'll just fetch them tomorrow morning." he added.

Kumunot naman ang noo ni Vini sa sinabi ni Kuya Josh at nilingon sya. "What for, Kuya?" masungit na tanong nya kay Kuya Josh.

"You know.." nagkibit-balikat si Kuya Josh. "My gift for your Ate Lyrae at hindi ko mabibigay 'yon dahil baka hindi makatulog ang kambal."

Halos mabuga ko ang iniinom kong softdrinks dahil naintindihan ko ang gustong iparating ni Kuya Josh at narinig ko naman ang halakhak ni Vini.

"If daddy heard you, Kuya, I bet you'll never get to touch your wife again." umiiling-iling at nakangising sabi ni Vini.

"That's why I'm doing it now." ani Kuya Josh. "Alam ko namang na-miss mong kakulitan ang mga pamangkin mo at para na rin may kasama kayo ni Bella sa bahay." sabay lingon sa akin ni Kuya Josh at lumingon.

Pag ngumiti si Kuya Josh ay makikita mo ang pagiging pagkakamukha nila ni Kuya James nang dahil sa pagsingkit ng kanilang mga mata. Kapag seryoso kasi'y hindi mo masasabing magkamukha silang dalawa dahil marami silang pagkakaiba in terms with looks pero parehas na nakakalaglag panga. Siguro'y habulin sila ng mga babae noong teenagers lang sila katulad namin ni Vini.

"I'm fine with it as long as it's fine with Bella." nagkibit-balikat si Vini't uminom ng kanyang softdrinks.

Napalingon naman muli sa akin si Kuya Josh na buong-buo ang kanyang pag-asang pinapakita sa akin.

Beautiful DanceUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum