Chapter 16

95.3K 2.8K 223
                                    


Chapter 16
Frustrated and Jealous

"W-What?" nauutal na tanong ni Ralph na halos wala ng lumabas na salita sa kanya sa sobrang hina ng kanyang boses at basag na basag ito.

"Ralph, naririnig mo ba ang sinasabi mo?" tanong ko sa kanya. "Will you marry me? Masyado pa tayong bata para dyan, Ralph."

"Is that why you're sorry? Dahil masyado pa tayong bata? Then will take it slow." aniya't muling kinuha ang aking kamay. "I-I just asked you to marry you to assure you that you're the one I want to spend my whole life with. I assure you my life. Ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Gusto kong ipadama sa sayo na hindi kita iiwan. But if you want to take it slow.. then.. let's be official, Bella. I want you to be my girlfriend. Matagal ko ng ginustong maging akin ka.."

"Ralph, hindi mo ko naiintindihan.." umiling-iling ako't muling binawi ang aking mga kamay mula sa kanyang pagkakahawak.

"Then make me understand, Bella." frustrated nyang sabi. "Make me understand dahil gagawin ko lahat maintindihan ka lang if that's what it takes para maging akin ka. Para maging tayo."

Kinagat ko ang aking labi't huminga ng malalim. "Ralph, hindi ko kayang pumasok sa isang relasyon ngayon. Magulo pa ang buhay ko."

"That's why I'm here to help you fix it." giit nya. "I'm here to help you out every step of the way. I'm here to complete you again. I'm here to make you happy despite of theses challenges that's coming your way. Bella, let me help you please.."

Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinigpitan nya naman ang hawak dito na para bang ayaw nya na itong bitawan pa.

"Ralph, you're a nice man." panimula ko. "Ang swerte ng babaeng mamahalin mo at thankful ako dahil ako ang minahal mo pero.. pero hindi ko kayang ibalik 'yon."

Napa-angat sya ng tingin sa akin at kitang-kita ko na ang pamumungay ng kanyang mga mata at pati na rin ang pagluluha nito.

"What are you talking about, Bella?" pabulong nyang tanong sa akin.

"Ralph, believe me.. I like you.. pero hanggang bilang kaibigan lang." pag-amin ko.

"P-Pero sinabi mo sakin d-dati.."

"Alam ko.. Alam ko ang mga sinabi ko pero.. I'm sorry pero nagbago na ang nararamdaman ko para sayo. I still like you but not in the romantic way anymore.. it's more on friendly like." paglilinaw ko.

"Why did you fall out, Bella?" tanong nya sa akin saka sya huminga ng malalim. "I-Is there someone else?" pumiyok ang kanyang boses.

Ayoko mang sabihin pero alam kong kailangan ko dahil kailangan nyang malaman ang totoo. Masasaktan sya pero mas maganda 'yon para mas mabilis nya akong makalimutan.

"Oo.." sagot ko't nakita ko ang pagbagsak ng kanyang luha.

Humikbi sya't kinagat nya ang kanyang ibabang labi upang pigilan ang paghikbi. "Si Vini ba?" tanong nya na para bang matagal na syang naghihinala tungkol sa nararamdaman ko kay Vini.

Napatingin ako sa kanya't dahan-dahan akong tumango bilang sagot.

Sarkastiko syang ngumisi't nag-iwas ng tingin sa akin saka pinunasan ang kanyang luha.

"Why am I even asking?" tanong nya sa kanyang sarili. "Of course, it's Vini. Sino pa ba? Halatang-halata naman. Nagbubulag-bulagan nga lang talaga ako."

"Ralph--" hinawakan ko ang kanyang braso ngunit hinawi nya lang iyon saka pinaandar muli ang kanyang sasakyan.

"I'm taking you home." simpleng sabi nya't nagsimula ng magmaneho.

Beautiful DanceWhere stories live. Discover now