Chapter 15

92.6K 2.6K 449
                                    


Chapter 15
Simple Girl

Hindi ko alam kung bakit ako naluluha habang pinapanood ang performance ng El Dorado, ang grupo nila Vini nung championship ng Pop Dance Competition.

Pakiramdam ko'y ako ang dahilan kung bakit sila natalo.

Kitang-kita ko kung paano lumilinga-linga si Vini sa paligid an parang may hinahanap at hindi naka-focus ang sarili sa pagsasayaw hanggang sa magkamali sya sa kanyang pagbaba-backflip dahil dumulas ang paa nya't hindi maayos ang pagkakabagsak.

Simula ng mangyari 'yon ay nag-iba na ang tingin ni Vini. Sobrang sumeryoso sya't kitang-kita ang matatalim nyang tingin.

Ni-ex ko na ang browser at tumayo na ako saka nagbayad sa pinangrenta ko dito sa computer shop.

Lutang akong naglalakad pabalik sa bahay nila Aling Felisa nang mapatigil ako sa mga naririnig kong sigawan.

"Sobrang sikip na sa kwarto ko dahil nakikihati si Linda! Hindi ako makapag-aral ng mabuti." rinig kong reklamo ni Ate Daisy.

"Anak, alam mo namang gamit-gamit ni Bella ang kwarto ng kapatid mo kaya pagpasensyahan mo na muna." marahang pagkakasabi ni Aling Felisa.

"Eh kasi naman, Ma, inako-ako mo pa yung babaeng 'yon. Pinatira mo pa satin. Masikip na nga ang kwarto ko, sumobrang sikip pa dahil pinatira nyo 'yan dito." sigaw nito. "Dapat kasi doon nalang sya sa DSWD tutal, doon naman sya talaga dapat dahil wala na syang mga magulang!" sabi nito't napahawak ako sa aking dibdib. "May trabaho nanaman na sya eh! Bakit hindi nalang natin sya palayasin dito eh kaya nya nanaman ng buhayin ang sarili nya?"

"Sumosobra ka na, Daisy ah!" rinig kong sigaw ni Tatay Tonio.

"Ah! Sige! Kampihan nyo pa sya! Nakakainis!" muling sigaw ni Ate Daisy.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko't hindi ko alam na ganito na pala ang nangyayari sa kanilang pamilya dahil sa pagtira ko sa kanila.

Twing magkakasama naman kaming kumain ay mukhang okay lang kay Ate Daisy na doon ako nakatira sa kanila at maganda ang pakikitungo nya sa akin pero hindi ko alam na nag-iipon an pala sya ng sama ng loob.

Nang tumahimik na ang bahay ay saka lang ako pumasok sa loob at nakita kong nag-uusap sila Aling Felisa't Tatay Tonio.

Nanlaki naman ang mga mata ni Aling Felisa ng makita ako't tumayo saka ngumiti sa akin na para bang walang nangyaring alitan kanina.

"Kumain ka na ba, Bella?" tanong sa akin nito.

Dahan-dahan naman akong tumango kahit na hindi pa ako nakakain. Meron naman akong ilang tinapay sa kwarto. Yun na muna ang kakainin ko dahil ayoko na munang madagdagan pa ang utang na loob ko sa kanya dahil baka mas sumama ang loob ni Ate Daisy sa akin.

"Akyat na po ako." tipid akong ngumiti't nagmano sa kanila ni Tatay Tonio bago tuluyang umakyat sa aking kwarto.

Huminga ako ng malalim at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero isa lang ang pumapasok sa isipan ko.

Yun ay ang umalis ako sa bahay nila't maghanap nalang ng sarili kong matitirhan. Kailangan kong makaalis sa lalong madaling panahon. Ayokong maging dahilan kung bakit masisira ang pamilya nila.

"Ate Bella.."

Lumingon ako sa pintuan ng kwarto't nakita kong nakasilip si Linda na nag-aalangang pumasok.

"Oh, Linda! Pasok ka." nakangiti kong sabi sa kanya.

Huminga naman sya ng malalim at nakangusong pumasok yakap-yakap ang kanyang unan at kumot na dahilan kung bakit nawala ang aking ngiti.

Beautiful DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon