Chapter 23

99.5K 2.7K 348
                                    


Chapter 23
Cloud 9

Para akong tangang nagkukumahog an ilagay ang cellphone ko sa ilalim ng unan pagkatapos kong mai-send ang message na 'yon.

Nilingon ko naman si Lauren na mukhang nagtataka sa kilos ko kaya nginitian ko nalang sya.

"Baba na tayo." nakangiting pag-aaya ko sa kanya.

Mabilis namang tumayo si Lauren mula sa pagkakaupo sa kama ko't kumapit sa aking kamay at sabay na kaming lumabas ng kwarto ko pababa sa may kusina kung saan kaming dalawa nalang ni Lauren ang hinihintay.

Nang umupo kami ni Lauren ay nagsimula na kaming kumain at tinutulungan ko si Rachel sa paglalagay ng mga pagkain gusto nyang kainin.

"Where's Vini?" ma-awtoridad na pagtanong ni Tito Sean. "Why are we starting without him?"

Napatigil ako sa paglalagay sa pagkain ni Rachel at tumahimik ang buong hapagkainan na para bang walang gustong magsalita sa amin ng dahil sa tanong ni Tito Sean.

"He's practicing right now." simpleng sagot ni Tita Sandra nang hindi tinatabunan ng tingin si Tito Sean.

"Practicing? Dancing? For what?" kunot-noong tanong ni Tito Sean.

"A contest." tipid na sagot ni Tita Sandra binalingan si Lauren at pinaghiwa ng karne.

"A contest?" tumaas ang tono ng boses ni Tito Sean at nakayuko lang ako habang kumakain. "Akala ko ba last nya na 'yong Pop Dance? Ano nanaman 'to? We've already talked about this right?"

Huminga naman ng malalim si Tita Sandra't seryosong tumingin sa kanyang asawa.

"Let's not talk about this right now. Not when we're eating." mariing sabi ni Tita Sandra saka mabilis na umiwas ng tingin upang bumalik sa pagkain.

Napabuntong hininga nalang si Tito Sean at umiling-iling saka nagpatuloy sa pagkain.

"Bella, you need to come with me this Saturday for the food tasting okay? It can take a whole day dahil pupuntahan pa natin yung bakery to order your desired cake. Clear your schedule just to make sure." ani Tita Sandra upang iiwas na ang topic.

Tipid naman akong ngumiti at tumango. "Opo, Tita." sabi ko nalang kahit na nanghihinayang ako dahil 'yon lang ang araw na pwede akong magbuong araw sa restaurant.

Pinayagan ako ni Sir James na magpart-time nalang at twing gabi lang ako pupunta doon pagkatapos ng klase ko upang gawin ang lagi kong trabaho.

Magsasalita na sana ulit si Tita ng biglang may tumawag sa pangalan ko na laking ikinagulat ko.

"Bella!"

Napalingon ako't nakita ko si Vini'ng gulo-gulo pa ang buhok at basa pa ng pawis habang hinahabol nya ang kanyang hininga sa sobrang hingal.

Agad naman akong napalunok at ginapangan ng kaba nang maalala ko ni-text ko sa kanya kanina bago ako bumaba para kumain.

"Vini, I thought you won't be home for dinner." gulat na pagpuna ni Tita Sandra sa biglang pagdating ni Vini.

"Oo nga, Kuya." pagsabat ni Lauren na nakangisi saka tumingin sa akin na para bang may hinuha na sya kung bakit umuwi ang kuya nya gayong sabi nito'y mamaya pa sya uuwi.

Lumapit naman si Vini kay Lauren.

"Did you use your Ate Bella's phone?" tanong ni Vini kay Lauren na para bang kailangan nyang makasigurado't punong-puno ng determinasyon ang kanyang mata.

Kumunot ang noo ni Lauren at umiling. "Of course not, Kuya." agad na pagtanggi ni Lauren. "I have my own phone to play with." sabay halukipkip nito.

Beautiful DanceWhere stories live. Discover now