Chapter 5 [☆] Mr?

Start from the beginning
                                    

"H-hey! Wha-what are you doing?! Where are you taking me!?" Kinakabahan at natatakot ng tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot at mas lalo lamang akong natakot sa smirk niya.

"Dadalhin kita sa lugar kung saan tayo lang ang may alam" Sagot niya at doon na bumuhos ang luha ko.

Ayan Shana! Ng dahil sa katangahan mo mapapahamak ka!

Fear enveloped me as I overthink the things he might do to me at mas lumakas lamang ang iyak ko. Mukha namang nataranta 'yong lalaki dahil mas lalong lumakas ang iyak ko.

"He-hey! I'm just kidding!" Natatarantang aniya pero mas lalo lamang lumakas ang iyak ko. Halatang hindi na n'ya alam kung ano ang gagawin dahil nga umiiyak ako and then he said the magical words "Hey! H'wag ka ng umiyak! I'll treat you! What do you want?"

The moment I heard that, I stopped crying. Dahil doon, bahagya s'yang napa-tawa at napa-iling. He glanced at me through the rear mirror.

"There" He said to himself while chuckling and shook his head for the second time and focused on driving.

After a few minutes, the car stopped. Ini-ikot ko ang paningin sa paligid at hindi napigilan ang pag-ningning ng mga mata nang makita kong dinala n'ya ako sa isang ice cream parlor. The guy unbuckled his seat belt at lumabas na ng sasakyan. I was waiting for him to open the door for me pero aba! Tuluy-tuloy lamang siya sa pag-pasok ng ice cream parlor!

"Tch so ungentleman" Iritang ani ko sa sarili at padabog na lumabas ng kaniyang sasakyan at sinarado ng malakas ang pinto nito hoping na masira sana ang pintuan ng sasakyan n'ya.

Kunot noo akong pumasok sa ice cream parlor. Buti pa ang security guard magalang akong binati at pinag-buksan pa ng pintuan! Samantalang ang mokong na 'to ay parang wala lamang pakielam! Look at him! Look how comfortable he is seated while looking at the menu!

I rolled my eyes at him at pagalit na umupo sa upuan sa harap niya. He lowered the menu he is holding and asked me as if confused na confused s'ya "Oh? Bakit naka-kunot 'yang noo mo?" And he handed me the menu.

Padabog kong kinuha ang menu sa kaniya at masama ang tingin sa kan'ya pero nang makita ko ang mga flavor ng ice cream parlor na ito ay nawala ang inis ko sa kaniya and I can feel my eyes sparkling. I really love ice cream! Seems like nakita niya ang biglaang pagbabago ng mood ko, the guy in front of me chuckled again.

Nahihiya man pero dahil ininis ako ng lalaking ito, I asked him "Pwede bang dalawa?" And showed him two fingers.

He nodded and smiled at me "Go ahead" I immediately raised my hand to call the attention of the waiter. Agad naman itong lumapit saamin and smiled as he ask our order.

"Uhm isang cookies and cream delux and one bubblegum grande please" I cited my orders with a smile. After saying my orders, tinignan ko ang lalaking kasama ko.

"Mint with chocolate grande please" Simpleng aniya. Agad naman na kinuha ng waiter 'yong menu sa'min at umalis na.

Uhm I suddenly feel awkward.

Since I really hate the awkward silence, I cleared my throat.

"So..." I called his attention, ibinaba naman n'ya ang cellphone na hawak niya at tinignan ako. I took a deep breath "Uhm gusto ko lang sana mag sorry sa nangyari kanina"

I bit my lower lip contemplating if I should ask for his name of not.

While I was contemplating if I should ask him or not, he suddenly spoke "I'm Kiel" At inilahad niya ang kaniyang kamay. 

I was taken aback when I heard his name.  I don't know, it seems familiar. I shrugged that thought off and accepted his hand.

"Shana" Naka-ngiting pakilala ko.

"I know" Naka-ngiting aniya na naging dahilan ng pag-kunot ng noo ko. I was about to ask him what does he mean when our order arrived.

All of my questions were suddenly gone and I can feel my eyes twinkle and my mouth water. And we started eating.

Nauna s'yang natapos kumain kesa sa'kin. Malamang isa lang order n'ya, dalawa sa'kin.

The moment he finished his ice cream, he wiped the sides of his mouth and asked me "Bakit ka nga pala umiiyak kanina?" 

I stopped the moment I heard his question "Ah... 'yon" Hindi ako kaagad naka-sagot sa tanong niya. I can't look him in the eyes and contemplated if I should answer him or not.

"Hmm let me guess..." At humalumbaba siya sa lamesa. "Lalaki?" Dagdag n'ya as he tilt his head to the right. Iniwas ko naman ang tingin sa kaniya at tanging tango lamang ang nasagot ko sa kan'ya.

"I see" He said more to himself habang tumatango at umayos na ng upo.

"He must be really dumb for making you cry" Dagdag n'ya and reached for the glass of water and drink from it. Hindi ko nalamang s'ya pinansin at pinagpa-tuloy nalamang ang pag-kain.

Nang tapos na akong kumain, hiningi na n'ya ang bill at binayaran ito at lumabas na kami.

"Ihahatid na kita" Aniya at nauna ng sumakay sa sasakyan niya. I rolled my eyes at him again. Napaka-ungentleman talaga nito! Bwisit! Akala ko pa naman ay medyo okay na kaming dalawa!

Sumakay na ako sa likod at nakita ko ang pag-kunot ng kan'yang noo, dahil doon ay tinaasan ko s'ya ng kilay.

"Kanina pumayag na 'kong mag mukhang driver. Dito ka" Aniya at binuksan ang pinto ng shotgun seat. Again, I rolled my eyes at him at lumabas ng sasakyan.

Agad naman n'yang pinaandar ang sasakyan nang maka-upo na ako sa tabi n'ya. Tahimik lang ang naging byahe namin. Paminsan-minsan lang ako nag-sasalita as I guide him the way towards our subdivision. Maya-maya lamang ay natanaw ko na ang gate ng subdivision namin.

As we near the gate, kinalabit ko s'ya "Dito nalang"

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko "Huh? Bakit dito sa gate? Doon na kita ihahatid sa bahay ninyo" He insisted.

"No need, nakakahiya na sa iyo eh haha" Natatawang sagot ko sa kan'ya.

"Fine, as if I can do anything about it" Kibit balikat na sagot n'ya at inihinto na ang sasakyan sa harap ng gate. Agad naman akong bumaba ng sasakyan n'ya kasi alam kong hindi ako pagbubuksan ng pinto nitong kumag na 'to.

Pag-baba ko I waved my hand goodbye at umalis na s'ya. 

The moment na mawala na ang sasakyan niya at nag-simula na akong lakarin mula sa gate hanggang sa bahay namin. While I'm on my way home, I texted manong na naka-uwi na ako.

Maka-lipas ang ilang minuto ay nakarating na rin ako sa bahay. The moment I entered the house, I was expecting na nasa bahay na si Jungkook and he'll bombard me questions such as saan ako galing, sino ang kasama ko, bakit ngayon lamang ako umuwi, napa buntong hininga nalang ako sa naiisip ko.

Bahagya kong sinampal ang sarili ko para magising sa katotohanan. "Dream on Shana, never mangyayari 'yang iniisip mo" Natatawang paalala ko sa sarili at umakyat na sa taas para mag bihis. Kailangan ko pa nga palang mag luto para may makain si Jungkook pag uwi n'ya mamaya.

[EDITED]

Being Mrs. JeonWhere stories live. Discover now