Sa kabilang dako, namangha si James sa pagtugtog ng gitara ni Fretzie. Hindi niya inaasahan na marunong pala itong tumugtog ng gitara. Napangiti siya habang tinitignan niya ito sa stage.

“I just wanna show you, she don’t even know you. She never gonna love you like I want too. You just see right through me. If you want me, knew me. We could be a beautiful miracle unbelievable instead of just invisible. Pagdating ng chorus ay tinignan niya si James tamang-tama nagtama ang kanilang mga mata. Hindi mapigilan ang bilis ng pagtibok ng puso niya ng sandaling yun agad siyang umiwas sa tingin nito.

“Like shadows in a faded light, i will invisible. I just wanna open your eyes and make you realize.

I just wanna show you, she don’t even know you. Baby, let me want you, let me love you. You just see right through me. If you want me, knew me. We could be a beautiful miracle unbelievable instead of just invisible.” Sa sobrang pagbuhos ng emosyon ni Fretzie sa kanta ay hindi niya namalayan na tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.

“Wow. To the highest level mag-perform si Fretzie. Hindi ko ma reach.” Masayang komento ni Trish habang aliw na aliw ito sa kakapanood. Ngumiti lang si Ann kay Trish habang si James ay naguguluhan.

“Bakit parang nararamdaman ko na ako ang kinakantahan niya ng kanta?” tanong nito sa kanyang sarili. Ramdam na ramdam niya ang emosyon nito sa pagkanta. Kung paano siya nito tignan sa mata na parang may pinapahiwatig. Hindi niya mapigilan ang sarili niya ang mapaisip sa kilos nito. Impossibleng magkagusto sa kanya si Fretzie at isa pa kung sino man ang taong lihim niyang iniibig ay napakasuwerte nito.

Tatayo sana siya papuntang backstage para puntahan si Fretzie nang biglang hinawakan siya ni Ann sa kamay.

“Saan ka pupunta? Dito ka muna baka hanapin ka ni Rj mamaya. Lumabas lang naman yun. nagpahingin lang yun medyo sumama ang pakiramdam niya.” wika sa kanya ni Ann. Umupo ulit si James sa kanilang mesa.

“Punta lang ako ng comfort room.” Paalam ni Ivan sa kanila at umalis ito papuntang comfort room.

Pagkatapos ng special number ni Fretzie ay agad siyang nagpalit ng gown at lumabas ng auditorium. Umupo siya sa bench na malapit sa kahoy. Habang nakaupo ay kitang-kita niya ang mg bituin sa langit na nagkikislapan na parang mga diamante. Hindi niya na malayan na tumutulo na naman ang luha sa kanyang mga mata. Kung makikita siya ngayon ni Rj tiyak na makakatikim na naman siya ng sermon mula rito. Ayaw na ayaw niya itong nakikitang malungkot o umiiyak siya.

Hindi napansin ni Fretzie na may tumabi sa kanya at binigyan siya nito ng panyo. Nang lumingon siya sa kanyang bandang kanan nakita niya si Ivan na nakanigiti sa kanya.

“Anong ginagawa mo dito?” gulat nitong tanong. Habang nakatingin it okay Ivan.

“Wala lang. magpapahangin lang sana nang may nakita akong isang anghel na umiiyak sa tabi siguro kaya siya umiiyak dahil hindi siya makaakyat sa langit.” Nakangising wika ni Ivan kay Fretzie.

“Puro ka talaga kalokohan.” Nakangiting wika nito habang kinuha niya ang panyo ni Ivan at pinunas sa kanyang luha.

“Mukhang napalabas mo lahat ng emosyon mo kanina sa kanta ah. Para kanino ba yong kanta? Para ka sa akin?” nang-aasar na wika nito.

“Hindi no. Mahilig ka talaga mang-asar, ano?” patawang sagot ni Fretzie kay Ivan. Alam ni Fretzie na pinapagaan lang nito ang loob niya. Buti na lang nandiyan siya para samahan siya magpalipas ng oras.

“Hindi naman. Ayos ka lang ba? Kanina pa kitang napapansin na balisa. May problema ba?” nag-aalalang tanong nito.

“Sa totoo lang. hindi eh. Pakiramdam ko ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.” Sagot nito kay Ivan. Nakangiti lang sa kanya si Ivan na parang may binabalak na ito. Biglang hinila ang kamay niya at hindi niya alam kung saan sila pupunta.

“Teka muna Ivan. Saan ba tayo pupunta? Baka hahanapin tayo mamaya nina Trish at Ann.” nalilitong tanong ni Fretzie habang nakasunod parin kay Ivan.

“Basta. Sumunod ka na lang. Alam kong magugustuhan mo ang pupuntahan natin. At isa pa madali lang naman tayo doon. Babalik din tayo agad. Masyadong boring na sa loob.” Seryosong wika nito habang nakarating na sila sa parking lot at binuksan ni Ivan ang kanyang kotse. Inalayan niyang makapasok sa loob si Fretzie saka siya pumasok at pina-andar ang sasakyan at umalis sa paaralan.

Sa kabilang dako, nag-uumpisa na ang disco party sa loob ng auditorium halos lahat ng estudyante ay umeendak sa dance floor kasama ang mga kaibigan at kasintahan nila ngunit sina Trish, Ann, at James ay nakaupo pa rin sa isang sulok.

“Saan na ba sina Ivan at Fretzie? Dapat kanina pa siya narito at isa pa kanina pa tapos ang special number ni Fretzie. Si Ivan hindi pa bumabalik galing comfort room. Saan kaya yun nag-suhot?” nag-aalalang wika ni Trish.

“Di kaya umuwi na si Fretzie. Tapos si Ivan nandiyan lang siguro yun nakipagchikahan sa mga chicks.” Sagot sa kanya ni Ann.

“Si Fretzie uuwi? Impossibleng umuwi yun nang hindi nagpapaalam sa akin. Nag-aalala na ko saan na kaya yun.” di mapalagay na wika ni Trish.

“Huwag kang mag-alala, Trish. Ayos lang siguro si Fretzie. Kung hindi mapanatag ang loob mo. hanapin na lang natin siya dito. Malay mo nandito lang siya.” Nakangiting sambit ni James habang tinitignan niya si Trish. Ngumiti lang at tumango si Trish sa kanya.

Umalis silang tatlo sa sulok at nagsimulang hanapin si Fretzie sa loob ng auditorium.

“Anong ginagawa natin dito?” nagtatakang tanong ni Fretzie habang tanaw-tanaw niya ang malapit na cake shop sa bandang kanan.

“Kakain ng sweets. Sa pagkakaalam ko, mahilig kang mag-bake ng cake o cookies kaya naisipan kong dito nalang kita dalhin. Mommy ko ang may ari ng cake shop na to.” Nakangiting wika nito.

“Ganon ba. Naku, nakakahiya naman baka nandiyan ang mommy mo.”

“Ok lang yun. Sa tingin ko, magugustuhan ka ng mommy ko pag makilala ka niya. Halika ka na. Babalik pa tayo sa school.” Kulit ni Ivan sa kanya. Tinugonan lang ng ngiti ni Fretzie si Ivan at ngumiti din si Ivan sa kanya. Hinawakan ni Ivan ang kanyang kamay habang papasok ng cake shop.

Ilang ulit ni James tinatawagan si Frezie ngunit hindi nito sinagot ang cellphone. Sobrang nag-aalala si James kay Fretzie dahil hindi niya alam kung saan ito nagpunta.

“Saan kaya si Fretzie nagpunta?” nag-aalalang sambit ni Trish na kanina pang hindi mapalagay.

Habang si Ann ay nagtatanong kung may nakakita kay Fretzie.

“Excuse me, nakita mo ba si Fretzie? Kanina pa namin siya hinahanap.” Seryosong wika ni Ann sa kausap nito.

“Si Fretzie ba hinahanap mo?” singit na wika ng bagong dating na estudyante.

“Saan mo siya nakita?” tanong ni Ann.

“Sa may bench na malapit sa auditorium kaya lang umalis siya kasama si Ivan.” Sagot ng kausap ni Ann.

“Ganon ba. Salamat.” Agad na lumapit si Ann kina Trish at James.

“Ann, anong sabi ng kausap mo?” tanong sa kanya ni Trish.

“Nakita niya si Fretzie sa may labas ng auditorium banda umalis kasama si Ivan.” Sagot ni Ann habang nakatingin kay Trish at James.

“Ano! Saan naman pupunta ang dalawang yun?” bulalas ni Trish. Habang si James ay hindi maipinta ang mukha sa narinig. Bakit umalis si Fretzie na kasama si Ivan? Nakaramdam ito ng selos. Inaamin ni James sa sarili niya na naiinis siya habang iniisip niyang magkasama sina Fretzie at Ivan. Bakit ba siya nakakaramdam ng kakaibang damdamin kay Fretzie? Nahuhulog na ba talaga ang loob niya dito? O masyado lang siyang naguguluhan sa kanyang sarili mga nakaraang araw?

Invisible (On editing process)Where stories live. Discover now