"Bella.." malamig ang kanyang pagtawag sa aking pangalan ngunit ipinagkibit-balikat ko lang ito't ngumiti sa kanya.

"Vini." sambit ko sa kanyang pangalan at lumapit sa kanya na kitang-kita ko ang kanyang matalim na titig kay Ralph.

"What is he doing here?" tanong nya sa akin ng makalapit ako ngunit hindi natatanggal ang kanyang titig kay Ralph.

Hinapit nya ako sa aking bewang at lumingon ako kay Ralph na ngayo'y nakangitingin sa kamay ni Vini na nakapalupot sa aking bewang.

"Hinahanap nya si Rachel." sagot ko kay Vini at agad syang napalingon sa akin na para bang hindi sya naniniwala sa aking sinabi.

"Wala kang dapat ipagselos sa amin ni Bella, Vini.."

Bigla kaming napalingon na sabay ni Vini kay Ralph nang dahil sa sinabi nito.

"I know that she already chose you the moment she said no to me at tanggap ko na 'yon." pag-eexplain nya. "I just really wanted to know kung nasaan si Rachel at alam kong malaki ang posibilidad na alam ni Bella kaya pinuntuhan ko sya to ask. I dont have other intention. Don't worry."

Nilingon ko naman si Vini at nakita ang kanyang reaksyon na hindi pa rin nagbabago't nakatingin ng diretso kay Ralph.

Gumalaw ang kanyang panga't tumikhim saka nagsalita.

"Follow us." simpleng sabi ni Vini. "She's in our house."

Bago pa nakapagsalita si Ralph ay pumasok na si Vini sa loob ng kanyang sasakyan at nginitian ko naman si Ralph.

"Sunod ka nalang." nakangiti kong sabi sa kanya saka umikot papunta sa passenger seat.

Pagkasarang-pagkasara ko ng pintuan ay pinaandar na ito kaagad ni Vini.

Nilingon ko naman ang likod upang makita ang sasakyan ni Ralph ngunit nang hindi ko ito nakitang nakasunod ay nilingon ko kaagad si Vini.

"Vini, teka lang. Wala pa si Ralph." sabi ko sa kanya.

Nagulat ako ng bigla nyang iprineno ang kanyang sasakyan ngunit agad nya akong hinarangan gamit ang kanyang braso upang hindi ako masubsob.

"Vini!" sigaw ko sa kanyang pangalan.

Huminga sya ng malalim. "I'm sorry." sabi nya't humalukipkip at ginilid ang sarili sa driver's seat na nakadikit na sya sa pintuan.

"Ano bang problema mo?" tanong ko sa kanya't pinipigilan ang aking inis.

"Nothing." sabi nya't humawak na sa manibela ng tumapat sa tabi ng sasakyan ni Vini ang kotse ni Ralph.

Bumusina si Ralph upang senyasan si Vini't mabilis na pinatakbo ito ni Vini na nililingon ko't nakitang nakasunod naman si Ralph sa amin.

"Don't look back." narinig kong sabi ni Vini habang diretso syang nakatingin sa daan.

"Tinitignan ko lang kung nakasunod si Ralph sa atin dahil baka mawala sya. Hindi nya alam kung saan ang bahay nyo." nakakunot-noo kong sabi sa kanya.

Kinagat nya ang kanyang ibabang labi't bumagal ang kanyang patakbo sa kanyang sasakyan.

"I'll slow down so that he can catch up. Just.. Just don't look back anymore." mahina nyang sabi't hindi ko mabasa ang kanyang pinapakitang ekspresyon.

Mukhang alam ko na ang pinamumulan ng kanyang pinapakitang mood.

Huminga naman ako ng malalim at magsasalita na sana ako nang pindutin nya ang radio't nilakasan ang volume nito sa puntong pwede na kaming hindi magkarinigan.

Beautiful DanceWhere stories live. Discover now