Chapter 16 - Your Eyes Tell

Depuis le début
                                        

Mali ba na iniisip ko na agad ito kahit wala pa man? Nakakatakot kasi.

"Sariel, are you okay? Natahimik na na."

I snapped out of my thoughts when I heard him call my name.

"Huh? Ah, wala, natulala lang ako. Hindi ko kasi alam kung anong ibibigay ko sa'yo." Dinaan ko sa tawa iyon habang kumukurot sa cheese cake ko.

Talagang nag space out pa ko rito! Nakakahiya!

His brows furrowed a bit before he slowly shook his head, giving me another smile. "Your presence will be enough."

"Pwede ba iyon? Syempre dapat may ibibigay ako. Ano bang gusto mo?"

Napaisip naman siya. "Hmm, I don't think you can't afford it yet." He murmured, smirking at me.

"Hoy, mahal ba iyan? Huwag naman mahal!"

"Sige, mahal." He said, still smirking.

Nag-loading naman sandali ang utak ko at ng matanto kung bakit, binato ko siya ng binilot na tissue.

"Parang baliw naman ito! Saksakin kaya kita diyan." At inamba ko sa kanya ang tinidor.

Nararamdaman ko na ang pag bilis muli ng tibok ng puso ko at kahit malamig sa loob, ay pakiramdam ko umayat ang init sa pisngi ko!

Bakit ba ang landi niya? Ganito ba talaga siya ka-vocal?!

"Ang saya mo pala inisin. Ang bilis mo mamula." Tinatawanan niya na ako ulit ngayon. Kanina pa talaga itong lalaki na ito! Kapag siya binawian ko diyan.

I sighed and rolled my eyes. "Gago. Seryoso kasi."

Lalo naman siyang natawa. "Sorry, I can't help it. Mas bagay pala sa'yo kapag nag tataray ka."

Kumunot lang ang noo ko.

"You're weird..." Ayaw nga ako lapitan ng mga tao kapag mukha akong galit, tapos siya gusto pa na nag tataray ako? "Do you really like me that much?"

Napatigil naman siya sa tanong ko at nakita ko agad ang pag awang ng labi niya habang nakatingin pa rin sa'kin. Mukhang hindi niya ulit inaasahan na magtatanong naman ako tungkol dito.

Ayaw mo ko seryosohin sa birthday mo, huh? Pwes dito, kailangan seryoso ka Lucas.

"Kapag tinanong ba kita kung anong nagustuhan mo sa'kin na kahit kailan hindi mo nahanap sa iba, sasagutin mo ba ako?"

Ngumiti naman siya ulit at tumango. Hindi inalis ang titig sa'kin. At kahit malakas pa rin ang pintig ng puso ko, nilabanan ko rin ang mga tingin niya.

I want him to read me as much as I want to read him. And our eyes is the window to our soul.

"It's your eyes. They are beautiful and expressive," Tinuko niya ang dalawang siko sa lamesa at bahagyang nilapit ang mukha sa'kin. "You may appear cold and distant to other people most of the time, but your eyes tell your real feelings. It show how to get to you easier. On how to reach you without breaking your walls. And I've seen it, Sari. And it made me addicted to the point that I never look for someone else. Kahit pa ilang beses akong nareto noong college ako sa iba, o kahit noong bago pa tayo ulit magkita sa reunion... you're the only person who can unnerved me with your eyes. There was only you..."

Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko. Nanatili na lamang ako nakatitig sa kanya. Halos mabingi na rin ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

"So if you asked me if I really like you that much? Well, yes, Sari. I like you very much that it's crazy. Ilang beses na nga ako sinabihan nina Paulo na itigil ko na ito at mag hanap na lang ako iba dahil mukha na akong tanga na may gusto sa isang tao na ilang beses ko lang naman nakausap. Pero wala e... parang may nahatak lang ulit sa'kin pabalik sa'yo."

Shit. He's really serious about this.

'O 'di ba ito ang gusto mo Sari? Tiklop ka pala e.

Dahil tuloy sa mga sinabi niya, napilitan na ako mag iwas ng tingin at ilayo ang mukha ko sa kanya. Baka kung ano pang makita niya sa mga mata ko at malaman niya lang kung anong nararamdaman ko ngayon.

He was the first one who told me that my eyes are expressive. Because people... don't really like my eyes. They said it lack warmth. That it was so hard to read me because the only thing they can see in my eyes are indifference. Na kahit minsan hindi nila ako nakitang umiyak o makisimpatya.

Kaya mukhang walang pakielam.

"Alam mo, ikaw lang ang nag sabi sa'kin ng ganyan. Mahirap daw kasi ako basahin e," Tumingin na lamang ako sa cake ko na hindi ko pa rin ubos ngayon at sa kape na halos tunaw na rin ang yelo.

So, there's an easier way to read me, huh.

He sighed. Umayos na rin ulit siya ng upo. "Really? Ano pa bang sinasabi nila sa'yo?"

"Na mahirap din daw ako intindihin kasi madalas tahimik lang," I smiled bitterly. "Parang sa mathematics, hindi madaling i-solve."

Kaya makita mo pa lang, susuko ka na. Kasi masakit sa ulo. Kasi hindi naman mahalaga na kabisaduhin mo pa ang formula, basta alam mo ang basic.

I expected him to laugh about it, kaya ng wala akong marinig sa kanya, inangat ko muli ang mata ko. Na sana hindi ko na lang ginawa kasi nakatitig pa rin siya sa'kin.

"I'm good at math, though." He shrugged almost nonchalantly and smiled.

Tangina.

Kung masasaktan man niya ako, sige na. Ako na lang bahala mag-move on.

After all, I was the who liked him first.

***

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Aug 10 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

And there was you (Invisible Strings #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant