Chapter 16 - Your Eyes Tell

1 1 0
                                        

SARIEL

Almost one week na rin simula noong huli kaming nagkita. Katulad ng napagkasunduan namin, sinundo niya nga ako sa starmall kung saan hihinto ang FX na sinasakyan ko galing probinsya. Hapon na ako bumyahe ng araw na iyon kasi tinatamad pa ako umalis ng bahay, kaya pagabi na rin ng makarating ako dahil naipit pa ako sa traffic sa Ortigas!

Malayo pa lang ay tanaw ko na agad ang pamilyar niyang gray mazda na nakaparada lang sa gilid ng isang fast food. Nagmadali na ako sa pagbaba.

Hala, baka kanina pa siya nag hihintay! Sinabi ko naman kasi sa kanya na baka gagabihin ako dahil sa traffic, pero nag-insist pa rin siya na susunduin niya ako. He's so stubborn sometimes.

Inayos ko ang nakasukbit na bag sa likod ko at kumatok sa bintana niya.

"Lucas." Tawag ko at mahina ulit na kumatok. Kumunot ang noo ko ng walang sumagot o nag baba ng bintana niya. Lumabas ba siya? O baka nag rest room saglit?

His car was heavily tinted so I had to leaned down further to take a peek inside. At umawang na lang ang labi ko ng makita siyang tulog doon! May neck pillow pa ang magaling na lalaking ito, hindi man lang naisip buksan iyong bintana niya!

"Luc!" Mas kinatok ko pa ang bintana. At doon lang siya gumalaw at tumingin sa banda ko. He finally rolled his windows down, rubbing his eyes for a bit as he smiled at me sleepily.

Kung hindi lang ako naiinis ngayon, baka lumipad nanaman ang utak ko sa papuri sa mukha niya.

"Oh, you're here. Sorry, nakatulog pala ako." Inabot niya ang lock sa kabilang side para makapasok na ako. "Kanina ka pa ba?"

Kunot ang noo, umiling ako. His lips then parted a bit as he looked at me critically. Parang nawala bigla iyong antok niya.

His familiar perfume then welcomed me as I slid in to his car. Napansin ko rin ang ayos niya at mukhang naligo pa muna siya bago mag punta rito. He's even wearing an all black outfit, something he unusually wear during our hang outs. Bahagyang tumaas ang kilay ko.

So, hindi lang pala siya pang pastel colors. He can also look good in dark colors too.

Iba talaga kapag gwapo.

"I'm sorry." Agad niyang sinabi kahit wala pa akong sinasabi. Umawang naman ang labi ko.

Why is he suddenly apologizing to me? May nasabi ba ako?

"Ha?" Lito kung tanong.

He's still staring at my face like he was trying to map me out. "I don't know, you just... looked mad at me so..." he trailed off, licking his lips.

Nag buntong hininga naman ako.

Stop checking him out, Sari. Wala ka sa lugar!

"Ikaw, bakit natutulog ka ng sarado lahat ng bintana mo? " Tanong ko habang inaayos ang seat belt ko. "Alam mo bang masama iyon?"

"Is that why you're upset? Sandali lang naman iyon. Hindi ko rin napansin."

"Kahit na. Paano kung mas ginabi pa ako? Something could happen to you inside this car and no one will ever know. Kung pagod ka pala at inaantok, sana hindi mo na 'ko sinundo. Pwede mo naman ako i-text."

I know Lucas has been tied to his work lately. He might pretend to be fine but the bags under his eyes tells me that he's been pulling an all-nighter for days now. Hindi ko alam kung ano pang mga ginagawa nila sa aviation, but I just felt bad that he had to spend his free time with me here instead of resting.

Tapos ngayon, naabutan ko pa siya na ganito.

"You could have take this chance to rest-"

"Kaya nga, Sari..." He cutted me off. I looked at him again, meeting his gentle eyes. My breath hitched. Parang bigla ay gusto lumabas ng puso ko sa lalamunan ko.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Aug 10 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

And there was you (Invisible Strings #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang