SARIEL
"Mag-resign na kaya ako?"
"Bakit? Hindi mo na keri?"
Tumango ako. "Dalawang taon naman na ako, pwede na siguro pangdagdag ito sa resume."
Napatigil naman si Yna sa pagkain. "Seryoso ka nga? Kasi mag-reresign na rin ako."
Napatingin ako sa kanya, uminom muna bago mag salita. "Akala ko ba hinhintay mo pa ang 13th month mo?"
"Iyon naman talaga sana ang plano ko kaya lang alam mo naman," Umirap siya at tinuro ang itaas. "Iyong mga tigapagmana ng kompanya natin, hindi ko na sila matagalan 'teh! Feeling ko isang-isa na lang talaga si Gracie sa'kin, masasampiga ko na iyon kahit buntis iyon."
Tumango naman ako ulit para sumangayon. Isa kasi iyon sa wagas kung makapag audit at charge sa'min. Akala mo ang laki ng kasalanan mo kapag siya iyong nag a-audit sa'yo.
"Tangina, ang dami na nga nating trabaho tapos dumadagdag pa sila, mga hinayupak!"
Tumawa ako, naiiling na lang sa sitwasyon namin. "Madali lang naman daw kasi ang trabaho natin."
"Mama nila madali! Palibhasa kasi hindi sila iyong naharap sa mga guest sa baba. Sitting pretty lang sila lahat doon sa taas at malakas pa ang aircon!"
After our reunion, dahil wala naman na akong ibang pagkakaabalahan pa, bumalik lang ulit sa dati ang buhay ko na puro trabaho at bahay lang. Hindi naman na sana sa'kin bago iyon at masaya lang ako na nasweldo lang ako kada 15-30. But some shit happened, and almost all the employees in our company resigned for so many damn reasons that the remaining ones (at kami iyon) are totally overwork! Iyong dati naming 10 hours lang na trabaho, dumoble pa, at halos kasing shift na namin iyong mga security guards sa'min na 12 hours ang sched sa buong linggo.
Talagang pagod kami sa araw-araw. Hindi pa kasama na tig-iisa lang kami per shifting at ang request for day-offs ay halos wala na!
Nagbuntong hininga ako at umirap. "Buti ka nga, sila lang ang problema mo. Sa'kin gumagatong pa si Kayla."
Tinuro niya ako ng fries niya habang natango nang mabilis. "Oo nga! Ano bang problema ng impakta na iyon, napapansin ko palagi kang pinariringgan? Parang kulang sa aruga e! Alam mo kung siya ang aalis, matutuwa pa ako."
Pinalo ko naman ang kamay niya.
"Tangek, need natin ng tao ngayon. Baka maging 24 hours na tayo sa duty kapag mabawasan pa." Mamamatay na talaga ako.
"Charot lang! Pero ano nga ang problema no'n?" She probed more.
"Ako kasi ang sinisisi niya."
"Saan?"
"Remember my former classmate na gusto niya? Iyong nakwento ko sa'yo noong nakaraan?"
Nag isip naman siya sandali. "Shit, wait lang. Ang dami ko ng nasagap na chismis mula sa'yo, minsan hindi ko na sila maalala lahat," Hinawakan niya ang ulo sandali at pumilantik nang malakas. "Ah, iyong kaklase mo na mukhang matinee idol noong 90's?"
Tumango ako. Bahagyang natawa sa description niya kay Lucas. Well, to second her, may pagkakahawig nga talaga si Lucas sa teenage version ni Patrick Garcia na may height at physique naman ni Diether Ocampo. Medyo naging pamilyar na kasi ako sa mga artista noon dahil mahilig manood ang nanay ko ng mga romance na palabas sa panahon nila. And most of her favorites are movies staring the late Rico Yan. Akala mo dalaga pa siya kung kiligin e.
"Bakit? Anong nangyari?" Tanong niya, looking more eager and excited now.
"Na-block kasi siya ni Lucas, like weeks ago? At feeling niya ako ang rason kung bakit."
ANDA SEDANG MEMBACA
And there was you (Invisible Strings #1)
CintaShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
