SARIEL
Matapos ang naging usapan namin ni Mama ay pumunta muna ako ng kwarto ko para makapag pahinga. Sobrang na-miss ko na talaga iyong kama ko! Ewan ko ba, iba kasi iyong texture ng kama ko kapag nasa apartment ako at kapag nasa bahay talaga ako. Feeling ko mas at ease ako at nakakatulog ako nang maayos kapag iyong kama ko talaga sa bahay namin iyong tinutulugan ko.
Yumakap ako sa unan at binuhay saglit ang cellphone ko. Una kung nakita ay ilang messages mula kay Lucas at ang iba naman ay chats galing kay Mika.
Hala oo nga, hindi ko pa nga pala siya nar-replyan! Nakalimutan ko na dahil ang daldal ni Mama kanina. Binuksan ko na muna ang thread ng messages ko kay Lucas. Panigurado kasi kay Mika, magtatanong lang siya kung ano ng nangyari sa naging usapan namin noong nakaraan. Wala pa kasi akong sinasabi sa kanya.
Ganti ko na lang din dahil wala rin siyang sinabi sa'kin noong mga panahon na tinutulungan niya na pala si Lucas! Iyong babaeng iyon, kaya pala inaasar niya ako palagi.
Lucas:
Hi, Sari. Good morning! Nakarating ka na ba sa inyo?
Lucas:
Kailan pala ang balik mo ulit sa Makati? Sorry, I already did what you told me last time and I didn't ask Mika anymore about your schedule. Direct na talaga 'ko sa'yo ngayon Ma'am. 🤚😁
Tumaas ng bahagya ang kilay ko at napalabi. Sinabihan ko na kasi siya na huwag na humingi ulit ng copy ng schedule ko kay Mika at magtanong na lang siya sa'kin ng diretso. Para sana iwas na rin sa tukso ng mga kaibigan at para na rin hindi sila masyadong ma-involve sa kung anong meron kami ni Luc ngayon.
Lucas:
Text me when you're already home.
Nag isip muna ako sandali bago dahan-dahan na nag tipa ng sasabihin.
Ako:
Nasa bahay na ako kanina pa. Slr. Nag uusap kasi kami ni Mama.
Anyway, hindi na ako babalik ng Makati. Dito na ako ulit for good. 🤪
I added that last sentence as a joke.
Habang hinihintay ko siya mag reply, in-open ko naman muna ang mga chat ni Mika sa'kin.
Mika Lozano:
Hoy babae, umuwi ka raw sa inyo?
Hindi ka na nag kwento, hayop ka. Tinakasan mo 'ko!
WTF AYAW RIN MAG KWENTO NI LA!!!
Matapos ko kayong tulungan sa mga desisyon niyo sa buhay, gaganyanin niyo lang ako?!?!
GURL I NEED DETAILS 😭
KAPAG HINDI KA PA NAG REPLY SA'KIN, FO NA TALAGA TAYO IMPAKTA KA 😡😡
Hoy, ilang hours ka ng hindi online. Buhay ka pa ba? 😔
Napabangon na 'ko ulit dahil na-stress ako bigla kay Mika. Ito talagang babaeng ito! Parang hindi mapakali kapag walang tsismis.
Ako:
Buhay pa. Kakauwi ko lang sa'min, pwede ba kumalma ka dyan?
Lumabas agad na typing si gaga. Napatingin ako sa orasan ko. Hindi ba busy ang mga tao ngayon? Oras dapat ng trabaho ah.
Mika:
AY WOW FINALLY NAG REPLY KA RIN
3 days kang hindi nag paramdam sa'kin matapos mo sabihin na mag uusap na kayo. So, ano ng nangyari sa talk niyo? Nanliligaw na ba siya? O kayo na?
ANDA SEDANG MEMBACA
And there was you (Invisible Strings #1)
CintaShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
