SARIEL
"Mika, are you really going to attend the reunion next week?" Tanong ko sa kanya nang magkita kami ulit para maglibot sa Ayala Triangle. Tumingin naman siya sa'kin at tumango.
"Yes, I already received Lucas' email. Grabe rin iyong tao na iyon e 'no? Ang successful na." Umupo siya saglit sa isang gutter at uminom sa tumbler na hawak. The sun is already setting fast in the horizon, so the lights around the place are on and the food stalls in front of us are now buzzing with people. Marami talaga ang napunta rito sa mga ganitong oras, pagkatapos ng trabaho, para mag jogging o kaya naman ay magpalipas lang ng oras. Napatingin ako sa paligid, may isang grupo ng magkakaibigan doon na inaalo ang kasama na umiiyak.
"Halos lahat naman ng mga kabatch natin? Tayo na nga lang yata ang napagiiwanan." Tumawa ako at umupo na rin sa tabi niya.
Ngumuso naman siya. "Bakit? Ano bang problema sa trabaho natin? Ang mahalaga naman ay kumikita tayo sa legal na paraan at may mga pambayad na tayo sa mga own bills natin, na hindi na tayo nahingi ng support pa sa mga magulang natin! Adult life is all about surviving by yourself, anyway. Mahirap pero kinakaya."
Tipid naman akong ngumiti at bahagyang tumango na lang. Hindi na nag salita pa.
But I just don't want to survive... I want to live, too. I want to feel alive. Eversince kasi nagtrabaho ako rito, pakiramdam ko lagi lang akong socially and mentally drained. It's the feeling of being not unhappy but not happy either. Masyadong magulo. Gusto ko na lang mahiga buong araw at matulog.
Although I tried to romanticize my life sometimes by going out alone, it's still short-lived. At the end of the day, it will never changed the fact that I'm beginning to get exhausted. And that I want to get out of this kind of life and be free somewhere else.
"Siya nga pala, alam mo ba natatawa ako sa ibang usapan ng mga kaklase natin noon? Hanggang ngayon pa rin kasi wala pa raw nagiging girlfriend iyon si Lucas. E 'diba alam mo naman kung gaano ka-crush ng lahat iyon dati? Bukod kasi sa gwapo na, seryoso sa pag-aaral, mabait, ay may sense of humor pa!"
Kumurap ako. "O, tapos?"
"Iyon na nga! Syempre sa gwapo no'n, sinong hindi mag iisip na wala pa siyang nagiging experience kahit isa 'diba? Lalo na't sa Maynila na siya nag aral after ng junior high school! Kahit ako, iyon din ang iniisip ko, that's why every one was asking him sa group chat kung may dadalhin ba daw siyang plus one sa reunion. Alam mo kung anong sagot niya?"
Umiling naman ako. Hindi na kasi ako ulit nakapag basa pa sa GC simula kahapon kasi ang dami na nilang naging usapan. Tinatamad na rin naman ako mag backread kaya hinayaan ko na lang.
Umirap naman siya sa'kin at kinuha ang cellphone niya. Pinakita ang screenshot ng naging usapan nila kagabi.
Samantha: So, are you going to bring someone on the reunion, Lucas? A girlfriend maybe? Lol
Trinity: What? But I thought this was exclusive for the alumni only? Is outsider even allowed?
Colleen: Ang seryoso naman ni ateq.
Lucas replied to Samantha: Sino pong dadalhin ko? Multo?
Samantha: Oh com'on! Imposible naman na wala ka pa ring nagiging girlfriend. Curious kami lahat oh! Hahahaha 😂
Paulo: Si curious naman.
Timothy: Samantha, crush mo pa rin ba si Lucas hanggang ngayon? Sabihin mo na lang na gusto mo mag-apply na girlfriend niya, 'wag mo na kami idamay HAHAHAHAHA
Samantha: Ang epal naman ng iba rito, sumasabat kahit hindi kinakausap 🙃
Lucas: Lol I'm not really dating anyone right now. So, you all can stop talking about my love life here. Wala talaga ako no'n hahahaha.
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
