Chapter 12 - Spaces in Between

2 2 0
                                        

SARIEL

"What?" He muttered looking dazed as I moved to get closer to him. Nakita ko pang napalunok siya at nag iwas ng tingin. Lumikot din ang mga mata niya at para bang gusto ng magtanong pero hindi niya magawa.

He was all cool earlier when he greets me, pero mukhang nawala yata ang angas niya?

"Are you done with your work? Baka may gagawin ka pa?" Ako na ang naunang nagtanong.

Hindi ko talaga alam kung bakit ako, na kanina pa kinakabahan, iyong dumadaldal ngayon sa kanya kahit siya itong mukhang nagpapatay malisya mula pa kanina. Suot niya pa ang asul niyang uniporme kaya alam kung nagdiretso na siya rito agad pagkatapos ng trabaho.

Come to think of it, he actually looks different when he wears his work uniform. Parang mas mukha kasi siyang seryoso at malaki ang pangangatawan. Short-sleeves kasi iyon kaya kitang-kita ko ang mga braso niya. Ito rin ang unang beses na nakita kung suot niya iyan habang kasama ako. Sa tuwing nalabas kasi kami, madalas naka-casual na lang siya. And his casual is always composed of either dress shirts and pants. Bihira lang siya mag short-sleeves.

Ngayon alam ko ng nagtatrabaho talaga siya.

"Yes, I'm done with work. Wala na rin naman akong gagawin," He tried to show me his usual friendly smile. "Tungkol pala-"

Nag buntong hininga naman ako kaya agad siyang natigilan sa pagsasalita.

"Alam mo, hindi ako sanay na ganyan ka."

"Huh?"

"Iyong ganyan," Tinuro ko ang mukha niya. "E mas mukhang ikaw pa iyong nahihiya sa'ting dalawa. Ano, ako ba iyong nag-confess?"

Napakurap-kurap naman siya at napahawak sa kanyang batok. Namula rin nang bahagya ang buong mukha niya at maya-maya pa, bigla siyang nagsalita. "Kinakabahan kasi ako." Halos bulong niyang sinabi iyon kaya muntik ko pang hindi marinig.

"Bakit naman? Dapat nga ako iyong-"

"Kinakabahan ako na baka itong pag uusap natin na ito, huli na kasi baka... layuan mo na ako. Do you know how serious you look right now, Sari? Ni hindi ka makangiti sa'kin. Akala ko makakaya ko na magpanggap na parang walang nangyari, pero noong nakita na kita... tapos iyong tingin mo na para kang galit sa'kin... natakot na lang ako." Yumuko siya pagkatapos, parang bigong-bigo. "Sorry..." And he sighed.

Natulala naman ako saglit. Mukha akong galit? Kaya ba kanina pa siya hindi makatingin sa'kin? And why does he even need to explain it that way? Mukhang siyang puppy na napagalitan!

"H-hindi ako galit. Normal na itsura ko ito." Umiling-iling pa ako at bahagyang tumawa para gumaan naman ang loob niya. He glanced at me with wary eyes, before chuckling to himself.

"Yeah, I know. Pero malay ko ba sa kung anong nararamdaman mo ngayon. Inabot ka pa nga ng isang linggo bago ako kausapin, kaya paanong hindi ko iisipin na galit ka?"

Napalunok naman ako.

"Nag iisip lang kasi ako kung anong gagawin ko sa'yo, kaya pasensya ka na kung natagalan." Diretso kung sinabi kaya nagtagal na ang titig niya sa'kin. Like he was trying to mapped me out and the words that came out from my mouth.

He then licked his lips and didn't say anything. Mukhang gusto niya lang muna makinig sa'kin. Pinaglaruan ko naman ang mga daliri ko.

"Gusto mo ba talagang kalimutan ko na lang lahat iyong mga sinabi mo?" Patiunang tanong ko at tumingin na lang muna sa harapan. Ayaw ko siyang tingnan dahil nahihiya ako. At ayaw ko rin makipagtitigan sa mga mata niya ngayon!

Halos palubog na ang araw, dumarami na rin ang mga tao sa park gawa ng mga estudyanteng doon na balak magpalipas ng oras kasama ang mga kaibigan nila. May ilang maiingay rin na mga bata na naglalaro at naghahabulan sa playground hindi kalayuan sa'min. It's peak of the summer season kaya mainit at maaliwalas ang langit. Tanging ang mga malalaking puno lang sa paligid ang nagsisilbing silong at binabalanse ang init sa buong lugar.

And there was you (Invisible Strings #1)Where stories live. Discover now