Chapter 1 - Lovelife?

8 3 0
                                        

SARIEL

"Wala ka ba talagang balak mag boyfriend?" Tanong sa'kin ng kaibigan kong si Mika, isang gabi nang inaya niya akong lumabas. Halos isang buwan na kasi kaming hindi nagkikita na magkaibigan at ngayon lang may tumugma na schedule sa'min.

Parehas kaming nag t-trabaho sa hotel sa Makati ngayon, ako bilang isang receptionist at siya naman ay sa back office naka-assigned bilang isang accountant. Mag d-dalawang taon pa lang kaming nasa ganitong industriya after naming makagraduate. Matagal ko na siyang kaibigan, simula pa lang ng junior high school kami, at sa'ming dalawa, siya ay nakailang palit na rin ng boyfriend.

Na sobrang salungat ko dahil ako, ni isa ay wala pa. Lovelife? Pass ako dyan.

Like from the moment I was aware of the word love for the opposite sex, it never crosses my mind to have one. Oo, may mga naging crushes ako noon, pero hanggang doon lang iyon at hindi na ako nangarap pa ng mas higit pa doon. Hindi ako sumusubok na lumandi at wala rin namang sumubok na lumandi o mag bigay nang motibo sa'kin.

Or maybe I was just too blind to notice it, but then truthfully, I am not that interested with the idea of me being with someone and doing those sweet things I usually read on books or watched on TV. Ang cringe na kaya kapag real life na. Nakakakilig lang sila sa mga nababasa ko!

"Ito nanaman tayo sa tanong mo na iyan, paulit-ulit na lang. Wala nga." Tumawa ako at uminom saglit sa'king inumin. Tumingin ako sa labas. It was now past 10 PM on a Friday night and the city is bustling and more than alive with its light and people. Dapat ay nakahiga na ako ngayon at nagpapahinga dahil maaga pa ang pasok ko bukas, pero tinatamad pa rin naman ako umuwi kaya okay lang siguro?

Tinitigan niya naman ako saglit habang ngumunguya siya sa kanyang fries. "E, girlfriend?"

Napabaling ulit ako sa kanya. "Seryoso ka ba?"

"What? I won't judge naman!"

"Hindi ako gano'n." I simply stated. Alam ko naman na marami na nga ang nag iisip sa'kin na baka nga lesbian ako dahil hindi pa ako kahit kailan nagkaroon ng boyfriend. Inisip ko na rin iyon noon dahil ilang beses na sa'kin may nag tanong, pero alam ko sa sarili ko na hindi. I was attracted to some guys my age, alright? Particularly iyong mga matatalino sa klase ko noon, and even though I find some girls pretty, I don't feel any romantic attraction towards them or anything beyond that.

Kaya naiinis din ako kapag may namimilit sa'kin na lesbian daw ako kahit hindi naman. We should never based someone's sexuality just because they don't follow the norm. E ano naman kung never pa ako nagkaroon ng boyfriend? Ayoko lang talaga sa sakit ng ulo.

"Stop asking me about my non-existent love life already, Mika. Ako iyong napapagod e." Napapagod na akong sumagot ng 'wala nga'. At hindi ko alam kung magkakaroon pa ba o tatanda na lang ba akong dalaga. Hindi ko pa talaga siya iniisip kasi sa tingin ko bata pa naman ako. I am only 25 for God's sake at hindi pa naman lagpas ang edad ko sa kalendaryo.

"Okay, fine! Just one last question." Hirit niya pa. Umirap naman ako.

"What?" Parang gusto ko na ngayon umuwi. Iwan ko na kaya 'to.

"You always keep saying to me kasi na wala kang interest to have a boyfriend kasi nga hindi ka pa handa, but when the time comes... are you even open for a relationship?"

I shrugged. "I don't know... maybe?"

She groaned, frustrated. Pinalo niya pa nang mahina ang lamesa namin. "Parang tanga naman kausap 'to! Anong klaseng sagot iyan?"

"E sa hindi ko pa nga alam! Ang sa'kin lang naman kasi, kusa naman iyan dumarating."

So, kung wala pa siya ngayon, baka hindi pa ito iyong panahon? Ah, hindi ko talaga alam!

And there was you (Invisible Strings #1)Tempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang