LUCAS
The moment she didn't answer and only walk away from me, I knew I fucked it up.
I knew... I fucked my chance up.
Napahilamos na lang ako ng kamay sa mukha habang naiiling sa sarili. What the hell am I even thinking? Bakit ba kasi ako umamin bigla? Alam ko naman na hindi pa kami gano'ng ka-close kahit ilang beses na kaming lumalabas as "friends", kaya alam kung malaki ang posibilidad na lumayo siya sa'kin kung malalaman niya na ginagawa ko lang lahat ng ito kasi gusto ko siyang mas makilala pa!
Because I... I really do like her.
Hindi ako makakarating sa kung nasaan ako man ngayon kung hindi siya iyong babae na ginusto ko.
A notification sound then came from my phone and I thought it was Sariel who texted me but it was just Miguel, iyong katrabaho ko. I sighed, disappointed and sad before opening his message.
Miguel:
Overbreak ka nanaman repa ah :D Hindi pa tapos iyong chinicheck natin dito oy!
Me:
Tapos ko na. Ikaw na lang ang hindi tapos diyan. At nag paalam na ako kanina na maaga akong aalis.
Nagtanong pa siya kung nasaan daw ba ako pero hindi ko na sinagot. Tsismoso.
Napunta ako sa usapan namin ni Sariel at sa huling message niya na thumbs up lang. I began to type a message for her.
Me:
I'm really sorry. I hope we can still be friends after this.
Please, kahit kaibigan na lang. I thought as I send it. Nilingon ko muli ang dinaanan niya kanina at sa tunnel sa dulo nito. Umaasa na kahit papaano ay susulyap siya sa'kin pero hindi niya ginawa.
Her words earlier then echoes inside my head, repeatedly, asking me if I can be contented with us just being friends... ang sagot ko sa kanya ay 'oo'. Okay lang.
Pero syempre hindi.
Pero kung iyon lang ang tanging paraan para makasama kita, edi sige.
Nandito na ako. Nakakausap at nakakasama na kita nang matagal. Ngumingiti at inaasar mo na ako. Sa tingin mo, hahayaan ko pang mawala sa'kin iyon? It took me years to get to you, Sariel. Nakikita kung unti-unti ko ng nabubuwag ang pader na nakapaligid sa'yo, at kung iyong nararamdaman ko lang ang magiging dahilan para tumaas ulit iyon... itatago ko. Itatago kung mabuti para hindi mo na makita.
I'm good at pretending anyway. Na-master ko na nga yata dahil sa kanya. I smiled bitterly to myself, remembering those days when I tried so hard to get to know her.
The first time I noticed her, she completely ignored me.
We were Grade 7 that time and she's one of my classmates. We had our first preliminary exams, and she's the only student who got the highest score in our ESP and Health exams. Masungit ang prof. namin doon, terror kung tawagin, at lahat ng quiz niya sa'min, puro identification at enumeration lang. Kaya hindi na kami nagtaka nung puro gano'n rin ang lumabas sa mismong exam niya.
You really have to memorize every terminologies inside the book, even the steps and process, or else you'll fail her subjects.
Nakapasa naman ako kaya hindi ako nakasama sa mga nasermunan niya kanina. Actually, Sariel and I didn't have that much difference in our points. Lumamang lang siya ng kaunti kasi na-perfect niya ang isang section sa enumeration.
"Uy, congrats! Ang galing mo." Bati ko noong dumaan siya sa harapan ko kasama ang mga kaibigan niya. I was smiling as I raised my hand for a high five but as if she doesn't saw it, yumuko lang siya at nilagpasan ako para pumasok na sa loob ng room. Ni hindi man lang niya ako nilingon!
ANDA SEDANG MEMBACA
And there was you (Invisible Strings #1)
CintaShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
