SARIEL
Nagkaroon ako ng dalawang araw na off noong linggong iyon kaya minabuti ko na umuwi muna sa probinsya namin para mabisita si Mama, at para sabihin na rin sa kanya na may manliligaw na iyong anak niya.
Manliligaw.
Hearing that word still feels strange to me even though it's been days since Lucas started to court me. Parang hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari, na after being single for so long... meron na rin sa wakas ang sumubok na ligawan ako. At doon pa talaga sa taong hindi ko inaasahan.
Is this how the world moves on its own mysterious ways?
Maaga akong bumyahe dahil ayoko gabihin sa daan. Hindi naman sobrang layo ng probinsya namin mula sa Metro Manila pero ma-traffic kasi kapag nagpahapon pa ako, at baka abutin pa ako ng last trip! Hanggang alas-8 lang kasi ng gabi ang byahe sa bayan papunta sa Baranggay namin, at dahil bundok pa iyon ay medyo madilim na sa daan kapag paakyat.
It was drizzling a bit when I get there, malamig rin ng kaunti ang klima. Mabuti na lamang at may dala akong payong.
"Saysay!" Sinalubong ako ni Mama ng yakap, at hinalikan ako agad sa ulo nang pumasok ako sa bahay. Yumakap din naman ako sandali at pagkatapos ay binigay na sa kanya iyong mga pasalubong na dala ko. I was short on money dahil wala pa akong sahod kaya pagkain lamang mula sa fastfood ang dala ko para mapag saluhan namin sa tanghalian.
"Mabuti naman at umuwi ka. Kumain ka na ba?" Tanong niya nang tinanggap ang dala ko.
Napakamot naman ako sa ulo at nag iwas ng tingin. "Hindi pa po."
My mother quickly glared at me.
"Ano?! Bakit hindi ka pa nakain? Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka, palagi ka nagpapalipas ng gutom!"
Hinila niya ako sa kusina at pinaghandaan ng mga plato at kutsara. Binuksan niya iyong mga dala ko na pagkain at iyon iyong binigay niya sa'kin. "Nagluto ako ng sinigang, gusto mo ba? Para may sabaw ka. Ang payat mo!"
Tumango naman ako at ngumiti. Tuwing nauwi talaga ako sa'min, palagi niyang napapansin na pumapayat daw ako, kahit sa tingin ko naman, hindi nagbabago iyong katawan ko. Ewan ko sa ba nanay ko!
I watched her carefully as she ladle some soup from the caserole.
Going home in your province, after working yourself hard in the city has been one of the best feelings for me lately. Sa halos dalawang taon kung pagt-trabaho sa syudad, mag isa, at palaging magulo ang paligid... seeing the tranquility and the peacefulness of the lives of the people here gives me warmth I can't explain. Parang payapa lang ang puso ko, lalo na't kung nasa bahay lang ako, hindi ko kailangan lumabas at makisalamuha sa iba, at nandito si Mama. Kumpleto na ang araw ko.
Minsan nga parang ayaw ko ng bumalik sa syudad, pero hindi naman pwede dahil ang buhay ko ngayon ay umiikot na lang sa trabaho. Sa pag iipon ng pera para sa magandang buhay ko at ni Mama. Hindi na ako pwedeng huminto... hindi na ako pwedeng mapagod... kahit madalas ang hirap-hirap na bumangon.
Noon, gustong-gusto ko na mag trabaho para makatulong sa kanya. Kumita ng pera para may maibigay ako sa araw-araw naming pangangailangan. Being her only daughter, I assumed the responsibility of being a provider for her. Of sharing the burden of paying all the bills needed. Dahil wala naman siyang ibang makakasama kung hindi ako lang.
The first time I earned money from my own salary, I thought it will be enough to provide for us. Pero hindi pala. Kulang pala ang gano'ng halaga lang, lalo na't tumataas ang mga bilihin at ang ekonomiya ng bansa. It was hard enough to survive on my own. Kaya kung kaya talaga kumita ng mas doble pa sa halaga, gagawin mo.
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
