LUCAS
At iba ang gusto niya.
Napatingin akong muli kay Ian. I don't do basketball but I do play tennis or badminton. I can't also play any instruments like him, but I think I can learn it if I try. Gano'n din sa pagsasayaw. Magaling rin ako sa math kagaya ng gusto niya, at alam kung matalino ako kaya bakit hindi na lang ako? Mas matangkad pa nga ako dyan e! Mas maputi lang siya sa'kin.
"Hoy 'pre, baka paglamayan bigla si Ian dyan! Matatalo tayo!" Sita sa'kin ni Adriene, isa sa mga kaklase ko, at siniko ako bigla sa tagiliran.
"Huh?"
Tumawa siya at nilingon ang court saglit. Na kay Paulo na ngayon ang bola at nasa gilid niya naman si Ian na sumesenyas na sa kanya ipasa dahil walang nakabantay sa banda niya.
Gago, huwag mo ibigay.
"Grabe ka kasi kung makatingin. Kalma ka lang!"
Tumawa na lang ako at malakas na sumigaw.
"Pau, i-shoot mo na iyan! Ang tagal!" Kapag hindi mo pa hinulog iyan, bobo ka.
Mabuti na lang nakinig itong kaibigan ko sa'kin at hindi niya na nga pinasa pa ang bola. Tumira siya pero sumablay iyon nang kaunti kaya si Ian ang sumuporta. Naghiwayan muli ang lahat ng pumasok ang bola dahil sa kanya.
Tss. Papansin!
Wala na, tuluyan na nga akong nabwisit kay Ian simula ng araw na iyon. Tangina, ganito na ba ako ka-petty? I've never imagined myself being this rude to anybody. Pinalaki ako ng mga magulang ko na palaging rumespeto at maging mabait sa kapwa, ano man ang aspeto o estados nila sa buhay.
All is fair and equal in the eyes of the Lord, anak. Choose to be kind in the world full of greed and cruelty, and never wish your enemy's misfortune nor feel joy when it happens. Iyon ang turo nila sa'kin mula noong bata pa lamang ako.
Ayaw ko naman may mangyari na hindi maganda kay Ian, kaklase ko siya at wala naman siyang ginagawang masama sa'kin, pero shit nakakairita pala talaga siya.
At lalo pa akong nabwisit sa kanya noong araw na ng acquaintance party namin at kasayaw niya si Elisa, isa sa mga kaklase namin... at sa harapan pa mismo ni Sariel. I keep clenching my fist the whole time I was watching them. Nasa magkabilang dulo kasi ang mga upuan ng babae at lalaki at nasa tapat ko lang rin sila.
Simula ng oras ng sayawan, malalim na rin ang gabi, pero wala akong gana na tumayo at makisayaw kahit na pa ilang beses ng may lumalapit sa'kin. Ilang tango, ngiti, at buntong hininga. Hindi ko na mabilang.
Alam kung mali na kagalitan ko si Ian dahil lang siya ang gusto ni Sariel. Wala naman siyang kasalanan at wala rin siyang alam. But I just really don't like the fact that he easily broke two hearts that night, Sariel's and... mine. I was hurting for her and for myself.
She keeps looking away the whole time they were dancing, madilim ang paligid dahil ang disco ball lamang ang ilaw, at nakaupo siyang mag-isa sa hilera nila. Tumitingala din siya paminsan-minsan at pinaglalaruan ang mga daliri. Gusto ko siyang lapitan at ayain na mag sayaw pero natatakot ako na tanggihan niya dahil mukhang hindi iyon ang kailangan niya. In fact, she looked like she wanted to go home already. Kanina pa kasi ang lingon niya sa may pintuan.
"Bakit hindi mo ayain, hindi iyong tinitingnan mo lang dyan." Si Paulo, nakabalik na pala pagkatapos siyang ayain ng isang freshman.
"Tapos ka na? Si Randy?" Pagiiba ko ng usapan dahil aasarin nanaman niya ako. Ang lakas kasi makaramdam ng animal, alam agad niya na may gusto akong pormahan.
"Nandoon, nakikipag-gaguhan nanaman do'n sa iba nating tropa. Ikaw? Kailan mo aayain?"
Bwisit, hindi kumagat!
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
