SARIEL
Naglilinis ako ng kwarto ko ngayon dahil wala naman akong ginagawa. Sinimulan ko na muna sa mga damitan ko dahil halos sumuka na ang mga damit doon, at marami na rin ang mga hindi ko na nagagamit.
Binigyan pa ko ng plastic bag ni Mama kasi alam niyang kapag nag lilinis ako rito, palagi akong maraming natatapon. Iyong iba kasi pinamimigay niya sa mga kapit-bahay lalo na kung maayos at magagamit pa.
When I was done sorting my clothes, sa book shelf naman ang pinag tuunan ko ng pansin. Iilan lang naman ang mga libro ko rito, nag simula kasi akong bumili simula noong junior high school ako sa mga naiipon kung baon. It became a habit then, pero syempre iyong budget friendly lang talaga madalas ang nabibili ko. Ang pinaka mahal na siguro sa mga collection ko ay iyong series na self-publish ng favorite kung author, na installment ko pang binayaran noong senior high school ako, at ilang mga english novels.
I also had some stash of korean albums and posters since I was addicted to a boy group before. Nakatago lang talaga sila lahat rito sa isang cabinet as a memento of my youth. Gusto na nga sana ibenta ito ni Mama kasi nakatambak lang naman daw rito sa kwarto ko at para ma-pera, pero hindi ako pumayag. Tinipid ko kaya nang sobra ang sarili ko para mabili lang ang mga iyon, tapos ibebenta ko lang?
I was busy arranging some of my notebooks and what-nots on the third drawer when I happened to stumble on a photo album. Na-curious naman ako kung anong mga laman nun dahil dito nakalagay, at napaawang na lang ang labi ko ng ma-realize na collection pala iyon ng mga litrato mula noong pre-school ako hanggang sa graduation ko ng elementary.
I carefully flipped the pages of the album as I sat on the floor. Iba't-iba ang mga pictures na nandoon at halata na stolen pa iyong ilan. Maiksi pa ang buhok ko roon at laging may suot na headband o palamuti sa buhok dahil lagi akong trip ayusan ng nanay ko. Nandoon din ang picture ko noong recognition day namin noong Grade 3 ako dahil iyon ang unang beses na nakapasok ako sa Top 10 ng batch namin. It was then followed by a picture of me raising my left hand as I state my oath as part of the Supreme Student Government. Napagkaisahan lang naman ako roon, ayaw ko naman talaga pero hindi ko alam kung bakit ako iyong napili iboto nung mga nasa higher batch.
Habang tinitingnan ko iyong mga pictures ko, na-realize ko na extrovert pala talaga ako noong bata pa ako. I was always smiling and making friends. Hindi rin ako takot na kumausap ng ibang tao. I was very active in short, kahit sa mga recitation at activity sa school. Naalala ko pa noong minsan sumali ako sa intrams noong Grade 2 ako at ilang beses akong nadapa pero nagpatuloy lang ako, at iyong pag sayaw ko sa harap ng maraming tao para makasali lang sa cheerleading. It was all fun... because you have nothing to think about but to play and just have a good time with your friends.
Kung makakausap ko nga lang siguro iyong batang ako, hindi siya maniniwala na lumaki lang siya na mahiyain at halos takot pa na masaktan ng iba. Baka pa maawa siya sa'kin. Pero sasabihin ko rin naman sa kanya na huwag niya madaliin iyong paglaki niya. Kasi nakakapagod rito... hindi siya masaya.
Nasa halos huling litrato na ako at nasa graduation na iyon noong Grade 6 ako. Pinicturan kasi ako ng Mama ko sa harap ng stage habang hawak ang diploma. Nasa likod ko pa ay ilang nag pipicture rin na estudyante kasama ang mga magulang nila. Pero kumunot ang noo ko nang may mapansin sa bandang kaliwa ko. Nilapit ko pa iyon nang maigi sa'kin dahil baka malabo lang ang tingin ko. May isang pamilya kasi roon na kinukuhanan ng litrato ang magkapatid na lalaki na nakaakbay sa isa't-isa. Nakasuot ng parehong uniporme ko ang isa, samantalang ang isa naman ay mukhang sa ibang school pa galing.
At doon ako napatitig. The boy's features were young and a bit playful but it was all too familiar to me. Buong-buo ang ngiti nito habang ang katabi naman niya ay nakangisi lamang. He's also sporting a clean cut hair in his light blue uniform at halos magkasing tangkad lang sila! Siya pa nga ang may hawak ng diploma namin na para bang siya iyong grumaduate. Napakurap-kurap ako. Teka... si Lucas ba talaga ito?
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
