Chapter 8 - Burst of Feelings

3 2 0
                                        

SARIEL

Favorite ba ako ng kamalasan?

Noong nag aaral pa lang ako, sa mga recitation namin kapag alam ko ang sagot, hindi ako natatawag. Pero kapag hindi ko naman alam, tsaka ako nabubunot. Nauuna pa nga sa listahan.

Sa mga desisyon ko sa buhay na palaging palpak kahit na over thinker naman ako. Imagine, sa dami ng scenario na nabuo mo sa utak mo, doon ka pala talaga napunta sa mali. Parang niloloko mo lang ang sarili mo.

At tangina, sa simpleng paglalakad na natatapilok o nadadapa pa ako at doon pa talaga sa harap ng maraming tao!

I whispered a curse as I tried to sit and walk out of my bed. Tiningnan ko muli ang malaking sugat ko sa tuhod at halos maiyak dahil sariwa pa rin iyon kahit ilang araw na ang nakalipas!

Pucha ka talaga Sariel, maglalakad ka na nga lang bobo ka pa! O paano tayo ngayon kikilos nang maayos niyan? Ni hindi ako makapag palda o shorts dahil makikita ang mga sugat ko. Palagi tuloy akong nakamahaba kahit ang init.

It's already Wednesday in the morning, hirap na hirap akong maglakad para maligo at mag ayos para sa lakad namin ngayon ni Lucas. Ilang araw na rin akong ganito dahil hindi ko mailakad nang maayos ang paa ko at sumasakit rin ang sugat sa tuhod ko. Sobrang hassle tuloy sa trabaho, pero wala naman akong magawa kung hindi pumasok dahil kailangan ko kumayod at kumita ng pera.

Shit, I'm feeling so tired! Parang gusto ko lang talaga mahiga ngayon at huwag lumabas. Mag-cancel kaya ako? Maiintindihan naman siguro ni Lucas kung hindi ako tutuloy 'diba? Lalo na kung sasabihin ko sa kanya ang kondisyon ko ngayon.

I sighed and bit my lips. Kinuha ko ang cellphone sa kama at binasa ang ilang palitan namin ng mensahe sa mga nakaraang araw. He's really been excited about the movie that he doesn't stop talking about how amazing the animation would be since the manga version was already good. At dahil sikat na company rin ang gumawa nito. Gets ko naman siya do'n since I'm also a big fan, kaya nga naiinis ako at bakit ngayon pa ako na-injured!

Malas na buhay.

Nag buntong hininga ulit ako, binaba na ang cellphone. Hindi, bahala na. Kaya ko naman siguro. At may sasakyan naman kaming dala kaya hindi ako maglalakad masyado.

I looked at myself in front of the mirror and nodded to myself, applying some lip tint to color my lips and cheeks.

Everything will work out fine, I'm sure.

That's what I thought.

Kasi for some reason pinili talaga ng universe na pahirapan ako ngayong araw at nasiraan daw siya ng kotse. Ipapagawa na lang daw niya mamaya kapag nakauwi. Kaya ngayon ay wala kaming choice kung hindi ang mag commute.

Wearing a long and black trousers and a sleeveless white top, I anxiously wait for him at the bus top. Pinag iisipan ko na kung tutuloy ba talaga ako kasi hindi ako sigurado sa lagay ng tuhod at paa ko. It's still hurts like hell and all my wounds are fresh! Pero kasi kung aatras pa ako at ngayong last minute na... sayang naman ang effort ni Lucas magpunta pa rito, at sayang din naman sa effort ko na mag ayos!

Sana sinabi ko na lang pala agad kung anong lagay ko. Akala ko rin naman kasi may kotse siyang dala kaya alam kung hindi ako mahihirapan.

Nagbuntong hininga muli ako at kinapa ang benda ko sa tuhod. Kanina pa talaga ako nam-mroblema. I was wincing everytime I bend down my knees or it accidentally touch a thing or even a piece of my clothing. Gusto ko na talagang maiyak sa hirap ng sitwasyon ko! Kung hindi ba naman kasi tanga.

My phone then ring loudly and I saw his name on the caller ID kaya sinagot ko na agad. Hindi ko pa pala na-mute itong cellphone ko.

"Hi! Are you still at the bus stop? Malapit na ako, medyo na-traffic lang."

And there was you (Invisible Strings #1)Tempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang