Chapter 11 - Advices and Truths

5 2 0
                                        

SARIEL

Paguwi ko sa apartment, agad kung tinawagan si Mika.

"Oh, bakit?" Sagot niya.

"Tama ka nga."

"Ha? Saan?"

"May gusto sa'kin si Lucas." Pikit mata kung sinabi.

Natahimik naman siya sa kabilang linya. Nakarinig pa ako ng may nalaglag na parang mga papel.

"Mika?"

"WHAT THE FUCK—!" Ilang ingay pa ay narinig ko naman ang malakas na pag sara ng pinto. "Ulitin mo nga iyang sinabi mo 'teh? Umamin na sayo si LA?!"

"Oo nga! Tinanong ko siya kanina—Wait, bakit parang alam mo? Alam mo na may gusto siya sa'kin?"

Kaya ba palagi niya na akong inaasar ever since nagkaroon kami ng reunion announcement? Alam na din ba ng iba? Si Grethel? Sina Paulo at Randy? Ako lang ba talaga itong clueless?!

God, this is making me feel so stupid!

Humagikgik naman ang bruha. Kung nasa harap ko lang siya ngayon, kanina ko pa siya nasambunutan sa inis ko!

"Mabuti naman at umamin na siya. Akala ko paaabutin niya pa ulit ng ilang taon e."

"So, alam mo nga?!"

"Well, duh? Sa tingin mo bakit kita pinipilit noon na mag punta sa reunion natin? Hindi naman tayo required talaga um-attend e, but I had to dragged your there so you guys can talk! Kung paanong siya iyong nakasama mo manood ng sine at bumili ng damit? At kung bakit alam niya iyong schedule palagi ng mga pasok mo. Tinulungan ko na, ang bagal e,"

Napanganga na lamang ako at halos hindi na makakibo.

Nag buntong hininga naman siya.

"Sorry na. I know medyo ang pakielamera na siguro ng dating ko sa buhay mo pero... gusto ko lang naman kasing magka-lovelife ka na 'teh! At isa pa, alam kung hindi ka sasaktan nun ni Lucas. Well, at least not intentionally, kung hindi yari talaga siya sakin. Hindi naman kasi kita ipagkakalulo sa bastang lalaki lang 'no! Talagang sinigurado ko muna na seryoso siya sa'yo bago kami naging partners in crime na dalawa."

"S-seryoso ka ba diyan? Mika-" Napapikit ako sandali at suminghap. "How are you even sure na hindi niya ako sasaktan, e parepareho lang naman ang mga iyan." Sa una lang magagaling.

"Hoy grabe ka naman! Hindi ako si Lucas, pero nasaktan ako ah."

Umiling ako at umirap. "It's the truth."

Kahit pa sa bandang dulo ng isip ko, naniniwala na hindi nga gano'n si Lucas. Hindi ko pa siya gano'ng katagal na nakakasama. Ilang buwan pa nga lang simula noong nagkita kami ulit, but I've seen the way he acts around people... and I can say that he's truly kind and respectful. Kahit pa sino iyong kaharap niya. Hindi rin siya mayabang, o arogante sa mga bagay na meron siya.

In fact, sobrang mapag bigay niya pa nga. I can't even count how many street people he brought food every time we go out. Kada kasi may nakikita siya, o nadadaanan namin, talagang umaalis pa siya to buy them anything. Ayaw daw niya kasi na pera lang ang ibigay at baka kunin lang daw sa kanila, at hindi rin sila makabili ng pagkain. Kulang na lang talaga, mag tayo na siya ng sarili niyang foundation.

And I admire him for that. Malambot din kasi ang puso ko para sa mga gano'n, lalo na sa mga matatanda na nanlilimos pa rin kahit na dapat ay nag papahinga na lang sila sa gano'ng edad. It was also my nature to give them anything, basta ba meron pa akong tabi sa bulsa. Madalas nga lang wala rin akong maibigay, since I'm just also trying to get by everyday. Nakakahiya man aminin, pero mahalaga rin kasi sa'kin iyong mga barya.

And there was you (Invisible Strings #1)Where stories live. Discover now