SARIEL
"Sorry, sobrang traffic kasi." Nang marinig ko ang boses niya ay napalingon ako. Sporting a black dress shirt and gray slacks, he looks good as he entered the place with his friendly and yet apologetic smile. His hair was styled in a clean way, exposing a bit of his forehead where some of his fringes falls above his thick brows making him look like some kind of a celebrity in the 90's. Marami agad ang sumalubong at bumati sa kanya.
Talking about being popular, huh? He's really their golden boy.
My eyes then widened a bit when he suddenly found my eyes and he smiled at me. Saglit lamang iyon dahil bumalik rin naman ang atensyon niya sa mga kumakausap sa kanya. Naglakad na rin sila papunta sa isang long table where I can see Trinity and Karissa waving at them together with some of their closest friends. Bumaling na lamang muli ako sa aking pinggan na wala pang laman hanggang ngayon at nag simula ng kumuha ng mga gusto ko lang na pagkain. Mika was already long done getting her food and that's why she was waiting for me while staring at me with her scrutinizing eyes.
"Nakita ko iyon." Aniya, may ngisi sa labi.
"Ang alin nanaman?"
"Ay talagang nag try pa siya mag deny, oh! Parang kayong nasa K-drama kanina ate ko, tigilan mo ako!"
Umiling na lang ako. Alam na kung anong sinasabi niya. "Ikaw ang tumigil diyan 'teh, ayan ka nanaman sa mga assumptions mo."
Ang talas naman ng mata nito! Talagang nakita niya pa iyon?
"Alam mo, malakas talaga iyong feeling ko, ikaw iyong gusto niyan ni LA!" She suddenly exclaimed.
Muntik ko ng mabitawan ang plato ko sa lakas ng boses niya at agad akong luminga-linga sa paligid. Natatakot na baka may makarinig at maging issue pa kami! We are in the middle of a school reunion for God's sake, the last thing I want right now is for all their attention to be centered at me!
"Torpe lang talaga iyan kaya hindi maka-amin. Naku! Mauunahan siya kapag ganyan siya kabagal."
"Ano ka ba?! Anong sinasabi mo diyan?" Pinandilatan ko na siya sa inis. "Tumahimik ka nga. Baka may makarinig pa sa'yo e."
Tumawa naman siya, mouthing a hush 'sorry' in my direction even though she didn't really look that apologetic, at lumakad na kami pabalik sa table namin.
"Pero hindi nga, hindi ba type mo iyon?" At talagang hindi pa siya tumigil kahit ng makaupo na kami. "Parehas naman kayong single e, so-"
"Mika, please, tigilan mo na." Seryoso kung sinabi at tinitigan siya. And I know she get what I mean when she sighed and raised both of her hands as if finally surrendering.
Nag buntong hininga na lang din ako at tumingin sa plato ko.
Hindi tuloy ako nakakuha nang maayos sa mga pagkain! Kung ano-ano kasing sinasabi nito ni Mika.
The party started with an opening remarks from Lucas and other students from other section before. May nang-asar pa kung may flag ceremony daw ba itong kasama at school hymn pagkatapos ng speech nila kaya nag tawanan ang lahat.
"Pwede naman natin gawan ng paraan iyan." Pag sakay din ni Lucas sa biro.
"Come to think of it, niready ko iyong video rito for the school hymn." Si Anita, isa sa mga nag bigay ng remarks para sa buong batch, at tumawa. She's actually on par with Lucas when it comes to school activities back in the day. Tanda ko pa na halos lahat ng clubs sinalihan niya rin noon kaya palagi ring mataas ang grades niya when it comes to extra curricular, aside sa matalino rin siya pagdating sa academics. Hindi ko talaga gets paano nila nagagawa lahat ng iyon, pag aaral pa nga lang pagod na pagod na ako.
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
