SARIEL
Katulad nga ng sinabi sa'kin ni Yna, na-approved ang request ko para sa day-off ko sa Tuesday. And that's why the following day, dahil day off ko naman ay nagpasya akong pumunta sa mall para bumili ng damit na susuotin ko at manood na rin ng sine.
May showing kasi na palabas na gusto ko kaya bumili na ako ng ticket online para hindi na ako pipila pagdating sa cinema. It was actually my first time doing something like this, kaya medyo kabado rin ako dahil ako lang din mag-isa ngayon. Hindi kasi ako masamahan ni Mika dahil may duty siya hanggang 5 PM, pero sabi niya ay baka sumunod siya sakin maya-maya kung makakapag early-out daw siya.
Mika: Magkita na lang tayo sa Jabee mamaya if ever matuloy ako. I'm gonna text you na lang.
Ako: Okay.
Mika: Sinabi mo na ba kay Lucas na makakapunta ka na?
Ako: Hindi pa.
Mika: Girl? Nasa hotel niyo lang iyong tao ngayon oh. Chat mo na!
Ako: Oo mamaya.
Nag buntong hininga ako at nag-tingin pa sa ilang damit na nakikita kung naka-display sa department store. Ano bang magandang suotin kapag mga ganitong event? Dress? Ang sabi ni Lucas sa email niya formal lang daw pero anong klaseng formal ba? Napakamot ako sa ulo. Ang hirap pala nito. Hintayin ko na lang kaya si Mika?
Tumingin ako sa orasan ko at nakitang malapit na pala mag alas-3 ng hapon kaya umalis na muna ako roon para mag punta sa 3rd floor kung saan nandoon nakahilera ang mga cinema. The moment I was ushered inside by the security guard, I was amazed by the number of people who are wearing their favorite's costume. Marami ring nag-papapicture sa standee kasama ang mga kaibigan nila. Gusto ko man sumingit at makikuha rin ng litrato, nahihiya ako. Mamaya na lang siguro pagtapos ng movie.
Nang pumasok na ako sa loob ay nai-on ko agad ang flashlight ng cellphone ko para makita ang seat ko. Dahil sa madilim at wala akong dalang salamin ay nahirapan pa ako nang kaunti sa paghahanap. Nasa may bandang unahan ang upuan ko at wala pang katabi kaya natuwa ako. Pinili ko talaga ito kasi malabo ang mata ko, gusto ko maayos na makita ang subtitle ng walang blurry filter.
Noong umupo ako ay nilagay ko lang ang tubig na dala sa holder at inayos ang suot na cardigan. Mabuti pala at may dala akong ganito ngayon kung hindi ay baka manginig lang ako sa lamig! Nag dadalawang isip pa kasi ako kanina dahil mainit naman ang panahon. Pawisin pa man din ako kaya ayoko talaga kapag summer.
Napatingin ako sa cellphone ng umilaw ito.
Mika: Nasa cinema ka na 'diba? Ano nga ulit seat number mo ateq?
Ako: H-24. Why?
Kumunot ang noo ko nang hindi na siya nag reply.
Ako: Hoy bakit? Susunod ka ba? Hindi ka naman mahilig dito e.
Mika: Hindi naman ako e hahahaha
Ako: ?
Mika: Enjoy ka mare 🥰
Nailing na lang ako dahil hindi ko siya maintindihan. Bahala na nga siya dyan. Binaba ko na lang ang cellphone at napaayos na nang upo ng mag-simula na ang movie. I didn't bring any popcorn with me dahil ayoko talagang kumakain kapag nanonood ako, distracting kasi iyong sounds for me kaya medyo napapalingon ako sa bandang likuran sa gitna nang panonood ko dahil may maingay kumain at uminom sa soda niya! Hala naman si Kuya kung makasipsip naman sa straw, parang kakainin.
"Pucha naman." Bulong ko at umayos na lang ulit sa upo dahil hindi ko naman siya masita.
Nakakaiyak naman ito. Ang ganda pa naman na sana ng palabas pero nadidistract ako dahil sa ingay!
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
