Ngumiti lang ulit siya sa'kin. "Sabi ko, sige. Tatanggapin ko ito ngayon." At winagayway niya pa iyong 500 pesos sa mukha ko.
Napailing na lang ako. Hay naku!
Maya-maya pa ay tinawag na ang pangalan niya para sa mga order namin. I stared at his back and how he smiled politely at the barista at the counter. Narinig ko pa siyang nag pasalamat bago ako nilingon para ayain na sa table namin. Tumango ako at sumunod.
Pinagmasdan ko siya at kung paano umawang ang labi niya sa pagkain sa harapan. Mukhang iyong best seller ng cafè ang inorder niya kaya bago sa paningin niya. He even took some pictures together with mine. At halos takpan ko ang mukha ko sa gulat ng itapat niya sa'kin ang phone niya habang nasubo ako!
"Hindi ko naman i-popost." He said while grinning to himself. "Ang cute."
"Sino?"
"Ikaw."
Nag iwas ako ng tingin at uminom na lamang sa kape ko. Nakakabigla talaga minsan ang mga banat niya na ganito! Kailan ba ako masasanay?
At bakit ba kasi hindi ako marunong lumandi?! After all those books I've read, bakit ang clueless ko pa rin? Dapat yata nagpapaturo ako kina Mika! Hustler ang mga iyon e.
"Your birthday is coming up, right? Anong plano mo?" Pag iiba ko na lang sa usapan. Ito naman talaga ang pakay ko kaya ako nag pasundo sa kanya ngayon.
Mukhang hindi niya inaasahan ang tanong ko kaya nag isip muna siya bago sumagot. "I don't know... probably celebrate it with my family by day, and meet up with you after?" Tumango-tango siya. "Yes, I think that's the only concrete plans I have for now. Why?"
Kumurap-kurap naman ako. Did he just thought of that right now? Parang wala siyang pakielam sa birthday niya.
"No party with your friends or co-workers?"
"Some will invite me for a party for sure, pero alam naman nila na aayaw lang rin ako katulad sa mga nakaraan." He then began to take a sip of his brewed coffee. He really likes his coffee black, iyon lang ang constant sa mga order niya. And he actually prefers it with sugar. Gusto niya daw kasi na balanse ang pait at ang tamis ng inumin niya.
"Bakit naman? Buti hindi sila nagtatampo sa'yo?"
He chuckled. "Anong magagawa nila kung ayaw ko? Isa pa, nabawi naman ako sa kanila pagkatapos. It's just that... birthdays for me are quite intimate. And it should be only celebrated with the people you most cared about." He said as he stared right into my eyes.
At kasama ako do'n? Talaga ba?
Minsan, iniisip ko pa rin kung paanong ang isang katulad niya ay nag kagusto sa'kin. Hindi naman ako kagandahan. At bukod sa height, wala naman akong maipagmamalaki talaga. Kaya anong nagustuhan niya sa'kin para umabot siya ng taon na hindi siya lumingon man lang sa iba?
I know, there are lot of better girls out there. Someone who's pretty and confident to be herself. Iyong may mataas na pangarap at alam kung anong gusto para sa sarili niya. Hindi iyong naliligaw palagi na katulad ko at hindi malaman kung saan ba talaga siya magaling.
Someone who can actually be his equal. And fun to hang out with.
Kasi sa totoo lang, kahit madalas na kaming magkasama ni Lucas ngayon... hindi pa rin nawawala sa'kin iyong pangamba na baka minsan naiisip niya na boring nga akong kasama.
Dahil hindi ako gano'n palausap. At kung hindi ka magsasalita, tahimik lang din ako.
He's been fine with my silence all this time, but what do I know if he's still fine with it in the future right? Paano kung maging kami nga at magsawa lang rin siya sa ugali ko kalaunan? Dahil ganito lang ako?
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 16 - Your Eyes Tell
Start from the beginning
