A small smile was etched into his face as his gazed stayed with me a bit longer, before averting his eyes in front and turning the engine.
"Kaya nga ako nandito." He said softly, giving me a quick side glance.
Oh Lord. Act fool. Act fool.
Tumikhim ako at tumingin na lamang sa labas.
"Tara, kape?"
Narinig ko naman siyang tumawa. I also had bit my lower lip to stop myself from smiling too.
This is getting crazy.
-- 🔅
Nauwi nga kami sa isang coffee shop around Ayala. I was filled with joy the moment we entered the place! Paano ba naman kasi, coffee shop pala siya na book store din. Ang dami ding naka-display na materials for arts and crafts, stationary, and even handmade crochet items. Super cool din nung vintage bike nila na may mga artificial at dried flowers sa paligid. Ang dami kung pictures doon kasi ang aesthetic tingnan, lalo na doon sa book section!
"Meron palang ganito rito malapit sa'kin, bakit hindi ko alam?" I sighed as I take a picture of their medium size signage on one of their shelves.
Life is too short for bad coffee.
"Para namang nalabas ka, e kung hindi pa nga kita hilahin, hindi ka halos aalis sa apartment mo." Si Lucas sa tabi ko habang may kinakalikot sa cellphone niya. Tiningnan ko siya nang masama sa gilid ng mga mata ko. Tumingin rin naman siya sa'kin at ngumiti na parang inaasar ako.
Aba! Ginaganyan mo na ako ngayon, huh?
"Inaano kita d'yan?" Inirapan ko siya kaya lalo siyang natawa. "Teka, nag order ka na ba? Hindi ko pa nakikita iyong menu."
Nawala na kasi sa isipan ko ang pagkain dahil nalibang na ako sa pag iikot.
Tumango naman siya. "Kanina pa."
My eyes widened a bit. Ha? Anong inorder niya? Hindi niya naman ako tinanong!
"Hoy, iyong sa'kin-"
"Ice salted caramel latte with extra extra caramel syrup, less ice. And a slice of blue berry cheesecake, I know. You're welcome."
Napakurap ako at kumalma. "Meron sila rito?"
"Yes, fortunately. Tatanungin naman kita kung wala iyon rito."
"Okay, thanks. Magkano iyong sa'kin?" Nilabas ko na ang wallet ko para mag bigay sa kanya ng pera. Umiling naman siya.
"Don't worry about it. It's on me."
I pressed my lips together. Nag abot pa rin ako sa kanya ng 500. "Tanggapin mo na."
"Sari—" He tried to protest but I cut him off with my stare. Kaya wala rin siyang nagawa kung hindi tanggapin ang pera sa kamay ko, himas pa ang kanyang batok at mukhang nahihiya.
Good. Nakukuha siya sa tingin.
It's just doesn't sit right with me that he has to pay for our meals all the time. Pwede naman kami mag hati dahil may pera rin naman ako. Hindi niya kailangan na mahiya sa'kin. Okay lang naman. Mas gusto ko nga iyon.
"Do you hate it whenever I paid for our meals?" He asked me.
"Hindi sa ayaw, pero huwag naman palagi. Tutal ako naman talaga ang nag aya sa'yo ngayon, at minsan lang naman ako mag aya sa'ting dalawa. So, it's either you let me pay for it or we split the bill?"
He nodded his head. "Fine, I understand. So, it actually depends on whether who asked who first. Copy on that."
"Ano?" Dahil hindi ko naintindihan ang mga huling sinabi niya kasi halos ibulong niya iyon.
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 16 - Your Eyes Tell
Start from the beginning
