Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Gumapang ang init patungo sa mukha ko patungo sa tenga. Mapapatay ko 'tong katrabaho ko, e. Hindi ko ba alam ba't ito ka-duty ko.

"Uhm, ano, wala na. 'Yun lang kasi masarap 'yung pakain mo. Oo, thank you pala. Kala ko ba may delivery ka sa MedCity?" Hindi ako makatingin sa kanya kaya agad kong kinolekta ang pinagkainan ko at nagtungo sa loob.

"Tapos na. I wanted to celebrate with you the New Year with you," banggit niya nang makalapit sa akin. Bahagya akong napatigil nang maramdaman ko ang hawak niya sa kamay ko.

Nang lumingon ako, nakita kong nakatingin ang mga malamlam niyang mata sa akin. Bakas dito ang pagod mula sa scheduled operation na natapos niya.

"Bakit hindi ka na lang magpahinga? It's just new year?"

Ngumiti siya bago iangat ang palad ko sa labi niya. "It's a new year with you. Kaya nga nagpadala ako ng pagkain."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa pinagsasasabi niya. Ilang linggo na kaming ganito pero tila hindi ko kaya itanong kung ano ba 'tong ginagawa namin. Flirting? Fling? Panliligaw? Dating? I think it's not dating. Ni hindi naman kami masyadong lumalabas. We only see each other inside the hospital at minsan ay nagkakausap sa text kung salisi ang duty namin.

Agad kong binawi ang kamay ko na ipinagtaka niya.

Kahit ako ay nagtataka dahil ako si Kiel Kacy Grande.

I'm good with flirting. The best if I must say so myself.

I'm the one who helps Jett score his ladies and the friend known for being quite wild. I'm the go-to person if someone needs a lesson on flirting and how to make any boy hang the moon for you.

But Storm is merely not just a boy. He's a man of profession and pride. He's different at takot akong itanong kung ano ba kami sa isa't isa.

Dahil ako? Gusto ko siya. Gustung-gusto.

I still don't know him. Isang sign na hindi ako dapat nagkakaganito. Hindi ako dapat nag-expect that he's doing this because it means something.

"We have 10 minutes, Lacy. Come with me?" Muli niyang hinawakan ang kamay ko at bahagyang hinila sa kanya.

"Wait," hinanap ko si Lorren nankasalukuyang nakikipagkuwentuhan kay Mik. Pero mukhang kami ang pinagkukuwentuhan nila dahil agad siyang lumingon sa akin at sinabi, "Go! Ako na bahala dito, doc. Ikaw na bahala kay Kiel, ha?"

Napasapo ako sa noo ko nang itaas-baba niya ang kilay niya suggesting something else. Napatawa na lang si Storm na agad naman nagpaalam at hinatak ako para sumama sa kanya.

Kulang na lang ay tumakbo kami sa hallway. Agad ko siyang sinaway dahil may mga pasyenteng nagpapahinga. Hindi naman emergency, so cannot be.

Nasa ikatlong palapag kami ng building habang mabilisang binaybay ang dimly-lit hallways ng hospital. Dahil dito, medyo humangos ako nang bahagya.

Tiningnan ko siya at agad na napasimangot. Wow, ako pakiramdam ko ay gulo na ang buhok dahil sa init pero siya, may konting pawis lamang sa noo at halos hindi hiningal.

Parang wala lang. Mukha akong basahan na pwedeng itapon anytime with his perfect hotness.

"Gagawin natin dito?" Tanong ko nang mapansin na nasa glass bridgeway na nagkokonekta sa dalawang gusali.

Kapag diniretso ito, chapel na ang mararating. Tahimik ang paligid at walang tao. Karamihan kasi ay busy at okupado sa baba at naasikaso ang mga aksidenteng naputukan ng firecrackers.

"Kumusta si Olaf?" Mahina niyang tanong nang makapuwesto na kami sa railings.

"Ikaw talaga nagbigay no'n?" Gulat kong paglilinaw. Napaawang ang bibig ko dahil akala ko nagbibiro lang talaga mga katrabaho ko.

"Hindi mo ba nagustuhan?" Iniiwas niya ang mukha niya at humawak sa batok na tila nahihiya.

"I loved it. Kaso joke lang naman 'yun. Pinaglalaruan ko lang kung sino man ang nakabunot sa akin. Hindi ka naman nakasali sa bunutan, right?"

Umiling siya bago balingan ng atensyon ang relos niya. Pagkaraam ng ilang saglit, tumunghay siya sa akin at ngumiti. Humarap siya sa akin na siya ring ginawa ko para magkatapat kami. Humakbang siya palapit, invading my personal space.

Binalot ng init ng mga palad niya ang magkabila kong pisngi. Ang mga titig niya ay makabuluhan pero hindi ko pa rin mawari kung ano. Na siyang nagpakaba pa lalo sa akin.

"Happy New Year, Lacy," bulong niya bago ilapat ang kanyang mga labi sa aking bibig.

Dahil sa glass ang lumilinya sa kinapupuwestuhan namin, samu't saring makukulay na fireworks ang kumulay sa kalangitan.

My breath hitched in surprise when he moved to deepen the kiss. I feel his tongue begging entrance. Nanghina ang tuhod ko at agad na napakapit sa leeg niya. I am on my tiptoes now trying my best to reach him.

Napaawang ang bibig ko nang hapitin niya ako papalapit sa kanya. It gave him the chance to explore my mouth. My body is snuggly pressed against his front. He swallows every sound I make as we make out in the first hours of the new year.

"Should've done that sooner, Lacy," he says as soon as our lips parted to take a calming breath. "I have wanted to do that for so long."

Both of us are now breathing heavily. Our foreheads push together. Para akong nabingi na tanging paghinga lang namin at tibok ng puso ko ang naririnig ko

Hindi ko na alintana ang maiingay na putukan sa labas. Sa kabog pa lang dibdib ko, talo na yata nito ang goodbye philippines.

"Let's be exclusive," he stated. Bago pa man ako makasagot ay agad niya muli akong siniil ng mainit niyang halik.

Savoring the way his mouth explores mine, he's definitely not a frog. He's an experienced prince who may or may not break my heart.

Damn, 2015. You've started with a bang.

But despite feeling this good, a thought surfaced from my subconscious – that there must be a fine line between liking someone and being indebted to him with your life.

And it's terrifying.

I've Got You (SPG Girls #5)Where stories live. Discover now